Chapter 46: Last Card

2.5K 212 29
                                    

Chapter #46: Last Card

Pagkatalon na pagkatalon ni Kaizer mula sa bintana, ay hindi na siya lumingon pa, nakayukom ng kamao siya tumakbo papunta sa pwesto ni Aby, at saka ito hinila sa braso, nang mahigpit.

"T-teka... Kaizer, nasasaktan ako."

Pawang walang naririnig si Kaizer, at patuloy ang pagtakbo hila-hila si Aby, nalampasan rin nila si John na abala sa pagtarak ng hawak na tubo sa mga infected.

"Kaizer. Kaizer... Nasaan na si Lily?"

Biglang bumagal ang pagtakbo ni Kaizer sa naging tanong ni Aby, pansin rin ang pagkaluwag niya ng hawak sa braso nito. Pero maya-maya ay bigla nalang siyang umiling, bago mabilis na kinuha ang baril na nasa baywang lang niya. At muli niyang binilisan ang pagtakbo, kasabay ng paghigpit ng hawak kay Aby.

"Kaizer!" Ganoon na lamang ang gulat ni Aby, nang itinaas ni Kaizer ang baril, at nagpapaputok sa kalangitan.

"Ah!!! Ah!" Binitiwan nito si Aby, at hinawakan ang ulo, bago umikot-ikot habang pinapuputukan ang madilim na kalangitan.

"Kaizer!"

Yumuko ito nang ang mga kamay ay nasa batok. Sigaw ito ng sigaw, kaya naman naaagaw nito ang atensiyon ng mga kasama na kanina lang ay abala sa pagproprotekta sa bawat isa.

"Kaizer?" Patanong na tawag ni Carla, na hindi parin itinitigil ang pagbaril sa mga paligid.

Kumpara sa loob ng mansiyon, walang masyadong infected na makikita rito. Mayroon man, ngunit iilan-ilan. Kaya naman sa ginawang ingay ni Kaizer, hindi nakakapagtaka kung matuon ang atensyon ng mga infected sa kanila.

"Kaizer naman! 'Wag mong sayangin 'yung bala!" Sigaw ni John, na napapakagat labi na.

Umiling iling si Nick, bago binaril ang mga infected sa paligid nina Kaizer at Aby.

"Kaizer..." Pinagmamasdan lang ni Aby si Kaizer.

Halata naman ang gulong-gulong pag-iisip sa ngayon ni Kaizer. Ginugulo nito ang buhok, habang nakaluhod, at dahan-dahang napaupo sa semento. Sementong may bakas ng dugo.

"Monique, Carla, Nick! Sa paligid muna tayo ni Kaizer." Utos ni John, tumango si Nick bago sinenyasan ang mga kasama.

Pumaikot ang apat, at nasa loob nito sina Aby at si Kaizer.

"Kaizer..." Naluluhang tawag ni Aby.

"Wait, where's Lily? Don't tell me..." Napalingon si Monique kay John na katabi niya. Bigla na lamang yumuko si John bago umiling.

"What?!" Napatakip pa ng bibig si Monique, bago napakapit naman kay Nick.

"Focus muna, guys." Paalala ni Carla, sa ikinikilos niya, parang wala ng bago kung malagasan sila ng isa. Sanay na.

Sa loob nang ginawang bilog nina Carla, John, Monique at Nick, ay makikita si Aby na naluluhang nakatitig kay Kaizer.

Napalunok ito, at hinawi ang buhok, bago dahan-dahang lumuhod para mapantayan ang minamahal.

"Kaizer," hinawakan pa nito ang kamay ni Kaizer na nakahigpit ang hawak sa baril.

"K-kaizer, Kai." Umiiyak na niyakap ni Aby si Kaizer. At dahan-dahan namang nahulog ang baril sa palad nito.

"Aby... Hindi ko na alam. Wala akong kwenta." Kumpara sa matigas at malakas na sigaw niya, iba ang tono ng pananalita ni Kaizer ngayon, malambot, malumanay, mahina at basag ang boses nito.

Hindi umiimik si Aby, patuloy lang siya sa pagyakap kay Kaizer.

"...wala na. Wala na si Lily. Hindi ko nagampanan ang karakter ko sa buhay niya. Nawala siya. Nawala siya sa harapan ko." Basag man ang boses niya, ay malinaw naman ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Virus ZWhere stories live. Discover now