Chapter #24: Confession

3.6K 208 41
                                    

Chapter #24: Confession

Napatingin sila sa target at ang bala na nasa labas ng bilog.

Paano nakabaril si Casper ng walang nakakapansin?

"Bull's eye."

Sa pag-uulit ni Casper, natauhan ang mga kasama niya.

"Casper?" Nagtatakang tanong ni Aby.

Yumuko si Nick nang may tumamang gumugulong na isang parte ng baril sa paanan niya.

"Multong singkit, nagawa mo." Nagtatakang sambit ni John.

"Ken,"

Napalingon sa kaniya si Ken at itinaas ni Nick ang bahagi ng baril.

"You're so galing!!!"

Dito sila napangiti nang tuluyang basagin ni Monique ang katahimikan.

"May tinatago ka pala ahh!" Nakangiting sambit ni John.

"Wow!" Bati si Rose ay napahanga.

"Ikaw na Casper haha!" Natatawang sabi ni Aby.

"Good job." Seryosong bati ni Kaizer.

Biglang napaulanan ng yakap si Casper at umingay ang kwarto.

"So, nagawa natin."

Agad naman silang napahinto at napatingin kay Lily.

"Naihanda na namin ang gagamitin. Ang punching bags yari na. Ang mga targets, nakasabit na. Ang mga mannequin maayos na nakasalansan na. At ang baril naiayos na." Sabi nito ng walang emosyon.

"Pwede na tayong kumain, para maaga makapagpahinga. Marami pa tayong gagawin bukas. Kung gusto n'yong sumama."

Pagkasabi nito ni Lily ay agad itong tumalikod at umalis.

Aby's P.O.V.

"One, two, three!"

Sabay sipa ko sa tuhod ng mannequin. Tinignan ko sila, mga pagod na'rin, for sure. Tatlong linggo ang nakalipas at lampas isang buwan narin kami rito. Nakakasurvive dahil sa paminsanlminsannalabas naminpara makakuha ng mga instant foodsa ibang grocery.

Napangiti ako at muling tinuon ang pansin sa mannequin. Kaya ko 'to!

Tinignan ko ang mannequin sa mata. Magtutuos tayo, wahahaha!

Ang baliw ko. Hoo! Kaya ko 'to.

"Yah!"

Sabay hampas ko sa tagiliran ng mannequin.

Buti 'to walang response. Paano kapag totoong zombie na? Yuck siguro 'yun!

Nung hahampasin ko na 'yung leeg hindi 'yung mannequin yung nawalan ng balanse, kundi ako!

"Ayy!" Napatili pa ako. Shux!

Nagulat ako ng kay...

Tumingala muna ko.

"Kaizer." Si Kaizer bigla nalang napunta sa likuran ko.

"Clumsy."

Clumsy raw ako?

"Ganito kasi, akin na ang kamay mo. Dito mo ilagay..."

Pagkatapos niya ko tulungan, aba tinuruan pa ako! Swerte ko.

†-†-†

"Kung ako ba si Vince, ayos lang sa'yo?"

Napatigil ako sa pagsuntok na parang si Manny Pacquiao. Anong problema nito?

Virus ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon