Chapter #22: Let's Start It

4K 225 27
                                    

Chapter #22: Let's Start It

John's P.O.V.

"Boy Tenga, kuha mo naman ako ng towel!"

"Hoy Multong Singkit 'di ako ang yaya mo!"

"Tss, si Tenga talaga ohh. Por que mayaman ka sa tenga, ganiyan ka na!"

Pinagsasabi ng lokong 'to? Lumingon ako sa kaniya, Nak ng.

Anong problema ng loko?! Naka-jogging pants at sando! Mag-eexercise ba 'to? Akala ko ba wala ng damit?

Tumingin ako sa tatlong lalaki na mga kakapasok palang sa kwarto, mga naghilamos siguro 'to.

"I'm ready!!!"

Tinignan ko naman yung mga reaksyon nila sa sinigaw ni Casper. Si Nick nakakunot ang noo, si Kaizer umirap lang, si Ken naningkit ang mata, pero malaki parin ang mata.

"Tara na nga, sa kusina na tayo."

Sabi ko bago tumayo ng kama. Iniisip ko minsan, siguro nakagat na si Casper ng zombie, kaya ganto utak niya.

Nauna na ang mga babae sa'min at sila daw ang magluluto.

†-†-†

Pagkarating namin, nag-uumpisa na sila kumain.

"Kain tayo."

Ngumiti lang ako kay Rose. Bago umupo sa harapan niya, at naglagay narin ng kaninsa plato ko.

"Daya. Hindi 'man lang kami tinawag." Nakanguso pa si Casper, nanagtatampodahil nauna nang kumain ang mga babae.

"Sorry ahh. Ano kayo mga señorito?" Tanong ni Carla nang hindi lumilingon.

"Wait lang, bakit ganyan ang outfit mo, Casper?" Nagtatakang tanong ni Aby, dahilan para tingnan siya ng mga babae.

"Nababaliw na 'yan." Sabay upo ni Ken.

"May problema." Si Nick naman kumuha na ng tubig.

"Adik 'yan." Saad ni Kaizer.

"May saltik." Sagot ko.

"May gwapo, ako." Nakakadiri ngumiti 'tong multong 'to. Parang may inaakit, tsk.

"Oh, kayo? Bakit nakaganyan kayo?" Tanong niya pa.

"Hindi naman tayo mag-eexercise ngayon di'ba?" Tanong ni Rose.

"Oo." Sagot ni Lily.

Bigla namang tumayo si Casper.

"Magpapalit na nga 'ko."

Casper's P.O.V.

"Wag niyo silang titingnan sa mga mata. Kasi matalas ang senses nila. Mararamdaman nila na may nagmamasid sa kanila."

So, bawal makipag-eye to eye contact? Ganda ko pa naman mag eye smile. Sus, wala ring palang epekto.

"Dapat walang ingay, dahil siguradong madali silang mabingi. Naiirita sila kasi nga sabi ko kanina, matalas ang senses nila."

So, pano na 'ko? Di ako mabubuhay ng 'di nagsasalita! Nakaupo lang kami sa sofa, habang nakikinig kay Teacher Lily.

Magsasalita pa sana ako ng magsalita ito ulit.

"So, tara na?"

Nagulat ako ng tumayo 'to.

"Teka mag-aano?" Tanong ni Nick.

"Magpa-pairing tayo guys, para madali mag-practice."

"Anong pa-praktisin?" Tanong ni Rose.

"Mga physical--"

Virus ZWhere stories live. Discover now