Chapter #16: Mistake

3.6K 235 20
                                    

Chapter #16: Mistake

Lily P.O.V.

Di ako makapaniwala na ang isang Casper ay isang ganito. I mean, he's not happy inside. Ibang iba.

Tinignan ko sila Aby, tulad ko nag-aantay siguro sila na sabihin ni Casper na. "Joke lang!" Pero hindi. Siya ba talaga si Casper? I know, wala pa kaming isang araw na magkakasama, pero meron na naman akong alam na personality nya, at hindi ito 'yon. Ang isang side niya, ang makapanggap na side niya.

"Are you serious?"

Narinig ko na naman ang paboritong line ni Kaizer.

Tumawa si Casper kaya lalo akong nalito.

Niloloko niya ba ako?! Niloloko niya ba kami?!

"Sa kasamaang palad, oo."

Ang galit ko nawala. Naaawa ako sa kaniya. Naaawa ako sa bawat isa sa kanila. Kasalanan namin 'to eh.

"I'm so sorry."

Napatingin kami kay Carla. Nagsosorry siya para saan?

"Sorry sa nasabi ko kanina."

Nung biglang tumawa si Carla, kanina?

"Ayos lang 'yun. Saka sabi ko nga kanina nakamove-on na ko. Saka yun yung shinare ko kasi, ilang taon ko 'to tinago, ilang taon ako nagpanggap na masaya, even I'm not. Ano ba yan nakakapag-english na 'ko. Sa wakas nakmgagamit ko din 'yung tinuro ng english teacher namin na nagtatagalog sa klase."

Bumalik na siya. Bumalik na ang masayang Casper.

Bigla siyang tumayo, at umupo sa tabi ni Nick sa sofa. Bakit?

"Ikaw na water Lily."

Agad akong napayuko. Ako?! Hindi pwede!!! Ayoko... Ayokong malaman nila!

"Lily, may problema ba?" Narinig kong nagtanong si John.

Pumikit ako ng mariin. Anong ie-excuse ko?! Kailangan kong umalis rito, kailangan gumawa ako ng paraan para di ako makapagsalita sa kanila.

"Is there something wrong?" Tanong pa ni Ken.

"Lily." Narinig kong tinawag rin ako ni Aby

"Lily, bakit ayaw mong magsalita?" Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko, Rose.

"Lily natatakot na me sayo," Narinig ko pa si Monique.

"Lily..." Muling tinawag ako ni Nick.

Tumayo ako.

"Ahm.. Ano masama kasi pakiramdam ko. Pwede bang sa susunod na ko magkukwento?" Nakangiti kong pakiusap.

Tatalikod na sana ako nang magsalita si Kaizer.

"May tinatago ka ba?"

Wala. Wala. Wala.

Unti-unti akong lumingon bago lumunok.

"Wa-wala."

Aalis na sana ako ng magsalita na naman siya.

"You're not a good liar."

"Kaizer..." Saway ni Aby.

Lumingon ako sa kaniya.

"Masama ang pakiramdam ko. Magpapahinga muna ako." Pilit ko.

"Lily samahan na kita?"

Umiling lang ako kay Ken, saka ngumiti.

"Ang daya mo naman, kami nagshare ikaw hindi." Ngumiti lang ako kay Aby.

"May tinatago ka ba?" Napalunok ako sa sinabi ni Carla.

"Wala no."

"May tinatago ka. Aminin mo na." Maging si Casper, interesado.

"Bakit ba tanong kayo ng tanong? Wala akong tinatago, okay? Ang gusto ko lang magpahinga muna kasi... Kasi ang sama ng pakiramdam ko." Ulit ko.

"Binigyan mo kami ng tanong kaya responsibilidad mong sagutin 'yon kung ayaw mong mag-iba ang tingin namin sa'yo."

Napalingon ako kay Nick.

"Kuha ko ba ang line mo?"

I just nodded.

Bago umupo. Sana tama ang desisyon ko.

"'Wag muna sana kayong magtanong." Paalala ko.

Inayos ko ang salamin ko.

"Kasalanan ko 'to."-Lily

Hawak hawak ko ang salamin ko. Nanginginig ako sa kaba.

"Anong 'to'?"

"Wag daw magtatanong"

"Ay, sorry.."

"Ang zombie. Ang virus. Ang virus Z. Kasalanan ko."

Tumingin ako sa kanila.

Halos gusto kong ibalik ang oras at hindi sabihin 'yun. Si Aby yung mata niya nagdududa na parang naiilang. Si Rose nangangamba, sina Carla at Monique nanlalaki ang mata. Si Ken napanganga, si Kaizer nakakunot ang noo. Si Nick naman nakatitig sakin ganon din si John. Si Casper parang sinusuri pa ako.

"Ako ang may kasalanan..." Pag-amin ko.

Virus ZWhere stories live. Discover now