Chapter #34: Acceptance

2.9K 165 16
                                    

Chapter #34: Acceptance

John's P.O.V.

"J..ohn mahal kita,"

Bago siya bumitaw.

Wala na.

Wala na siya.

Wala na si Rose.

Iniwan niya ko. Iniwan na niya ako.

"R..rose. Rose."

"ROSE!!!!"

"ROSE!!!"

Yakap yakap ko lang ang katawan niya. Bakit nangyari 'to? Bakit?

Napakabait ni Rose. Napakabait niya! Wala naman siyang ginawang masama di'ba?! Wala naman di'ba?!

Buong buhay niya inilaan niya sa iba! Pero bakit, bakit nangyari 'to?! Bakit?!

"John tara na!!"

Muli kong pinagmasdan ang babae sa kanlungan ko. Ang puti niyang damit naging kulay pula na. Napayuko ako, bago madiin na hinawakan ang kamay niya.

Rose, bakit mo 'ko iniwan? Nagbibiro ka lang di'ba? Babangon ka diyan tulad ng ginawa ni Casper. Tapos, sabay tayong aalis sa letseng mundo na to. Di'ba? Di'ba?

"John, tara na!!!"

Rose, wag mo naman akong iwan oh. Mahal kita eh. Mahal na mahal.

"Tara na John, parating na sila,"

"Bitawan mo ko Nick!"

Napalingon ako kay Nick na hinawakan ang dalawa kong balikat bago hinila, nilalayo niya ako kay Rose.

"Bitaw!"

Napalingon ako sa paligid ko, lahat sila nakatayo na. Napatingin ako kay Rose, na malayo na sa'kin.

"Iiwan niyo si Rose?! Anong klaseng kaibigan kayo?!"

Akmang luluhod ako papunta kay Rose, nang pati si Kaizer hinila na ako.

"Rose!!!"

Aby's P.O.V.

Nakasandal lang ako sa balikat ni Kaizer, habang katabi ko si Lily na nakayuko. Sa tabi nito si Monique na natutulog na sa lap ni Nick, si Nick naman inaayos-ayos lang ang buhok ni Monique, sa gilid nito si Ken na nakasandal at si Carla na kanina pa tahimik. Si Casper naman at si John ang magkatabi. Nakapabilog kami. Nandito kami sa isang Library. Municipal Library. Dito kami inabutan ng dilim.

"Bakit niyo siya binabayaan?"

Nanlaki ang mata ko nang magsalita si John. Sabay sabay kaming nagkatinginang mga babae, si Monique naman hindi pala tulog at napaupo.

"Bakit niyo siya hinayaan?"

"John, hindi naman 'yun tulad ng iniisip mo-"

"Sorry. Sorry. Sorry,"

Naputol 'yung sasabihin ko ng marinig si Lily na nagsosorry.

"Bakit hinayaan niyo lang na iwan ang katawan ni Rose 'don. Bakit sarili niyo lang ang inisip niyo kanina?"

Hindi ko alam kung anong isasagot. Hindi ko alam kung ano ang tamang isagot.

"Bakit?" Muli niyang tanong.

Pinagdikit nito ang dalawang kamay. Bago sumandal sa shelf.

"Mahal ko siya. Mahal na mahal, ang masama nawala siya ng 'di ko man lang sinasabi. Mahal ko siya."

Nagulat ako ng tumayo si Monique.

"Here, sabi niya kanina, she loves you, ngalang hindi niya alam kung pano i-eexplain sa'yo. Nagkwentuhan kami kanina about you, tapos I can see in her eyes na love ka niya nga talaga. Then, yung time na kinagat siya ng zombie siya na 'yung pumatay sa self nya. So fast, so fast. Then sabi niya ibigay ko 'to sa'yo. If ever na di mo siya maabutan. John, ang bilis ng pangyayari hindi ko nga alam kung anong gagawin ko. Akala ko makakaya natin to, but..."

Inabot niya yung hawak hawak niyang singsing kay John. Si John naman umiiyak na kinuha 'to.

"She loves you." Dagdag ko.

Ngumiti 'to sa'min.

"Hindi ko alam kung sasama pa ba ako sa inyo, kasi wala na akong dahilan eh. Nung una ang gusto ko lang protektahan ang taong mahal ko. Pero ngayon wala na siya, wala na akong dahilan para mabuhay."

"Bro, John."

Napalingon kami kay Ken.

"Ngayon pa ba? Ngayon pang umasa si Rose na makakaya mo 'to? John, hindi pa dito natatapos ang buhay mo. Mahal mo si Rose alam ko, pero sure ako pare na mahal mo rin 'yang sarili mo."

Tumahimik ito, bago ngumiti ng mapait.

"Si Rose ang bumubuo sa sarili ko."

I just sighed.

"Kaunti nalang nasa finish line na tayo."

Napalingon ako kay Casper na mukhang pinapagaan ang athmosphere.

"Hanggang kailan ba 'to?"

Si John naman ang nagtanong. Hanggang kailan? May katapusan pa ba?

"Malapit na, John. Malapit na."

Ngumiti lang 'to kay Nick.

"John. Kung hindi ka na magpapatuloy dahil sa pagkawala ni Rose. Sana magpatuloy ka para sa'ming mga kaibigan mo."

Napatingin kami kay Kaizer.

"Psh. I know it's sounds gay, but mahal ka namin pare."

Napangiti ako, at yumakap sa braso ni Kaizer. Proud girlfriend ako. Nang sumulyap ako kay John, nakangiti lang 'to bago tumayo, pati si Kaizer tumayo na, nagbro-hug sila. Sinenyasan ko naman sina Carla na sumama sa group hug ng humirit si Casper.

"Langya! Bromance ba 'to?!"

Hindi siya pinansin ni John, sinuot lamang nito ang singsing bago nakangiting pinagmasdan.

Carla's P.O.V.

Three days ago, nang mawala namin si Rose. Yes, I feel guilty hanggang ngayon. Kung alam ko lang, hindi ko sana siya sinumbatan or inaway. Tsk. Ano bang alam ko sa mga susunod na mangyayari?

Now, naghahanda na kami. Eto ang araw na aalis na kami, aalis ng Pilipinas. Malapit na kami sa sinasabi ni Ken. Kaya naman talagang todo handa na kami.

"Tulungan kita. Gusto mo?"

Napalingon ako kay Ken.

"No, thanks. Kaya ko na 'to."

Bago ko ipinagpatuloy ang paglalagay sa bag ng mga first aid kit.

Sina Nick at Monique, abala sa pag-iipon sa isang tabi ng mga kagamitin naming armas, we like a warriors. Tsk.

Si Aby pinapalitan ng benda ang braso ni Lily.

Si Ken na kakatapos lang, tinulungan si Kaizer, John at Casper na magbuhat ng baril na nakuha nila kanina sa gun shop.

"Okay. Doon muna ako kina John. Tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka."

Nang aalis na siya. Saka ko naman binanggit ang pangalan niya. "Ken."

"Bakit?"

Tanong niya.

"Pwede bang humingi ng favor?"

Ngumiti siya sakin.

"Please, be my knight."

Lily's P.O.V.

"Let's go?"

Isinakbit ko 'yung malaking bag bago tumango sa kanila.

"Ako na."

Nagulat ako ng tanggalin ni Casper ang bag na suot ko at siya naman ang nagsakbit. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang pasasalamat.

"Ang helicopter, isang kanto nalang mula rito."

Napatango ako sa sinabi ni Ken. Malapit na kami sa finish line.

Pumunta si Kuya Kaizer sa may pintuan nitong shop, bago kami isa-isang tiningnan. Nang ngumiti si Kuya, binuksan niya ng malapad ang pinto.

"Ready?"

"Ready." Sagot namin.

Bago tumakbo at nagkasa nang baril.

Virus ZWhere stories live. Discover now