Chapter #41: Tears

2.7K 145 16
                                    

Chapter #41: Tears

Nasa loob lang sila ng isang Public Library, hindi masyadong malawak, para pagmulan ng mga infected. Halata rin sa loob ng silid aklatan ang nangyaring kaguluhan, nakabagsak ang mga book shelves na parang isang domino, kasabay nito makikita ang bawat librong parang pinaikot ng buhawi, lagas ang mga pahina at nakakalat sa sahig. Nakataob ang bawat lamesa at puno ng dugo ang counter ng librarian. Nakaupo lang sila katapat ng lamesa, magkakaharap. Tahimik at pare-parehas na nakatulala.

Si Nick na nasa dulo ay may bakas pa ng dugo sa braso, halata rin ang malalim nitong mata, dala ng hindi pagtulog ng ayos.

Katapat nito si Kaizer, tahimik at nakatulala sa kawalan, ngunit ang mga kamao ay nakayukom.

Katabi ni Kaizer si Aby, nakahawak ito sa isang kamay ni Kaizer, at nakahilig ang ulunan nito sa balikat ni Kaizer.

Kaharap ni Aby si Monique na katabi ni Nick, si Monique naman ay nakayuko at patuloy ang paghikbi.

Katabi ni Monique si Lily na nakayuko lang, walang reaksyon, pero may luha sa pisngi.

Kaharap ni Lily si Carla na hindi alam kung natutulog na ba, dahil tahimik itong nakadukdok sa lamesa.

Katabi ni Carla si John na walang ginawa kung hindi paikutin ang mabigat na baril sa kaniyang mga darili.

Lahat sila ay pawang may sariling mundo sa mga oras na ito. Dito sila dumiretso matapos ang insidente sa gusali. Simula nang pumasok sila, walang nagsasalita. Hinihingal lang silang umupo, matapos nito ay ganito na ang kanilang sitwasyon. Walang ilangang mararamdaman sa loob ng silid, sadyang tahimik lang.

Dahan-dahang tumayo si Nick at hinubat ang suot na jacket bago ipinatong sa balikat ni Monique. Sandali pang natigil sa paghikbi si Monique at umangat ng tingin para makita ang seryosong mga mata ni Nick.

"Madilim na sa labas. Tingin ko kailangan na muna nating magpahinga." Tumayo si Monique sa sinabi ni Nick.

Wala nang nagsalita pa at nagsitayo na ang lahat maliban kay Lily.

"Gusto ko ng magpahinga." Mahina ang boses nito at basag pa.

"Tara, sumandal nalang muna tayo sa mga shelves, wala rin tayong mahihigaan eh, malamig ang semento." Sabay hila ni Aby kay Lily.

Napalingon rin ang lahat kay Lily na hanggang ngayon ay nakaupo parin.

"Kung gusto mo, sa lamesa ka humiga para makatulog ka ng ayos." Suhestiyon ni John.

"Gusto ko ng magpahinga, 'yung totoong pahinga." Napailing si Kaizer sa narinig mula sa kapatid saka niya ito pinuntahan at niyakap.

"'Wag muna, sige na." Mahinang bulong ni Kaizer sapat na para marinig ng lahat.

"Pero pagod na po ako. Ayoko na. A-yoko na. Hirap na hirap na ko." Tuluyang bumagsak ang luha sa mata ni Lily.

"Kanina lang, may namatay ng dahil sa'kin. Ayoko na. Takot na takot na po ako. Takot at pagod." Lalong niyakap ni Kaizer si Lily, bago ito yumuko para maitago ang bumagsak na luha.

"Lily. Ngayon pa ba? Malapit na tayo oh. Sige na." Naiiyak na sabi ni Aby.

"Alam mo, hindi lang ikaw ang pagod, kami rin. Pagod na ko. Pero ayoko pang sumuko, dahil ayokong gawing walang kwenta ang nasayang na buhay ng nanay ko na napatay ko, nina Casper, Rose at K-Ken na nawala, buhay ng mga kaibigan ko. Ayoko." Napalingon siya kay Nick, bago muling napayuko.

"Lily..." Umupo si Carla sa tabi nito.

"Alam ko, siguro alam rin ng lahat na hindi tayo masyadong close, pero 'yung ginawa ko kanina kay Ken, patunay naman siguro 'yun na kaibigan ang tingin ko sa'yo di'ba? Masakit sa part ko 'yun, lalo na at may pinagsamahan din kami ni Ken, pero ayoko kasing imbes na iisa lang ang mawala ay maging dalawa. Mahirap. Nawala na nga si Casper, sumunod pa si Ken, pati ikaw muntikan na, pinatay ko siya, kasi nanghihinayang ako sa pagkakataon, ang dami na nating nalampasan ng sama-sama, basta basta nalang ba nating itatapon?" Humiwalay si Lily sa yakap ng kapatid at tumingin kay Carla.

"Lily, kaunti nalang, kung nalulungkot ka dahil sa pagkawala ni Casper, pati rin naman ako eh. Kaibigan ko rin siya, para na ngang kapatid, kaya nararamdaman ko 'yung nararamdaman mo. Alam ko na nitong mga nakaraan napapalapit ka kay Multong Singkit, nahahalata rin namin. Pero siguro nadadala ka lang ng depression kaya mo nasasabi 'yan. Kaunting tulak nalang, makakangiti na tayo ng tunay." Lalong napaiyak si Lily sa sinabi ni John, bago ngumiti kahit na may luha.

"Kaunting push nalang at kembot." Dagdag ni Monique.

Dahan-dahang tumayo si Lily at pumunta kay Aby. "Tulog na tayo, maaga pa siguro tayo bukas."

Nagulat man si Aby ay niyakap niya lang ang kaibigan.

---

"Paano ninyong nasabi na nasa Durban tayo? South Africa pa." Tanong ni Carla, habang naglalakad sila sa isang kalsada. Kalsadang walang masyadong infected.

"Sa bawat Library, may nakasulat doon na lokasyon. Durban ang nakasulat sa tinuluyan natin kagabi. Saka sabi ni Papa nakatira daw sila sa mansyon. Doon tayo pupunta, ngayon." Nakangiting sagot ni Lily.

Hindi tulad kahapon walang masyadong infected ang sumasalubong sa kanila. Kaya kahit tanghali ay hindi parin sila nakakaramdam ng pagod tulad ng naramdaman kahapon. Naglalakad sila, nasa unahan sina Lily, Carla at Monique, nasa likuran naman nila ang apat na sina Nick, Kaizer, Aby at John.

"Guys, tingin niyo ba makakapunta kaagad tayo sa sinasabi ninyong mansion?" Napalingon sila kay Aby.

"Oo naman." Sagot ni John.

"Hindi kaya maraming nag-aabang na zombies sa kabilang daan? O kaya mamaya, magsilabasan sila? And sure ba kayo kung nasaan rito ang sinasabi ninyong mansion, kasi wala akong matana-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang nakamaywang na humarap sa kaniya si Carla.

"Cut it out. Ano ba talagang point mo?" Tanong pa nito na ikinahinto nila sa paglalakad.

Dahan-dahang yumuko si Aby, at pinagdikit ang dalawang darili bago mahinang sumagot.

"What if, magkotse tayo?"

"Maingay ang kotse, baka makaatra-" Naputol ang sasabihin ni Lily nang magsalita ang kuya nito.

"Ganon din naman, kahit saan tayo pumunta, makaka-atract at makaka-atract tayo. Ano bang bago?"

"Pero ayokong sumugal." Nakangusong giit ni Monique.

"Araw-araw sumusugal tayo, wala ng bago. Saka tama, may point si Aby kung sumakay nalang tayo? Mas mabilis at mas maseguridad pa. At least doon lang ay makapahinga ang ilan sa atin." Singit ni John.

"Pero-" Magsasalita pa sana si Carla, nang magsalita si Nick.

"Marunong akong magmaneho."

"Majority wins." Dagdag ni Aby. Dahan-dahang napailing sina Carla, Monique at Lily.

Bago nilibot ni Nick ang kaniyang paningin para makahanap ng magandang sasakyan.

Virus ZWhere stories live. Discover now