Epilogue: Virus Z

3.3K 146 22
                                    

Epilogue: Virus Z

Isang sakit ang kumalat. Virus Z.

Sampung kabataan ang nagsama-sama.

Si Rose na isang mahinhin at simpleng babae, nagmula sa pamilyang hindi nabibilang sa mataas na antas.

Si Casper isang happy-go-lucky guy, isang high school student na nagmahal at nasaktan, pero patuloy na tumatawa, patuloy na nagpapatawa.

Si Ken, seryosong binata na nanggaling sa miserableng pamilya sa America, nagtungo sa Pilipinas upang makaligtas.

Si Lily isang mapagmahal na anak, tahimik na kaibigan at walang imik na estudyante, sa kabila nito taglay niya ang talino na nakatulong sa bawat isa.

Si Monique conyong babae na nagpapakita ng tunay na kulay, hindi ganoon kaliksi, hindi ganoon kalakas, ang nakaabot hanggang dulo.

Si Nick na nagtanim ng sama ng loob pero naliwanagan rin sa tulong ng mga kaibigan. Tahimik man pero maliksi. Handang protektahan ang minamahal hanggang dulo.

Si John, isang tunay na kaibigan. Hindi man nanggaling sa mataas na uri ng pamilya, pero pinakita naman ang lahat ng makakaya para lang sa mga tinuring na kaibigan.

Si Carla, hindi man taglay ang magandang pag-uugali pero sa taglay na tapang at lakas nakaabot siya sa dulo.

Si Kaizer, tahimik man ngunit ramdam sa ginagawa niya ang suporta sa desisyon ng lahat. Nanggaling sa wasak na pamilya, pero ginawa parin ang makakaya para maging mabuting Kuya.

Si Aby, isang simpleng babae na nanggaling sa simpleng pamilya, isang kabigan, isang nagmamahal, isang nasaktan, nag-iisang natira.

Sampung kabataan

Iba’t-iba ng katangian,

Iba’t iba ng ugali,

Iba’t iba ng nakagisnang pamilya.

Iba’t iba ang pananaw.

Ang siyang nagsama sa iisang mithiin.

Ang matagpuan ang solusyon sa Virus Z.

Ngunit tulad ng reyalidad, hindi lahat ay makakaramdam ng swerte.

Ang sampu ay nabawasan.

Mula sa sampu naging iisa.

At ang nasabing iisa, hindi pa malinaw kung magpapatuloy o hihiga rin sa tabi ng kasama.

May nagsakripisyo.

May lumaban.

May prumotekta.

May nagkamali.

May nasawi.

Sa huling segundo ng mundo natunghayan ang pagiging tunay na tao.

Hindi pa rito nagtatapos ang lahat...

Kabanata pa lamang ito ng iisang grupo.

To Be Continued...

Virus ZWhere stories live. Discover now