Chapter #15: Third Batch

3.6K 235 24
                                    

Chapter #15: Third Batch

"Aby!"

Agad na tumapat ang bote sa direksyon ni Aby. Ngumiti si Aby, bago umupo ng ayos.

"Hay... Ako? Simpleng high school student. Pasaway na anak. Makulit na ate. At? At isang hopeless romantic. Nakikipagdate kani-kanino. Binibigay ang number kani-kanino." Natatawa niyang pag-amin.

"Landi ko no? Haha. Pero isa lang ang masasabi ko. NBSB 'to! Dahil naniniwala ako kay Cupid. Naniniwala ako kay Destiny. I want to be like a Princess. Gusto kong maging prinsesa, hinaantay ang prince charming sakay sakay ng kaniyang kabayo. Yung prince charming na gwapo! Haha. Ngalang wala na ata 'nun. Look, puro zombies nalang dito." Natatawa niyang kuwento.

"Siguro mahahanap mo rin 'yun. Tiwala lang kay Kupido!" Saad ni Carla.

"Aja!"

Natawa ang mga kalalakihan ng sabay sabay na bigkasin 'yun ng mga babae.

"Oh next na, walang namang drama ang buhay ko ehh."

Inikot niya ang bote at tumapat ito kay Carla, kaya inikot niya ulit sa ngayon naman si Nick, inulit niya ulit km ngalang siya naman ang tinapatan, nung iikutin na niya sana...

"Guys kung dito nalang sa sofa yung nakapagsalita na? Nang may karamay ako." Suhestiyon ni Ken.

"Okay."

Agad na tumayo ang nakapagsalita at nagtabi-tabi sa sofa. Kaya ang naiwan ay dalawa.

"Sus, dadalawa nalang pala kami?" Nagkakamot sa ulo na puna ni Casper.

"Hindi walo tayo rito," Nakasimangot na biro ni Lily.

Tumayo si Aby at inikot ang bote.

"Goodluck!" Tumapat ang bote kay Casper.

"Multong singkit!"

"Ay nako gwapo ko talaga." Puna niya sa sarili.

Humarap siya sa mga kasama. At di tulad kanina na nakangiti. Ngayon walang ekspresiyon ang mukha niya.

"Three chances. Maniwala kayo sa hindi nagmahal ako, ang masama nagmahal ako ng lubos at totoo." Blangko ang mukha niya.

Biglang tumawa si Carla. "May nagkamali?!" Biro niya.

Pilit na tumawa si Casper, bago yumuko kasabay ng pagbagsak ng kaniyang luha.

"Oo, ako. Ako ang nagkamali, hindi sila. Si Faye first girlfriend ko. Alam niyo kung anong ginawa? Tinu-timer kami! Two timer! Ako, isang nerd ako noon. At ang isa, isang cool na crush ng bayan si Kris. Sabi niya ayaw niya sa'kin kasi boring ako. Ayaw ko na iwan niya ko, kaya nagbago ako hanggang sa nagmakaawa ako sa kaniya. Lumuhod! Para kong baliw. Natatakot mawala yung minahal ko! Anong magagawa ko seryoso 'tong multong to eh. Ngalang wala, tuluyan akong pinagpalit. Sino nga ba namang pipili sa tubig? Kung ang pagpipilian ay isang ice tubig at isang coca-cola. Malamang doon na siya sa coca-cola." Halata mo ang seryoso sa kaniyang tinig at sa bawat pagpatak ng kaniyang luha.

"Nagmahal ulit ako si Dhey. Mabait, seryoso rin, matalino. Akala ko siya na. Pero iniwan niya ko. Isang araw nakatanggap ako ng sulat, sabi dun umalis na daw siya sorry 'di siya nakapagpaalam ipapakasal siya kay Ace sa France. She left me hanging. Again, nasaktan na naman ako, sinaktan na naman ako." Basag na ang boses nito dahil sa iyak.

"Pero nagmahal ulit ang huli at ang tunay si Freya nasaktan, iniwan, pinaasa. Parehas kaming nadapa na at bumangon para sa isa't isa. Ngalang namatay dahil sa letseng sakit sa puso na 'yan! Iniwan niya ko, without saying goodbye. Again, eto na naman ang multo nasaktan. Sana multo nalang ako, tulad ni 'Casper The Friendly Ghost' nang matagusan, lahat ng sakit tumagos, sana ganon! Ngalang hindi eh. It takes a year bago ako magmove on. I felt I'm lost. Tatlong chances bago ko sabihing tama na. Pagod na 'ko. Ayoko ng magmahal." Walang nagsasalita. Tahimik ang bawat isa, na pinapanood ang pag-iyak ng isang masayahing binata.

"Wag niyo kong sabihang bakla. Dahil ang taong 'di umiiyak mahina. At ako, hindi ako mahina."

Virus ZWhere stories live. Discover now