Chapter #27: No Need To Regret

2.9K 205 28
                                    

Chapter #27: No Need To Regret

Carla's P.O.V.

"Wala na siya,"

Napalingon ako kay John. Nagjo-joke siya! Tama! Kasi mamaya pagkababa niya biglang tatalon dito papasok si Casper. Tapos tatawa. Ganon naman siya di'ba? May pagkabaliw?

Diba?!

"Pumasok na tayo, baka umakyat pa sila."

"No. Antayin muna natin si Casper. 'Yung multong singkit kasi na 'yun. Ang daming alam." Sagot ko kay Ken.

Napalingon naman sila sa'kin. Tama naman ako di'ba? Ano ba 'yan?! Nag-usap-usap ba sila?

"Let's go Carla."

"No, Monique--"

Humarap ako sa gate. Bago ko hinampas hampas.

"Casper! Tara na! Baka maging multong zombie ka diyan! Di bagay!"

Naiiyak na 'ko.

Naiiyak na ko, Casper umakyat ka na please.

"Tara na!"

Hinayaan ko nalang na hilahin nila ako papasok. For sure, susunod narin 'yun. Kupad kupad kasi nung multong 'yun!

Pagkapasok namin. Nakita kong nilocked ni Aby at Rose 'yung pinto.

"Teka! Bakit niyo, nila-lock 'yan?" Hindi nila ako pinansin.

"Diyan lang kayo, John at Ken, samahan niyo akong dalawa sa taas. I-check natin 'tong bahay."

Hinabol ko lang ng tingin ang tatlong lalaking umakyat. Hanggang ngayon naguguluhan ako.

Sina Monique at Nick naman sinasarado lahat ng bintana.

"Monique, buksan mo naman, hindi natin makikita kapag kumatok si Casper." Tumingin lang siya sa'kin at naluluha na'rin.

Si Lily naman inaayos yung laman ng bag, yung mga baril. Gusto ko siyang kausapin, pero hindi kami ganong kalapit sa isa't isa.

Teka. Anong tinutulong ko? Ngayon ko lang napansin, lahat sila may ginagawa. Ako lang ang wala. Kaya, dumiretso ako sa may pinto.

"Carla!" Napalingon ako kay Rose.

"Anong gagawin mo?"

"Tatawagin ko na si Casper, Aby at Rose."

Maya-maya tumatakbong niyakap ako ni Monique.

"Wala na siya Carla. Wala na siya. Patay na." Sandali akong napahinto, bago muling tumawa.

"Nakakatawa Monique pero, kailangan na natin siyang tawagin, baka mamaya mangyari nga 'yan. Magsisi ka." Takot ko pa sa kaniya.

Masamang biro 'yun.

"Carla."

Napalingon ako sa mga bumababa. Nakabalik na sila.

"Nakita ko. Nakita ng dalawang mata ko. Wala na siya."

Biglang nanlambot yung tuhod ko sa sinabi ni John, literal na nanlambot, dahilan ng pagbagsak ko buti nalang at sinalo ako nina Aby.

"Hahaha. Nagjojoke ka diba? Hahahaha! Masamang biro 'yan eh."

Tumatawa na umiiyak ako. Baliw na ata ako.

"Carla." Napalingon ako kay Ken.

Napayuko ako, bigla. Sinong niloloko ko? Alam ko na, pero pinapaniwala ko lang ang sarili ko.

"This is all my fault. Kung di ako nag-maarte. Kung umakyat agad ako. Nandito dapat siya tinatawanan lang 'to. Kung hindi sana ako nag-inarte, kasalanan ko 'to. Kasalanan ko."

Virus ZWhere stories live. Discover now