Chapter #37: Unbalanced

2.7K 153 47
                                    

Chapter #37: Unbalanced

Lily's P.O.V.

"What?!"

"Are you damn serious?!"

"'Yung totoo?"

"Ken, baka nagkakamali ka lang."

"Ano?!" Pati ako napasigaw. Kasabay ng pasigaw na tanong nina Aby.

Tumama ang hula ko, kaya nagiging pula ang ilaw dahil sa warning na paubos na ang gas. Agad akong sumilip sa bintana.

"K-ken! Ang daming zombies dito!" Agad akong lumingon kay Ken.Bago sa mga kasamahan ko.

"Ayos lang sa'king mamatay sa ganitong paraan, kaysa makagat ng taong may rabies." Agad kong sinamaan ng tingin si Casper.

"Casper, hindi oras ng pagbibiro ngayon." Napalingon ako sa mataray na sagot ni Carla. Pero si Casper, hindi ito pinansin.

"Ken! Ano na?!" Tanong pa ni Aby.

Ramdam ko na ang paglakas ng tibok ng puso ko, kasabay pa ng kirot ng sariwa ko pang sugat.

"Magdadasal na ako." Napalingon ako kay Casper, at seryoso siya na nakayuko na ngayon.

Papa, tulungan niyo ako. Tulungan niyo kami ni Kuya Kaizer, tulungan niyo kaming lahat.

"Hangga't hindi pa tuluyang nauubos 'yung gas, maglalanding na muna tayo." Napatango ako.

"Tama, maglanding muna tayo." Saad ni John na nakabantay sa baba.

"Pwede naman palang maglanding nalang, may pa-wala wala na gas pa." Nakangusong sambit ni Casper.

Muli akong napalingon kay Ken, nang lumunok ito.

"Magla-landing tayo, sa gitna nitong bayan. Sa gitna ng mga nagkakagulo ngayong mga infected."

Agad akong napahawak kay Aby na siyang katabi ko.

"We're here..." Bulong niya.

Napailing-iling si Nick, bago kinuha ang mga gamit sa harapan namin. Ang mga baril, baseball bat, ang itak na kaagad na nagpalingon sa akin, at ang mga first aid kit.

"Lily, ayos lang ba 'yung braso mo?" Napatingin ako kay Aby, bago pabirong tumawa.

"Aby, wala akong braso na tinutukoy mo." Biglang lumaki ang mata niya, bago tumingin ng seryoso.

"Just kidding, nahawa ata ako kay Casper." Napalingon pa si Casper sa akin, bago ngumiti, gayon din ako sa kaniya.

"Lily, seryoso ako, para maayos na natin." Umiling lang ako.

"No, Aby. Ayos na ako. It's already fine."

Ngumiti lang siya, bago kumuha na'rin ng gagamitin niya, kumuha siya ng baril, at iniabot sa akin ang isa, at isa para kay Kuya Kaizer.

Kaagad na lumingon sa'kin si Kuya Kaizer.

"'Wag kayong maghihiwalay mamaya," paalala niya, na lalong nagpakapit sa akin kay Aby.

"Ken, what na?" Tanong ni Monique.

"Magbibilang ako." Anunsiyo niya.

Countdown.

"10."

"Akin na 'yung pamalo," Napalingon kami kay John.

"9."

"Ayoko ng bat, baril nalang 'yung akin. Palit tayo Monique." Napangiti pa ako kay Casper. Sa likod ng mga nangyayari, nag-aaktong bata pa'rin siya.

Virus ZWhere stories live. Discover now