Chapter #11: The Storyteller

5.3K 279 28
                                    

Chapter #11: The Storyteller

"Ken?"

Sandaling inayos ni Lily ang salamin niya sa mata. Bago pinuntahan si Ken, ang lalaking kanina lang ay may baril na hawak.

"Lily Venegas, tama ba?"

Tumango lang si Lily, sa totoo, kanina pa namumukhaan ng binata si Lily ang may abong buhok.

Ibinaba ni Ken ang baril niya sa lamesa sa gilid ng pinto.

Magsasalita sana si Nick nang magsalita si Casper.

"Mag-on kayo?"

Agad na nakatanggap ng batok si Casper galing kay Carla. Si Lily naman ay natatawang umiling.

"Lahat ng magkakakilala, mag-on agad?"

Habang hinihimas ni Casper ang batok niya, ay ngumisi lang ito kay Carla. Bago mapanuksong inilapit ang mukha nito sa mukha niya.

"Inggit ka lang, wala ka kasing kakilala rito. Don't worry parehas lang tayo. Pwede ring namang maging tayo."

Dahan-dahan na pagkakasabi nito.

"Yuck ka!" Nabigla pa si Carla, bago tinulak palayo si Casper, na siyang ikinatawa ng binata.

"Natakot ako kay Casper, ah." Komento ni Rose, bago mahinhing tumawa.

"Kinabahan si Carla eh, oh." Dagdag naman ni John, at tinuro pa ang namumulang pisngi ng dalaga.

Kaya naman muling nakatanggap ng matalim na tingin si Casper na ngayon ay pumunta sa likod ni Kaizer.

"Pwede bang ibaba ko muna si Monique? Mabigat kasi talaga siya." Singit ni Nick, kaya kaagad na nagbigay ng daan ang natatawang sina Aby at Rose, papunta sa kwarto kung saan nandoroon si Ken.

Sa kwarto sa hotel, mayroong tatlong king bed size. Malaki ito kumpara sa iba. Kaya hindi na nahirapan si Nick na ibaba si Monique sa kama.

Sumunod na'rin ang mga kasamahan niya sa loob ng kwarto. Bago sinarado ang pinto.

Magkatabi sina Rose at Aby na mukhang malapit na sa isa't-isa. Sina John at Nick naman na tumatawa sa pangungulit ni Casper kay Carla, na nakaupo sa tabi ng nakahigang si Monique. Si Kaizer naman nakasandal habang pinagmamasdan ang baril ni Ken.

Sina Ken naman naiwang nakatayo, kasama si Lily.

"Kamusta na? Ang tagal na'rin nating 'di nagkita, ah." Naiilang pero nakangiting saad ni Lily.

"Eto naging cool guy na ako." Nagbibirong sagot niya.

"Kamusta na pala si Tito? Tanda ko siya pa ang tutor natin noon." Tanong ni Ken.

Biglang nawala ang ngiti ni Lily, bago tumingin sa bintana sa labas, at muling humarap kay Ken.

"Patay na."

Agad na nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa.

"I'm sorry," Wala siyang mabanggit na ibang salita. Bago muling tumingin kay Lily at ginulo ang buhok nito. "Pero alam mo? I lost them too." Pagpapagaan ng loob ni Ken, habang nakangiti.

Umupo si Lily sa paanan ng kama, ganoon din si Ken.

"Para namang sinasabi mo na, 'wag kang mag-alala ako 'din." Nakakunot-noong saad ni Lily, bago muling lumingon kay Ken na hindi na umimik.

"Totoo?" Tanong ni Lily.

Tumango lang si Ken, bago huminga ng malalim.

"Natatandaan mo pa ba si Dad at Mom?" Tanong nito nang hindi nakatingin sa katabi.

Virus ZWhere stories live. Discover now