Chapter #30: Protector

3K 193 9
                                    

Chapter #30: Protector

Ken's P.O.V.

Lintek.

"Anong nangyari?" Sa pananalita ni Rose, parang ngayon palang siya nagising, sa pagkabagsak ni Lily.

"Don't worry, buhay pa siya." Yakap-yakap lang ni Kaizer si Lily, at hinihimas nito ang likuran ni Lily.

Bwiset! Sabi ko kasi kanina walang iwanan. Siya nalang itong biglang nang-iwan!

"Nanlambot ako sa ginawa niya, super." Napalingon ako kay Monique, maski ako.

Nakatulala lang ako sa kaniya. Parang ang bilis masyado. Hindi ko pa maintindihan.

"Me too." Sang-ayon ni Carla.

"Baka lahat 'ata tayo." Dahan-dahang kinuha ni Nick ang itak na hiniram sa kaniya ni Lily kanina lang.

Sandali kaming natahimik. Puno na ng dugo 'yung damit niya kasabay ng pagwala ng isa niyang braso. Kinabahan ako sa'yo. Akala 'ko...

"Kapatid ko, kapit lang, nandito si Kuya."

Napatingin kami kay Kaizer. Kapatid? Kuya?

"Anong sinasabi mo Kaizer?" Pati si Aby nagtanong na.

Anong kapatid?!

Niyakap niya ng patagilid si Lily bago hinalikan ang ulo nito.

Umiyak siya?!

"Kaizer, nangangaliwa ka ba?" Napalingon ako kay Casper.

"Kaizer..." Hanggang ngayon hindi niya pa sinasagot ang tanong ni Aby.

"She's my sister. Lily Venegas, isa akong Venegas before. At dad ko ang tatay niya. Bata pa kami ng maghiwalay ang parents namin, sumama ako kay mom, siya naman pinili si dad. Matagal ko na siyang kilala, matagal ko na 'tong alam. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Naaalala ko siya, pero ako hindi na niya naaalala." Nakangiti pa ito habang pinagmamasdan si Lily.

Magkapatid sila?!

"Ang kapatid ko, niligtas ang kuya niya."

Hindi ko alam kung may karapatan akong makisali sa usapan. Pero magkapatid sila?

"Totoo?" Tanong ni John.

Sandaling inayos ni Kaizer ang basag niyang boses, bago sumagot. "Yeah."

"Sasabihin mo?" Tanong ni Nick.

"Soon."

Kinuha niya 'yung braso ni Lily.

"Matalino na, matapang pa, maganda na, mabait pa, isa kang anghel, anghel na may baril. My angel with a shotgun."

Wow. Magkapatid talaga sila? Muli kong nilingon ang babaeng bumagsak ang salamin.

Casper's P.O.V.

Gabi na, pero di parin siya nagigising. Nag-aalala na 'ko. Lintek!

"Kaizer. Kamusta si Lily?" Tanong ko.

Nandito pa'rin kami sa store. Dito na'rin kami kumain nang cup noodles na mga nakahanay rito.

Si Lily inihiga muna namin sa isang kwarto, matapos gamutin ng mga babae, 'yung braso lang para matigil ang pagdudugo. At ngayon, kami naman nakaupo lang ng pabilog rito. Nakasandal sa mga shelves.

"Tulog parin." Sagot ni Kaizer.

"Hindi ka ba nag-aalala sa kapatid kuno mo?" Tanong ko.

Nakakairita. Kanina ng putulin ni Lily 'yung braso niya, paeasy-easy lang si Kaizer. Lintek na! Kaibigan ko si Lily! Malaki ang utang ko sa kanya. Kaya nag-aalala ako!

Virus ZWhere stories live. Discover now