Chapter #10: Plus One

5K 278 27
                                    

Chapter #10: Plus One

Tahimik lang silang naglalakad, nang magsalita ang isang lalaking may kasingkitan at may maputing kutis.

"Nga pala,ang cool ng ginawa niyo kanina." Lumingon ito sa apat na nasa hulihan sina Lily, Carla, at ang binata, at ang nahimatay na bitbit ng binata, si Monique. Nagthumbs-up pa ito, at ngumiti ng malapad, lalo tuloy naningkit ang singkit niyang mata.

"Yah, we're cool. Muntik na kaming mamatay, habang kayo hindi niyo parin kami pinagbubuksan ng pinto. How nice, right?" Napanguso naman ang binata sa naging sagot ni Carla.

"Sorry, nung nandoon kasi kayo sa baba, nasa may third floor kami. Naghahanap ng first aid kit for her."

Napalingon naman sila sa tinuro ni Aby, si Rose na may benda ang paanan na inaalalayan ni John.

"Pasensiya na." Sabay yuko nito. Agad namang nagsalita si Carla.

"Hindi ayos lang. By the way, my name is Carla."

Nakangiti nitong pagpapakilala, matapos silang lumiko sa may kanan. Halata sa boses niya ang guilty sa nasabi kanina.

"Aby naman name ko."

"At ako si Rose."

"John nga pala, step brother ni Rose." Pagpapakilala ng binatang nakaalalay kay Rose.

Magsasalita sana si Kaizer ng sumingit si Casper, ang may singkit na mata, "Hindi kayo mag-on?"

Agad na namula ang pisngi ni John at umiling si Rose.

"Sibling-zoned?"

Natatawang bulong ni Lily, na tanging siya lang ang nakakarinig.

"Ahh, ganon? Akala ko kayo eh." May bakas pa ng panghihinayang sa mukha ni Casper. Bago siya pilyong ngumiti kay John.

Magsasalita na sana si Kaizer ng magsalita si Casper, ulit.

"Eh ikaw pare, kanina ka pa tahimik ah. Anong pangalan mo?"

Imbes na sumagot si Kaizer sa tanong ni Casper, umirap lang 'to at binulsa ang mga kamay sabay sabing, "Loko."

"Loko nice name--"

Agad na pinutol ni Aby ang sasabihin ni Casper.

"His name is Kaizer. Kaizer ang name niya."

"Ahh, Kaizer. Boyfie mo?" May arte pa sa boses ni Casper nang banggitin niya ang salitang 'boyfie'.

Agad na lumaki ang mata ni Aby at umiling-iling, si Kaizer naman ang sumagot. "Collection ng step-brother ko."

Agad na pinalo ni Aby ang braso ni Kaizer, na ikinangisi niya.

"Sister-in-law zoned?"

Muling bulong ni Lily.

Tumingin naman sila sa nasa likuran, ang mga hindi umiimik, at nagpapakilala.

"Ah nga pala guys, si Monique, my buddy. Nahimatay siya kanina eh." Pagpapakilala ni Carla sa tulog pa'ring may maiksing buhok.

Napatango naman sila at lumipat ang tingin sa babaeng may salamin.

"Lily." Tipid na sagot nito.

Napatingin naman sila sa matangkad na binatang may tuyong dugo sa braso, na siyang may bitbit kay Monique. "Nick, ako si Nick. Maaari bang maki-bilisan natin? May pagkabigat kasi 'tong isang 'to eh."

Ngumiti lang ang ilan, samantalang si Casper, tumawa pa. Lumiko lang ulit sila sa hallway, at dito natanaw nila ang mga nakahanay na kwarto.

Nauunang maglakad si Kaizer, nalibot na nila ito kanina ni Aby, kaya hindi nakakapagtakang pamilyar na siya rito. Huminto sila sa isang kwarto.

Pagpihit ni Kaizer ng pinto, ay siya namang atras at tili ng ilang babae, kasama si Casper.

Hindi naman natinag sa pwesto si Kaizer, kahit na may nakatutok na baril sa kaniyang mukha. Sa kaniyang pagbukas ng pinto, bumulaga sa kaniyang harapan ang isang baril na hinahawakan ng isang binatang bagsak ang buhok, at may seryosong aura.

"Teka lang," ang nasabi ni John, mula sa pagkagulat, bago hinila paatras si Kaizer upang makalayo sa may hawak ng baril.

"Easy pare, kagulat ka ah." Umakto pang matapang si Casper, na kanina lang ay humanay sa likuran, kasama ng mga nagulat na mga babae.

Bigla na lamang napapikit ang binatang may hawak na baril, bago niya ito binaba.

"Sorry." Tanging nasabi niya, bago napangiti. "Sinusubukan ko lang maging alerto."

Sandaling nilibot niya ang paningin sa mga kaharap.

Si Lily na nahaharangan ang kalahating parte ng mukha dahil sa buhok na kulay abo. Na mayroong salamin, dahilan para hindi matanaw ang mata niya.

Si Nick na may matangos at binagayan ng mapupulang labi, at makisig na pangangatawan. Na siyang may buhat kay Monique.

Si Monique na may maikling buhok, na nilagyan ng bangs.

Si Carla, na may mataray na aura, at may magandang mukhang binagayan ng mahaba at kulot ang dulo na buhok.

Si Casper, maputi at may kasingkitan, na may magagandang labing laging nakangiti.

Si John na may katangkaran at mala-Adonis ang mukha. Mapupula ang labi, matangos ang ilong at may nakakaakit na mata.

Si Rose na may maamong mukha na kahit sino'y mabibighani. Mahinhin ang bawat galaw.

Si Aby na may mahabang buhok, at nakaka-atract na kulay brown na mata, na may manipis na labi, at matangos na ilong.

Si Kaizer, may palabang aura, simple lang tumingin, ngunit matatalim ang bawat sulyap, na may mga labing minsan lang makikitang ngumiti. Ang may seryosong mukha, na nakakatakot biruin.

Napangisi ang binatang may hawak hawak na baril. Bago binati ang mga kaharap.

"Ayos. May mga buhay pa pala." Habang nakahawak siya sa polo.

Virus ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon