Chapter #7: On The Other Hand

5.8K 317 62
                                    

Chapter #7: On The Other Hand

"Rose Anne?"

Ang ginang na iniwan ni Rose, ay nagsisimula ng mangamba.

"Rose?" Muling tanong ng Ginang. Umaasang may maririnig na tinig mula sa anak. Nagulat na lamang ito, nang may humawak sa kaniyang balikat.

"Ate, si Rose kasi..."

Ang padre ng bayan ang humawak sa balikat ng kapatid nitong bulag, na siyang nanay ni Rose. Magpapaliwanag sana ang padre, ngunit hindi niya makapa ang tamang salitang panimula.

"Nasaan si Rose Anne?" Tanong ng ginang.

"Lumabas sya ate."

Napakunoot ang noo ng ginang, sa narinig mula sa kapatid.

"Lumabas? Saan naman siya pupunta?"

Kanina lang nandito ang anak niya, pero hindi niya namalayang umalis na. Sasagot sana ang padre, nang mapalingon ito sa sumigaw.

"Nandito na Father!"

Sa sigaw na ito, naalerto ang bawat isa. Kaniya-kaniyang dasal, kaniya-kaniyang iyakan, kaniya-kaniyang diskarte.

"Ang Rose ko." Walang pumapansin sa ginang, lahat abala sa sarili nilanh buhay.

"Isarado lahat ng pinto! Lahat ng bintana! Isarado nyo!" Sigaw ng padre, na kaagad na inawat ng ginang.

"Teka, ang anak ko?"

Tulad kanina, walang sumasagot sa paulit-ulit niyang tanong.

"Ang anak ko!"

Dahil walang sumasagot sa kaniyang tanong, dahan-dahan siyang gumilid, kinakapa ang ding-ding, at nang makapa ang pinto. Bigla niya itong itinulak, na nakakuha sa atensiyon ng lahat.

"Ate!" Sigaw ng padre, na walang nagawa kung hindi tumingin sa taas, bago mariing pumikit.

Ang ginang na nagtatanong ay napahinto, nang may dumapong matutulis na bagay sa kaniyang braso.

†-†-†

John P.O.V.

Nakasandal lang sa balikat ko ang ulunan ni Rose. Buti nalang dumating siya. Kung hindi, baka kanina pa akong katulad ng ibang nakagat na diyan.

Napatingin ako kay Rose, nakatulog dahil sa kaiiyak, habang yakap-yakap ang tuhod niya. Tuwing nakikita ko siya, para akong nakokonsensiya, ang nanay ko ang naging kabit ng tatay niya. Nawalan siya ng ama. Wala akong nagawa kahit lagi kong pinagsasabihan ang nanay, wala rin akong magagawa kasi, minsan ko lang makita si nanay na masaya. Magiging hadlang pa ba ako?

"Sorry Rose." Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa mukha niya, dahan-dahan kong inalis ang ilang hibla ng buhok na nagtatakip sa maamo niyang mukha.

Iniisip ko minsan, kung hindi kaya naging magkadugtong ang pamilya namin, may pag-asa kaya ako sa kaniya? Lahat ng katangian na hinihiling namin nasa kaniya. Mahinhin, mapagkumbaba, pasensiyosa, mabait, maka-Diyos, at maganda. Kung bibihisan lang siya ng mga bagong damit mapagmamalang mayaman siya. Mistisa, matangos, itim na itim ang buhok niyang bagsak, mataba ang pisngi na naging dahilan para sa kakyutan niya. Perpekto. Kung hindi lang sana nagkaletse-letse.

"Wah!!! Syete!" Agad akong napayakap kay Rose, nang may nagbukas ng cabinet. Nakalocked 'to ah!

"Woah! Tao ka? Ikaw zombie?"

Unti-unti akong napadilat, tao lang pala. Teka? Tao! Tiningnan ko lang siya, nang bigla siyang ngumisi.

"Pare, in relationship na 'yung status ko. 'Wag mo na akong katitigan."

Virus ZWhere stories live. Discover now