Chapter #32: Stupid World

2.8K 170 15
                                    

Chapter #32: Stupid World

Rose P.O.V.

"I'm so takot na. Where na kaya sila?" Tanong ni Monique.

Napaupo ako mula sa pagkakatayo habang nakatingin sa labas.

"Don't worry, Monique. I'm sure malapit na 'yung mga 'yun."

"Agree ako kay Carla, para namang 'di mo kilala kung paano ang moves nung limang 'yun."

Napangiti nalang ako sa pagsang-ayon ni Aby, pero di ko 'man aminin nag-aalala na ako para kina kuya John, para kay John.

Nandito kami ngayon sa isang botique, sa mga bilihan ng mga damit. Dito muna nila kami iniwan bago pumunta sa clinic. Ang botique na 'to, maliit lang pero punong puno. Kung ihahambing ko ito sa mga ibang stores, mas malinis ang loob nito. At hindi halatang may nangyayari sa labas, kapag nandito ka sa loob.

Naglakad ako papunta sa pwesto nina Aby at Lily. Si Aby, nakaupo lang habang nakabalumbaba, si Monique naman pabalik balik ng lakad, parang nagmamartsa sa kanan papunta sa kaliwa. Si Carla naman nakatingin sa labas habang nakasandal sa glass mirror. Napatingin ako kay Lily na nakadukdok sa lamesa. Lamesa ng cashier, sa counter.

"Lily?"

Tinawag ko siya pero hindi sya sumasagot.

Siguro... siguro tulog-- Teka bakit parang humihikbi siya?

Mas nilapit ko pa 'yung tenga ko sa ulunan niya.

"Anong trip mo Rose?"

Hindi ko nalang sinagot si Aby, nang makita niya ako na nakakapit ang tenga sa ulunan ni Lily. Oo nga, umiiyak si Lily, nanginginig pa 'yung balikat niya.

"Lily, Lily ayos ka lang?"

Bakit siya umiiyak? Sumakit na naman ba 'yung braso niya?

"Hello? Rose naman, kung putulin ko kaya 'yang binti mo tapos tanungin kita ng 'ayos ka lang?'"

Napalunok nalang ako sa reaksyon ni Carla. Kasi naman.. akala ko kasi, ano eh.

"Ayos lang ako. Nag-aalala lang ako na baka may nangyari na, na masama kina Kuya. Hindi ko kaya 'yun. Hindi kaya ng konsensya ko 'yun."

Ngayon, inangat na niya yung ulo niya. Pula narin 'yung mata niya at pisngi.

"Lily naman para mo na ring sinabi na, they can't survive."

Inihilamos ni Lily yung isang kamay niya at tumingin sa'min.

"Sa larong 'to ano mang oras pwede ka nang matalo. Sa larong 'to walang daya, kundi utak lang ang kailangan. Sa larong 'to tunay na tao lang ang kailangan. Hindi ko sinasabi na hindi sila makakaligtas, of course naniniwala ako sa kanila. Pero naniniwala rin ako sa mga kakayahan ng mga infected."

Napatahimik kami ng ilang segundo, sa sagot niya.

Alam ko naman, pero kasi, may tiwala ako sa Kaniya, ililigtas Niya kami.

"Lily wag ka nalang mag-alala, babalik rin sila mamaya." Wala na akong magagawa kung hindi ang pagaanin nalang ang pakiramdam niya, bilang kaibigan.

"'Wag mag-alala, Rose? Para mo naring sinabi na 'ano ba 'yan nawala sa gitna ng dagat ang isang bato, hindi nalang ako mag-aalala bukas nandiyan na'rin 'yun."

Napalingon ako kay Carla na papunta samin, at naguluhan sa naging reaksiyon niya.

"Wag mo siyang gawing tanga."

Ano?! Ako?! Ako?! Ganon nalang ang gulat ko ng dagdagan pa ni Carla ang sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naiirita kong tanong.

Namewang lang 'to bago ngumisi.

"'Wag mo siyang idamay sa katangahan mo."

"Carla!" Pagsaway ni Aby rito.

"Ayan. Sige, sigaw pa Aby, para mamaya nandito na sila at-"

"Carla, please don't act like a bitch. Hindi summer ngayon." Napalingon ako kay Lily.

"Nakakairita naman kasi eh! Nandito tayo sa sitwasyon na 'to! Nandito tayo sa sitwasyong kailanman hindi ko inimagine! Nandito tayo sa sitwasyong hindi ko mahulaan ang mangyayari mamaya, o kung maaabutan ko pa ba ang mangyayari mamaya! Nakakulong na tayo rito, at hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas. Hindi ko alam kung may daan pa ba palabas. Kasi sabi niyo pupunta tayo sa Africa after this, pero Lily alam mo ba kung saan sa Africa makikita 'yung pinagsasabi mong solution ng lahat?! Alam mo?!"

Napatingin ako kay Lily na napaiyak na naman. Hindi ko alam na ganito na si Carla.

"Wala pa tayong one week na nandito, halos lampas isang buwan tayo sa hotel na nagsanay, tapos hindi ko nga alam kung aabot ulit tayo ng another one week eh. Pero tatlong beses ng nanganib 'yung buhay natin! Si Casper, si Kaizer, si Lily. Bukas, sino?! Mamaya? O baka naman sina Nick na ang sumunod-"

Napahinto ako. Bakit kailangan niya pang sabihin 'yung ganoong bagay?

"Carla, wag mo namang idamay o isipan ng ganyan sina Nick," Napalingon ako kay Monique.

"Why? Oh, nakalimutan ko lover girl ka nga pala. Pero naiintindihan niyo ba 'yung gusto kong sabihin?! Nasa gitna tayo ng mundong walang kasiguraduhan, at bakit... bakit parang tinatanong niyo pa kung okay lang 'yan, na 'wag mag-alala?! Seriously guys, tanga ba kayo o umaaktong tanga lang?"

"Carla, alam ko. Alam ko ang nangyayari. At wala akong magagawa kung magdadada ako rito tungkol sa kaba ko, tungkol sa takot ko, tungkol sa paubos kong pag-asa, lalong makakadagdag 'yun sa mga nararamdaman niyo. At bilang kaibigan, ang gusto ko lang ay mabawasan kahit kaunti, kahit kaunti lang, 'yung takot at pag-aalala niyo. Gusto ko lang na kahit kaunti maramdaman niyo na parang normal pa'rin tayo, even we're not. Alam mo kung bakit? Kasi sa panahon na 'to, 'yan nalang ang paraan para makatulong ang isang tulad ko, ako."

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi, ko pero nag-uumpisa na'rin akong mainis.

Nagbuntung hininga lang siya.

"Tama si Rose--" Naputol ang pagsang-ayon sa akin ni Aby.

"Ya right, diyan ka naman magaling di ba? Sa pa-agree agree word mo? Ikaw Lily gusto mo rin bang ipagpatuloy 'yang katangahan niyo?"

Tumingin lang sa kaniya si Lily bago ito tumayo at inirapan siya saka pumuwesto malayo samin. Naiwan namang nakakagat labi si Carla, siguro dahil sa inis?

"Ikaw, Monique?"

Tumingin kami kay Monique. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Great. Sama sama kayong mabuhay sa katangahan niyo. Mabuti 'yan."

Virus ZWhere stories live. Discover now