Chapter #25: Back To Normal

2.9K 201 11
                                    

Chapter #25: Back To Normal

Casper's P.O.V.

Lintek na buhay!

Ilang beses ko bang sinabi na pagod na ko! Pero bakit?

At ngayon eto na naman ako naiiyak! Kainis na buhay to!

"Casper."

Si Carla.

Aalis na sana ako pero niyakap niya ko, mula sa likod.

"Carla?"

Yakap yakap niya pa'rin ako.

"I'm your friend."

Pumikit lang ako.

"I'm not your lover. But maybe--"

Lumingon ako sa kaniya.

"I'm not selfish Carla, kung hindi mo ko mahal ayos lang. Hindi mo kailangang pilitin. Ang akin lang hayaan mo kong mahalin ka, kahit walang kapalit."

Tumingin lang siya sakin.

Hinalikan ko lang ang tuktok ng ulunan niya at pinat ang ulunan niya.

I know she's smart to understand that.

Bakit ba kasi may mga taong easy to fall.

Lily P.O.V.

"Mahal mo ko?"

Napalingon ako sa likuran ko.

Si Ken.

Aalis na sana ako, nang hawakan niya yung kamay ko.

"Hindi naman masamang umamin di'ba?"

"Gusto mo ba ng sagot?"

Tinignan ko lang siya.

"'Wag na. Napaamin lang ako 'yun lang."

Aalis na sana ako, tama naman ako diba? Ayokong marinig ang sagot niya, kita naman sa kilos niya. Marunong akong umintindi.

Kita na sa kilos, kaya di na kailangang tanungin pa.

Habang humahakbang, I wish, sisigaw siya, at yayakapin ako, parang yung mga binabasa ko. Pero wala eh, hindi niya ko tinawag, di niya ako niyakap. 'Di niya sinabing 'mahal niya ko', 'mahal niya rin ako'.

†-†

Nandito lang ako sa Lobby.

Sila mga naghahanda na para bukas.

"Musta?"

Napatingin ako sa nagtanong si Kaizer.

"Araw-araw tayong magkasama, bakit mo pa tinatanong?"

"High blood."

Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka nandito, dun ka sa girlfriend mo."

Ngumiti lang siya bago sumandal.

"Mas kailangan ako ng, kaibigan ko."

Kaibigan?

Napatingin ako sa kaniya.

"Kaibigan?"

"Oo, kung may problema ka. Pwede mo akong kausapin. Pwede mo akong maging, kuya."

Ngumiti lang ako. Bago umiling. Isa lang ang kailangan ko ngayon, katahimikan.

"You can count on me."

Sabay alis niya.

Rose's P.O.V.

"Ready guys?!" Tanong ni Casper.

Tumango lang kami bago ko binulsa yung baril. Ang bigat!

Pero napapansin ko lang, parang wala ng nangyari kagabi. Parang balik sa normal ang lahat.

"Tara na? Labas na tayo?"

Tumango lang ako. Sana kung naibalik 'man sa normal ang mga nangyari kahapon. Sana pati ang mga nangyari rito sa mundo. Miss ko na si Nanay.

Napatingin ako sa langit. Alam ko, binabantayan ako ni Nanay.

Tumalikod ako, at inantay si Lily na sumenyas. Bago muling sinimulan ang buhay sa labas.

Virus ZWhere stories live. Discover now