Chapter #8: Come Back Home

5.6K 295 51
                                    

Chapter #8: Come Back Home

Nakatulala lang ito sa binata.

"Tingin ko, nasisiraan ka na." Walang emosyong saad ng binata, bago binitawan si Aby sa braso. Inilipat nito ang kamay sa door knob ng pinto, saka pinihit, pabukas.

"Dont go,"

Mabilis na bulong ni Aby dahilan para sandaling mapatitig sa kaniya ang lalaki, pero agad ring nabawi, nang makarinig sila ng ungol, na nanggagaling sa labas ng kwarto.

Napalaki ang mata ng binata, nang makita ang step-brother niyang si Vince na iba ang itsura. Nakakatakot. May dugo sa braso, babali-bali ang leeg, nakanganga pa ito na parang hindi normal nakatulala na ang mata ay pula.

Agad namang sinarado ni Aby ang pintuan at nilock.

"Sshhh.." Senyas ni Aby sa binata. Napalunok lang ang binata, kahit gulong gulo na.

"Zombie na si Vince." Sagot ni Aby, sa nagtatanong na mga mata ng binata.

"Z-zombie? Patawa ka ba?" Pailing-iling lang ang binata, bago lumayo ng kaunti sa dalaga, at natatawa tawa pa. "Saang costume party ba nagpunta si Vince?" Dagdag pa nito.

"Nakita mo na siya. Teka? Hindi ka ba updated?" Nilapitan naman siya ni Aby.

"Updated saan?"

"Sa nangyayari dito! Ang buong mundo nagkaroon na ng zombie, or should I say na nagkahawaan na ng Virus Z." Sagot niya, na nagtataka parin sa inaasal ng binata.

"Alam mo, kung naggagawa ka 'man ng kwento. Tama na, hindi November ngayon." Malamig na tugon ng binata saka umiba ng tingin.

"Believe me. Saka, talaga bang hindi ka updated?" Naningkit na ang mata ni Aby na kaagad iniwas ang tingin nang maging matalim ang tingin ng binata.

"Sa tingin mo magiging updated pa ba ako kung nakakulong ako ng almost two weeks. Walang gadgets even TV. Wala." Napanganga naman si Aby, magsasalita sana 'to, pero kaagad na sinara ang bibig. "Abno." Komento ng binata.

"Totoo? Teka, kaano-ano mo ba si Vince?" Nakakunot-noo na tanong ni Aby.

"Kanina nagtatanong ako. Teka, ikaw ba yung bagong collection ng Vince na yun?" sabay ngisi ng binata.

"Collection?"

"Collection, girlfriend..."

"No." Mabilis na sagot nito.

"So, bakit ka naandito?"

"Nagdate lang kami. To knowing each other." Nakangiting sagot ni Aby, pero kaagad na nabawi ng maalalang infected na si Vince.

"Date? Bukas girlfriend."

"Shut up please? Zombie na siya no!" Hindi mawari sa reaksiyon ng mukha niya kung nandidiri, o sadyang nagsasabi ng totoo.

"Zombie?"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na may zombie na sa buong mundo, Pilipinas nalang ang wala. And now, it's starting..."

Sandaling napatahimik ang binata.

"Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag. Paulit-ulit." Naiinis na'rin ito.

Ngumiti lang ang binata. "Thanks for that zombie."

"What do you mean?"

"Ako at 'yang Vince na 'yan ay magkapatid, siya ang anak ng nanay ko sa ibang lalaki. At ang step father ko pati narin 'yung Vince na 'yan ang dahilan kung bakit ako nakulong dito. Lagi nila akong binubugbog and even my mom hindi naniniwala sakin-"

Virus ZKde žijí příběhy. Začni objevovat