Chapter #23: Time is Gold

4K 219 23
                                    

Chapter #23: Time is Gold

[4:00 A.M.]

Nagising ang lahat ng alas-kwatro nang umaga, batay sa kanilang napag-usapan.

Lahat may kaniya-kaniyang gawain.

Sina Ken at Nick abala, sa pagkalas ng baril ni Ken. Pinag-iisipan nila kung paano ito ayusin sa loob ng Lobby.

[5:15 A.M.]

"Teka, kuhanin ko lang sa Janitor's room yung mga tools." Prisinta ni Nick.

"Ah, sige. Pag-aralan ko lang 'to."

Sina Lily, at Monique naman ang taga ayos sa mga gamit nila na bibitbitin.

[5:30 A.M.]

"Ano bang dapat dalhin?" Tanong ni Monique.

"Mga damit, saka 'yung mga pagkain." Sagot ni Lily na naghahanda.

"Food? Er. Hindi kaya mapapanis 'yun?" Tanong ni Monique.

"Nah. Siguro mga payless 'yung easy to cook. Sa dining area mayroon doon, for sure. Laging may stack doon eh."

"Tara 'yung mga food muna 'yung ihanda natin."

Ang mga ginagawa naman ni Rose at John ay ang pagbutas sa lahat ng unan at nilalagay ito ni John sa tinatahi ni Rose na parang punching bag.

[6:05 A.M.]

"Kuya John, doon ata sa room 20 maraming stock ng unan sinabi sa'kin kanina ni Casper nung naglilibot sila."

"Ah, ganoon ba? Kunin ko muna tapos hintayin mo nalang ako rito."

Hindi na siya pinansin ni Rose na abala sa pagsiksik sa ginagawa niyang punching bag.

Sina Kaizer at Casper naman ang magkatulong maghanap ng mga mannequin.

[6:26 A.M.]

"Bro, bakit lagi kang tahimik. Mood wings ka ay, minsan salita ng salita, pero minsan tahitahimik. Nagpapapansin ka lang ba kay Aby?" Diretsong tanong ni Casper.

"Di ka tatahimik o gusto mong ikaw ang gawin 'kong mannequin?"

Sina Carla at Aby naman ang naghahanap ng cardboard at mga kutsilyo.

[7:00 A.M.]

"Here,"

Sabay lapag ni Carla ng mga kutsilyo sa lamesa.

"Eto yari na 'ko. Bali fifteen set ang ginawa kong target, yung iba extra." Saad ni Lily, bago sumandal.

"Kapagod! Lilinawin ko nalang yung pag-drawing ng mga bilog." Sandali niyang inunat ang mga kamay, bago muling bumalik sa paggawa.

"Tulungan kita."

Lahat abala nang, maunang matapos sina Ken at Casper.

[9:56 A.M.]

"Guys eto ang last mannequin!"

Sabay lapag ni Casper ng isang maitim na naka-peace sign pose na mannequin.

"Wag ka ngang maingay." Saway ni Nick dito.

Tumahimik saglit si Casper at tiningnan ang kasamang si Kaizer na nakasandal sa sofa. Sinipa niya ang binti nito.

"Ang daya mo! Apat ang dinala mo samantalang ako anim!"

"Kasalanan ko ba kung uto-uto ka?"

"Tsk!"

"Hoy kayo? Tatahimik ba kayo? Kita niyong focus kami rito!" Sigaw ni Carla.

Nagpeace sign lang si Casper bago pumuntang kusina, kasama si Kaizer.

Virus ZWhere stories live. Discover now