Chapter #9: Our Savior

5.6K 285 25
                                    

Chapter #9: Our Savior

Dahil sa nasaksihan nina Aby at Kaizer, parehas na walang may gustong magsalita sa kanila. Parehas na nakatulala habang maingat na naglalakad. Naglalakad patungo sa kawalan.

Pasimpleng tinitingnan ni Kaizer si Aby, at kapag si Aby naman ang titingin kay Kaizer, kaagad itong umiiwas. Ganon na lamang ang pasimpleng sipol ni Kaizer, nang hindi pa'rin umaalis ng tingin sa direksiyon niya si Aby.

"Kaizer," mahinang tawag niya.

Napalingon naman sa kaniya si Kaizer, at nagtatakang nilingon kung saan tumitingin si Aby. Ganoon na lamang ang paghinto niya sa paghakbang. Hindi pala siya ang sinusulyapan ng dalaga.

Parehas sila ni Aby na nakatulala sa isang babaeng may salaming natatakluban ang kalahati ng mukha ng kulay abong buhok. Naglalakad ang babae sa kalsadang pinalilibutan ng mga infected!

Dahil sa pagkatulala ng dalawa, mukhang nakaramdam ng pagmamasid ang babae, kaya unti-unti siyang lumingon. At doon nagsalubong ang mga mata ng tatlo. Naiilang na ngumiti sa kanila ang babae, bago hahakbang sana patungo sa direksiyon nina Kaizer at Aby, nang bigla na lamang siyang may nabanggang infected. Nanlaki ang mata ni Aby at napatakip sa bibig.

Kaagad na tumakbo papunta sa kanila ang dalaga. Ang infected naman ay nagsimula ng makaramdam.

"Anong nangyayari?" Agad na tanong ni Aby, nang makapunta ang dalaga sa kanila.

"Basta hubarin niyo ang mga sapatos niyo at tumakbo nalang. Walang magsasalita please."

Hindi pa nakakasang-ayon, hinila na sila ng babae at nagsimulang tumakbo habang hinuhubad ang mga sapin sa paa. Habang tumatakbo, hindi maiwasan ni Kaizer ang mapalingon, tatlo ang humahabol sa kanilang mga infected! Lalong binilisan ni Kaizer ang pagtakbo. Ang babae naman ay kaagad na lumiko sa isang iskinita na sinundan naman ng dalawa.

Nakasandal lamang ang dalawang babae. Si Kaizer ay nakahawak sa tuhod at pinapakiramdaman ang pagtibok ng puso. Dahan-dahang nilingon ng babae ang daan sa labas ng iskinita. Lumingon-lingon pa ang infected, bago nagsiwala ng landas na pupuntahan. Dito lamang tuluyang nakahinga ng maluwag ang babae.

"Anong ginagawa mo 'don?" Hinihingal na tanong ni Aby.

Inayos niya muna ang salamin sa mata saka sinuot ang hawak na doll shoes.

"Naghahanap ako ng mga hindi nahawaan. And finally I found you guys." Sandali siyang huminga at inilahad ang kamay. "Lily, nga pala."

Bigla nalang napalaki ang mata ni Aby. "Wait, ikaw? Ikaw si Lily Venegas right? 'Yung nanalo sa mga academic contests, di'ba? Ikaw pa nga 'yung nagkaroon ng title na 'Little Scientist' yung sa Victoria's University?" Naniniguradong tanong niya.

Ngumiti lang si Lily, bago tumango.

"Ako nga pala si Aby, and this one si Kaizer. Thanks kanina ahh."

Si Kaizer naman nakangiti kay Lily at nang mapansin iyon ni Lily at tumingin kay Kaizer, kaagad na naglaho ang ngiti sa labi ni Kaizer, na siyang pinagtaka ni Lily.

"Okay lang. Pasensiya na'rin, hindi ako nakapag-ingat kaya napatakbo pa kayo. Pasensiya!" Sabay bow pa nito.

"Teka, paano ka nakakalakad sa gitna ng mga zombie?"

Napalingon naman si Lily kay Kaizer at binigyan ito ng isang matamis na ngiti.

"Pinag-aralan ko ang mga zombies and nagbasa narin ako about Virus Z. Any info about that."

"Di ka ba nila naaamoy?" Dagdag na tanong ni Kaizer.

"What do you mean? Amoy? They're not vampires, their senses cannot function very well."

Virus ZWhere stories live. Discover now