Chapter #6: Last Country To Be

5.9K 317 43
                                    

Chapter #6: Last Country To Be

"Matutunghayan nating lahat ang pagbaba ni Doc. Justine at iba pang kahanga-hangang sundalo, na kakamayan bilang pagpuri ni President Rayn, ilang minuto nalang sa mga oras na 'to."

Itinapat ng camera man ang kamera sa kalangitan upang makita ng mga manonood sa telebisyon ang eroplanong nagsasakay sa magigiting na bayani.

"Ayan na! Ayan na ang sinasakyan ng mga bagong bayani!"

Hindi pa nakakababa ay nagsigawan na ang mga Pilipino bunga ng kasiyahan. Dahil magkakaroon sila ng pag-asa upang hindi na mapasama sa bilang ng mahahawaang infected, hindi sila magiging zombie. At sila nalang ang bansa na buhay... Na may buhay... Buhay na tao sa isip.

Nang tuluyan ng makababa ay bumukas ang pinto ng eroplano lalong nagsigawan ang mga tao. Ang nasa matataas na posisyon naman sa pamahalaan ay nasa harapan nito.

"I'm so proud--"

Naputol na lamang ang sasabihin ng Presidente nang biglang magsitakbuhan ang lahat ng laman ng eroplano. Dahilan para umingay ang mga taong sasalubong sa mga bayani. Nagsimula na silang magtakbuhan at magkagulo. Mabuti na lamang at alerto ang mga sundalo, pinaputukan nila ang mga umaatakeng infected. Pero kahit gaanong bala ang natatamo nila, ay walang epekto. Lalo lamabg silang nagiging agresibo, dahil sa ingay.

"Hindi sila namamatay!" Anunsiyo ng isang sundalo habang tumatakbo, sa kaniyang pagdapa tanging infected na lamang ang kaniyang masasalubong sa pag-ahon.

Ang sigawan ay lalong umingay at unti-unting tumahimik ng maubos ang lahat.

†-†-†

"Anak, ano ng nangyayari?"

Tanong ng ina ni Rose. Bulag ang ina nito hindi siya bingi, para hindi marinig ang sigawan sa pinakikinggang balita sa telebisyon.

"Nay tara na punta na tayong Simbahan." Hindi na sumagot si Rose, sa halip nagmadali na itong iniakay ang ina.

Hindi na nagsalita pa ang ina at nagtiwala nalang sa anak.

†-†-†

Pumunta sila sa Simbahan na ang pari ay siyang Tito nito.

"Father!" Pagbungad ni Rose sa Simbahan, maraming pamilya na ang sumalubong sa kaniya. May mga nag-iiyakan, mayroon namang mga tumutulong sa iba pang ka-baranggay.

"Oh, Rose pumasok na kayo, dali." Si Father Lino, ang kaniyang Tito, nagmamadali siya nitong pinapasok.

"Nay ligtas tayo dito, okay?" Pagkapasok, humanap kaagad ng silya si Rose para sa ina.

Tumango lang ang ina nito. Samantalang si Rose sy dumiretso sa pari.

"Father lalabas muna ako hahanapin ko muna yung iba, sasabihin kong dito na dumiretso." Palinga-linga pa ito, at hinahanap ang ibang kabaranggay.

"Paano kung makagat ka ng mga zombie?" Tanong ni Father Lino, na may pangamba.

"Father naman, nasa Manila pa yun malayo pa dito sa Bataan." Pagpapagaan ng sitwasyon ng dalaga.

"Pero hija--" Pinutol kaagad ni Rose ang sasabihin ng padre.

"Babalik po ako pangako. Kapag tatlong oras mula ngayon wala ako, isarado niyo na po lahat ng pintuan at bintana magdasal po kayo. Kayo na po bahala kay Nanay. Kailangan ko lang po puntahan yung pangalawang pamilya ni Tatay." Nakangiti man, ay halata pa'rin ang lungkot sa boses niya.

"Mag-iingat ka. Pagpalain nawa ng Diyos."

"Umaasa ako Father."

Tumakbo na si Rose palabas kailangan niyang masiguro na ligtas ang tatay at ang pangalawang pamilya nito. Kahit na iniwan sila ng tatay niya ay hindi nawala ang pagmamahal niya para rito nito.

†-†-†

Tumakbo lang ito ng tumakbo hanggang sa makarating sa tahanan ng ama. Agad nitong nakita ang panganay na anak ng pangalawang asawa ng tatay niya.

"Kuya John. Sila Tatay?"

Hinihingal na tanong nito. Napahinto nman si John na kaedad lang ni Rose sa pag-iigib.

"Lumuwas sila kahapon sa Maynila eh, magdidivisoria kasama nga si Noreen."

Si Noreen tatlong taong gulang na anak ng nanay ni John at tatay ni Rose Anne.

"Lumuwas? Kuya John di'ba kumalat na yung Virus sa Manila. Baka nahawa na sina Tatay."

"Ano ka ba hindi--"

Napalingon sila ng marinig ang mga sigawan ng mga tao. Sandali silang napatulala, at nagising nalang bigla ng may mapalingon sa kanilang infected.

"Tara na."-John

Kaagad na hinila ni John si Rose. Pero si Rose ay nananatiling nakatulala sa mga infected.

"Tara na!"

Sigaw ni John rito, bago pumasok sa loob ng bahay.

Habang tumatakbo sa loob ng bahay, dumiretso siya sa kuwarto saka ito nilock, at hinarangan ng kama at divider na nasa sulok. Bago niya nilingon si Rose na umiiyak.

"Dito."

May binuksan siya na cabinet at inals lahat ng naka-hanger na damit, saka tinulak papasok doon si Rose, bago sumiksik siya sa tabi nito.

Nilock niya din ang cabinet, at pumikit ng mariin, napadilat nalang siya ng marinig na nagdadasal si Rose.

"Ssshhh, 'wag kang maingay. Maririnig ka nila."

Tinakpan ni Rose ang bibig niya gamit ang kamay ngunit patuloy parin ang pag-agos ng luha nito. Isinandal nalang ni John ang ulo ni Rose sa balikat nito.

"Maaayos din ang lahat."

Ang tanong ni Rose, "Paano?"

---
Votes and comments are highly appreciated. (:

Virus ZWhere stories live. Discover now