Chapter #4: Slowly Beggining

6.9K 353 62
                                    

Chapter #4: Slowly Beggining

[4 days after 'that']

"Maraming mga tao na ang unti unting nagiging infected sa kontinente ng Africa. Ayon sa isang manunuklas si Professor Phil galing Amerika, na isang Pinoy, ay isang virus ang kumakalat na ito, nandito ating kampayanin."

Sa America Labaratory, nagtungo ang isang Filipino Reporter, para makahanap ng dahilan at makapag-ulat sa mga Pilipino ng tunay na nangyayari. Katabi niya ang scientist na isang Pinoy, at nasa likuran naman nila ang labratory, na nagsisilbing background.

"Good Morning." Bati niya kay Professor Phil, bago itinapat rito ang mikropono.

"Good Morning too. Nandito ako para ipaliwanag ang nakakahawang sakit sa Africa. Ang sakit na 'yun base sa aming isinagawang test, ay may high level virus at ito ay tinatawag na Virus Z." Nakangiti man sa harap ng kamera ang Proffesor, bakas parin rito ang pangamba.

"Ano po ba ang mga senyales ng isang infected?" Tanong pa ng reporter.

"Pagkalipas ang ilang araw, mag-iiba ang pisikal na anyo at mawawala ka sa pag-iisip na animoy, nasa stage ng commatose, pero buhay ang katawan. Wala pang malinaw na senyales, dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas ng kumalat ang karamdamang ito." Sagot niya, bago inayos ang salamin sa mata.

"Sir, paano po ito kumakalat? O nakakahawa?"

"Nakakahawa ito kapag nakagat ka nila. Ito ay wala pang nahahanapang lunas pero may ginawa ng solution si Professor Xander, isang African, para hindi mahawaan nito. Ang problema lang hindi muna tayo makakapunta doon dahil sa security. Ang mga nahawaan ay masasabi ng patay sa loob pero buhay ang katawan." Sagot nito.

"Thank you. So viewers, be aware. Sa ngayon ligtas tayong lahat, dahil mahigpit ang gobyerno sa lahat ng papasok sa ating bansa. Lalong lalo na kung galing sa Africa. Nag-uulat, Sophia Balingit."

†-†-†

[5 days after the news]

Isang maikli ngunit mabilis na breaking news ang ipinalabas sa bawat telebisyon, at iniulat sa mga radyo at inilathala sa bawat diyaryo. Ganoon rin sa mga social media.

"Sa America nakapasok ang isang batang sanggol na infected ng naturang virus, kasama ang ina nito."

†-†-†

[1 day after the news about America]

"Half of America are already affected, half of it are already zombies."

Sa balitang ito, karamihan sa mga taong naniniwala na 'America' ang greatest country sa lahat, ay nagsimula ng mangamba. Pero mayroong iba, na hindi nagseseryoso.

†-†-†

[2 days after the report about America]

"May ipinadala ng mga scientist galing sa Asia patungo sa America dahil 'di tulad noon na tatlong araw, dalawang araw at ilang oras lamang nagta-transform ang tao patungo sa pagiging zombie. Ngayon wala pang isang minuto ganap na silang zombie."

Kahit ang tinaguriang magaling na reporter, ay nagsisimula ng mautal, at gumamit ng mga hindi angkop na salita sa pagrereport. Halata narin ang panginginig sa boses dala ng takot.

†-†-†

[Evening that day]

"Malungkot naming binabalita na di nagtagumpay si Professor Kyle sa pagtetest sa mga infected na tao. Sa ngayon ayon sa balita napasama siya sa bilang ng infected."

Kita sa screen ng telebisyon ang kabuuan ng Amerika na nagkakagulo. Parang isang shooting. Dahil sa takot ng ilang scientist, ang iba ay hindi na pumapayag na gumawa't mag-imbestiga. Para sa kanila, sapat na ang buhay na isinakripisyo ng isang edukadong tao.

†-†-†

[1 day after the incident]

"Ayon sa balita pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ng mga Arabo ay may nakitang isang batang infected at dito nagsimula ang pagkalat ng Virus sa Saudi."

Mula sa mga taong lumilisan sa Amerika at Africa nagtutungo sila, sa ibang parte ng daigdig. Pero hindi alam ng ilan, ang ibang lumilisan ay ang dapat lisanin.

Ngayon nagsisimula na ang pagkalat ng virus sa middle east.

†-†-†

[3 days after the news about Saudi.]

Kahit delikado, may ilang nagtatrabaho, upang magkaroon ng malay sa nangyayari o para magkaroon ng pera.

"Kalat na sa ilang kontinente ang Viruz Z. At ang tanging natitira lamang na--"

Sa balitang ito ng isang Filipino Reporter sa Korea, bigla nalang nagblack-out ang bawat telebisyon. Isang senyales ng kaniyang pamamaalam.

Ang natira lamang ay ang Pilipinas. Isang muting kapuluan na pinalilibutan ng katubigan. Pasalamat na lamang sa lokasyon ng isang munting bayan.

---
Votes and comments are highly appreciated. (:

Virus ZWhere stories live. Discover now