Chapter #2: News to be heard

9.9K 409 77
                                    

Chapter #2: News to be Heard

"At para naman sa international news. Sa Hilagang parte ng Africa may kumakalat na sakit, na hanggang ngayon ay hindi matukoy, ayon sa balita nakita na lamang ang isang babae at lalaki kasama ang apat na anak nito, tatlo ang pumapasok na at isa ang pitong taong gulang, ang parang nawawala sa sarili inihahampas sa pader ang ulo at namumutla-mutla. Ngayon nasa kamay sila sa isang labarataryo sa Africa upang suriin. Yan muna para sa nagbabag--"

Naputol ang panonood ng isang batang babae, ng patayin ng ama nito ang TV.

"Daddy naman, nanonood po ako." Nakabusangot na reklamo niya sa ama. Mula sa pagkakahiga sa sofa ay siya namang upo nito, para tingnan ang ama.

"Kumain muna." Utos ng ama nito, bago siya iniwan sa sala.

"Kainis. Pagkatapos ng breaking news na 'yun, yung koreanovela na eh! KJ naman kasi ni dad." Sa likod ng kaniyang pagbulong ng mga reklamo ay wala siyang nagawa kung hindi tumungo sa kusina.

Siya si Aby, matangkad, maporselana rin ang kaniyang kutis, na binagayan ng maganda niyang mukha na may maalong-along buhok. Isang high school student.

Dumiretso lang siya sa kusina, at habang naghuhugas ng kamay bago kumain, nakita pa nito ang nakababatang kapatid na may hawak na slumbook.

Sandaling naningkit ang mga mata ni Aby para tingnan ng mabuti ang disenyo ng slumbook.

"Teka? Akin 'yun ah." Nagtataka pa ito, bago mabilis na pinatay ang gripo at pinuntahan ang kapatid.

"Princess akin 'yan ah!"

Sabay turo niya sa slumbook.

"Akin 'to, po."

Bago ito niyakap ni Princess.

"Akin 'yan. 'San mo ba 'yan nakuha, ha?" Tanong nito, bago pumantay sa kapatid at pilit na kinukuha ang slumbook.

"Sa kuwarto mo, burara ka kasi, po." Kaagad na napahinto si Aby, bago tiningnan ng masama ang kapatid.

"Anong burara? Hindi ah."

"Burara ka kaya, po." Sabay irap pa ng kapatid nito.

"Maldita. Akin na nga 'yan!" Kukunin na niya sana, nang ilagay ni Princess ang slambook sa loob ng t-shirt niya, bago dumila sa ate niya.

"Aby. Ano ba yan?" Napalingon si Aby sa ina nito, na may hawak hawak na mangkok.

Magsasalita sana siya, ng bigla nalang umiyak si Princess.

"Aba, ayos. Inunahan pa ako."

"Mommy, ate ayaw share."-Princess

Iyak nito sabay yakap sa binti ng ina. Kinuha naman nito ang anak sabay karga.

"Aby?" Tanong ng ina nito sa kaniya, bago umupo si Aby sa harap ng lamesa.

"What?"-Aby

Iritadong tanong nito.

"Mommy, kanina pa ko inaaway niyan. Bad siya, po." Dagdag pa ng nakakabatang kapatid nito.

"Maldita talaga. Akin na nga 'yan." Sabay tayo ni Aby at abot sa slumbook. Dahil karga ng ina nila si Princess, hindi nito napigilan ang ate.

"Mommy oh! Bad talaga siya, po!"

Turo pa nito.

"Ano ba kasi 'yan Aby? Kakain nalang ay." Sabay baba niya kay Princess.

"Wala mommy just a notebook. Cutie notebook to be exact." Nakangiting sagot niya, bago ipapatong na sana sa kanlungan niya.

"Talaga?"

Napalingon naman siya nang marinig ang boses ng ama. Dahil sa gulat hindi nito namalayang nahablot na pala ng tatay nito ang slumbook at binubuklat.

"Daddy! It's mine! Hey, don't read that." Nakatayo pa siya. At kitang-kita na ang inis sa mukha niya.

"Who is your crush? Vince Salmoñte?"

Napakunot naman ang noo ng mommy nito at ng daddy nito sa narinig.

"Sino si Vince? Ha, Aby?"

Ang kaninang iritang mukha ni Aby ay napalitan ng ngiting aso, bago dahan-dahang naupo.

"Err.. My crush? -But wait a minute, he's cute, handsome, bright and sporty guy. And Mom Dad, he ask me for a date!"

Tumingin pa ito sa ama na bigla nalang sinuli ang slumbook at umupo na.

"And the right answer is no."

Napakunoot naman ang noo ni Aby at tumingin sa ama.

"No?" Pag-uulit nito.

Umubo ang ina nito para makuha ang atensiyon ni Aby.

"Yes, no. The answer is no, Aby."-Ruby

"But, madami na po siyang nagawa. Kailangan niyong marinig yung mga balita about kay Vince. At promise matutuwa kayo, Mom." Nakangiti pa ito.

"Alam mo, Aby. Napakabata mo pa para sa ganiyang mga bagay. Bakit ba ganyan kayong mga kabataan ngayon? Sa pagsagot nalang ba sa mga nanliligaw ang kaya niyong sagutin? Matuto ka munang sumagot sa mga homework mo ng walang google bago ka mag-nobyo." Sabay ayos ng dad nito sa salamin niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Napanganga naman si Aby, bago nagsalita, "But you-"

"No buts. Kapag sinuway mo kami three weeks kang grounded. Understood?" Pagpuputol ng ama nito sa sasabihin niya.

"Landi kasi ni Ate, po." Dagdag ng kapatid nitong apat na taong gulang.

"3 weeks not too bad..." Bulong nito at patagong nagtetext sa ilalim ng lamesa.

[To:Vince♥
Of course. When?]

---
Votes and comments are highly appreciated. (:

Virus ZWhere stories live. Discover now