Chapter #45: Red Death

2.4K 144 19
                                    

Chapter #45: Red Death

"Sa wakas."

Pagkaharang na pagkaharang nina Nick at John sa pinto, ay siya namang takbo ng mga ito kung saan nakalagay ang mga beaker, na naglalaman ng pulang likido, na kasing kulay ng matingkad na rosas.

Mabilis na nagtungo sina Nick at John sa lamesa, pero kaagad namang napahinto nang mapansin ang isang bangkay sa gilid nito.

"T...teka? Siya ba?" Napalingon si John kay Kaizer, at nang makita ang reaksyon ni Kaizer at Lily, ay siya namang biglang lunok nito. Siya nga ang tatay ng magkapatid. Ang lumikha ng Virus Z.

Nakatayo lamang si John, samantalang si Nick ay pinagmamasdan ang bangkay na nakahandusay.

Kulay lila ang leeg, nakanganga na para bang naghahabol ng hininga. Para itong sinakal. Suot suot pa ng lalaki ang salamin nito sa mata.

Napailing si Nick, bago lumingon sa mga kasama. Napakagat labi ito, at dahan-dahang umiling, nang ang kamay ay nakasapo sa noo.

Si Carla na nakayakap kay Lily, ay maingat na kumalas sa yakap, at dito pawang nagising si Lily sa reyalidad. Lumingon ito sa ama niya, at makalipas ng ilang segundo, ay bigla na lamang itong tumakbo, at mabilisang niyakap ang bangkay ng ama.

"Papa! Papa..." Napuno ng tahimik na paghikbi ang silid. Idagdag pa ang puting-puting pintura ng silid na nagdadagdag sa pagiging payapa at tahimik na aura nito.

Ang mga kasama nito ay tahimik na nanonood sa eksena.

Si Aby, nakaalalay kay Kaizer. Samantalang si Kaizer ay nakatulala sa kawalan.

"Kaizer-"

"Nakakahiya. Hindi ko magampanan ng ayos ang karakter ko sa buhay ng kapatid ko." Bulong nito, nang hindi lumilingon kay Aby.

"Kaizer..." Unti-unting pumikit si Aby at niyakap si Kaizer.

"Me too. I'm not good at comforting others. Pero sinusubukan ko parin." Kumalas ito ng yakap at tinitigan si Kaizer, bago tumango.

Napalunok si Kaizer, nang makuha ang nais sabihin ni Aby, tumayo siya at pinuntahan ang kapatid.

Sandali pa itong napahinto, nang makita ang mukha ng ama. Napayukom siya ng palad, bago madiin na nagpigil ng iyak.

"Kuya, si Papa." Naiiyak na turo ni Aby sa ama nila.

Walang lumabas na salita sa bibig ni Kaizer, lumuhod lamang siya at inakbayan ang kapatid.

"Bilisan na natin!" Biglang napatayo si Monique na kanina lang ay nakaalalay sa binti ni Carla.

"Ha?" Tanong ni John, wari ba'y nabibilisan sa pangyayari.

"Nandiyan na sila!" Madiin na sigaw ni Monique.

Napalaki ang mata nila, nang makarinig ng sari-saring ingay na nanggagaling sa labas ng silid.

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Aby.

Walang sumagot pero lahat sila ay pumalibot sa lamesa.

"Hindi ako makapaniwala. Sa dinami-dami ng pinagdaanan natin, sa wakas. May katapusan pala." Nanginginig pa ang mata ni Carla, na pinagmamasdan ang pulang likidong.

Inilapag ni Monique ang kamay niya sa mesa. "Wala nga kasing forever, kaya look, nandito na tayo sa end."

Nakangiting umakbay si Nick rito, bago humarap sa mga kasama.

"Paano natin 'to iinumin? Lahat ba? Saka eto na ba talaga 'yun?"

Dahan-dahang lumingon sa kanila si Lily, na namamaga ang mata.

Virus ZWhere stories live. Discover now