Chapter #14: Second Batch

3.7K 240 22
                                    

Chapter #14: Second Batch

"Oh well, thank you." Sagot nito.

Walang sabi sabi inikot niya ang bote. At tumapat 'yun kay Rose.

"Your turn."

Ngumiti lang si Rose, bago nagsalita.

"Ahm, una sa lahat. Kuya John pinatawad na kita, pinatawad na kayo ni Nanay. 'Di naman kayo ang may kasalanan eh. Si Nanay bulag siya. Kaya buong buhay niya ako ang naging mata niya." Nakangiti nitong sambit.

"Sa simpleng bagay na nakukuha namin araw-araw, masasabi kong araw-araw biyaya. Kahit 'yung araw na umalis si Tatay. Biyaya 'yun. Bakit? Kasi lahat ng mga nangyayari naniniwala ako na may rason. So, 'yun." Maikli pero positibo niyang pananaw.

Ngumiti lang siya kay John.

"Past is past no need to discuss."

Niyakap lang ni John si Rose, ng mahigpit. "Salamat." Bulong nito.

"Ahm, you may now get a room..."

Napabitaw sila sa pagyakap at humarap sila kay Casper.

"Casper!"

Nasundan nalang 'to ng tawanan. Bago inikot at tumapat ito kay Carla.

"Oh well, what can I say? Well, siguro masasabi ko na isa akong bitch. Maraming galit sakin sa school. Masyado daw akong maarte." Sabay irap pa nito.

"So what? This is me, masama bang mag-english? Nagkaroon pa ng subject na english kung di gagamitin. Well, di naman lahat galit sakin. Katulad ni Monique she's my bff, bukod 'dun maraming boys din ang nagkakagusto sa'kin. So meaning, kahit may pagkabitch ako, di naman lahat galit sakin." Mataray niya saad.

"Di ka naman bitch Carla." Nakangiting puna ni Aby.

"Well, dapat ko ba 'yang paniwalaan? Saka ayos lang sakin ano man sabihin nila. Tutal hindi ko naman ikakapanget yun. So what for?"

Pinat lang ni Casper ang ulo ni Carla, bago tinawanan.

"Beautiful bitch." Bulong nito.

"Okay, ikot ko na." Paalam niya bago napaturo kay Kaizer nang tumapat rito ang bote.

"Oh, ako na?" Tila nagulat pa ito.

"Hindi Kaizer, ako." Pamimilosopo ni Aby.

"Tss..."

Sinuklay niya muna ang buhok niya gamit ang darili bago nagsalita.

"Well, ang mom ko nag-asawa ng isang halimaw na may anak sa unang asawa. Araw-araw di ko alam kung kabilang ba talaga ako 'don. Feeling ko outsider ako. Buti pa 'yung anak niyang si Vince feel at home, palibhasa gusto siya ni mom." Iniyuyukom pa nito ang palad nang banggitin ang pangalan ng kaniyang kapatid.

"Eh, ako gusto ba ko ng bago niyang asawa? Hindi. Minsan 'nung napuno ako sinagot ko. Ngalang mali ako, dapat hindi ko nalang sinagot 'yun tuloy nabugbog ako at kinulong buti nga binibigyan niya ko ng pagkain. Sinasabi ko lahat 'yun kay mom, ngalang masyado siyang bulag! Kaya eto mukha akong basagulero."

Napansin niya ang tingin ng mga kasama niya sa kaniya.

"Sinabi ko 'yun para hindi ako masabihang kill joy. Kaya 'wag niyo kong kaawaan." Naiinis na saad nito.

Biglang hinawakan ni Aby ang kamay ni Kaizer.

"Pwede naman sigurong kami ang bagong family mo?" Paalam niya.

Tinignan nya lang 'to sa mata.

"Itapon natin lahat ng alaala ng nakaraan. At maghanda sa mga alaalang mangyayari kasama ang bawat isa sa'tin. Siguro wala narin tayong uuwian. Wala naring mag-aantay satin. So sana magturingan tayong magkakapamilya rito. Pwede ba?"

Tumingin si Aby sa mga kasama niya. At nag-aantay ng komento o reaksiyon.

Agad na tumayo si Carla. Sunod si Monique.

"Wala na akong pamilya. Kaya, go!" Sagot ni Carla.

"Even na 'di tayo blood related, siguro naman magkakasundo tayo." Dagdag ni Monique

"Sama ako, eto siguro ang isa sa mga dahilan para iligtas ako ng Panginoon." Mahinhing saad ni Rose.

"Me too, masarap magbagong buhay." Nakangiting pahayag ni Ken.

"Kaya kong maging mabuting kapatid sa bawat isa. Kaibigan man o kapatid." Saad ni Nick.

"Gusto kong protektahan ang bawat sino, bagay na hindi ko nagawa sa nanay ko." Nakangiting sagot ni John.

"Ako rin. Gusto kong maramdaman ang may pamilya." Mahina pero seryosong saad ni Lily.

"Kahit na hindi kayo kasing-gwapo ko, o kasing ganda ng lahi ko. Sige na nga, sali na 'ko. No choice, asar." Nagbibirong sambit ni Casper.

Hindi sila tumawa, o pinansin man lang ang sinabi ni Casper, dahilan para mapanguso ito.

Kaagad silang tumingin kay Kaizer, na unang tinanong ni Aby. Wala siyang sinabi, kung hindi nakangiting tumango lamang.

Virus ZWhere stories live. Discover now