Chapter #49: Mission Accomplished

2.3K 131 4
                                    

Chapter #49: Mission Accomplished

"Monique!!! Nick!!!"

Sigaw nila nang makita kung paano dumausdos ang elevator pababa.

Matapos ang insidente, ay nanlalambot na napasandal si Aby sa dibdib ni Kaizer at nanlalamig ang mga kamay na humawak rito.

"Tara na." Ang tanging yaya ni Kaizer bago sila tumayong apat.

Apat.

Mula sa sampu, naging apat.

Nanlalambot man, ay hindi sila nagpakain sa emosyon.

Mabilis ang bawat paghakbang, at mas dumoble ang pag-iingat ni John lalo na at wala siyang dalang armas.

Sa bawat nadadaanang kwarto ay kaagad nila itong binubuksan, makita lamang ang bintana, na may nakasulat.

Unang kwarto, sa pagbukas ni John walang nakita, kung hindi mga basag na beaker at nagkalat na likido sa sahig at patay na mga tao.

Pangalawang kwarto mga alertong infected ang napakawalan na mabilis na napatay ni Carla.

Pangatlo, wala parin.

Pang-apat, puno ng mga bangkay na kwarto.

Panglima mga infected na muntikan nang makalabas na agarang pinaputukan ni Aby.

"Wala parin..." Nanghihinang sabi ni John.

"Sa kabilang banda. Siguradong nandoon." Napatango sila sa sinabi ni Kaizer.

Pero kaagad na nalukot ang mukha sa sinabi ni John, "Pero may nakaharang patungo sa kabilang banda."

Napalunok ang bawat isa at hinihingal na tinanaw ang isang divider na nasusunog pa ang kabilang banda dahil sa sumabit na wire rito, na malamang nagkaroon ng short circuit.

"Paano tayo makakalusot diyan?" Inosentemg tanong ni Aby.

Dahan-dahang itinaas ni John ang kamay niya at nakangiting umabante.

"Hindi ko matutulak yan dahil nakastuck na. Kung itutulak ko, malamang na kakalat lang ang apoy, iaangat ko tapos lumusot kayo--"

"No, no, no. No, John. Heroic scene ba? No, no." Singit ni Aby rito.

Kaagad na napangiti si John at magsasalita pa sana pero naunahan ni Kaizer.

"Alam kong madiskarte ka at matalino pero gamitin mo muna 'yang ibang bahagi ng utak mo. Marami pang paraan." Singit nito.

"Tulad ng ano?" Napakunot ng noo sila ng magtanong si Carla.

"John is right. Don't make me feel like a villain. Tama si John, that's the only way, may magsasakripisyong isa para sa ikabubuti ng lahat. That's the reality. And kung may naiisip ka pang ibang way Kaizer, then tell me, tell us." Nakamewang na wika ni Carla.

Dahan-dahang napailing si Kaizer, bago napatingala.

Si Aby naman ay nakapaningkit kay Carla, bago nagtatagis ang mga panga.

"You're so selfish, little bitch." Bulong nito na nagpakagalit kay Carla.

"What?!" Naiiritang tanong nito.

"'Wag na kayong magtalo--" Nabalewala ang pagpapatigil ni John sa maaaring simula ng away ng magsalita si Aby.

"Carla! Ganiyan ka ba kadesperadang mabuhay?! You know what? Matagal na naming tinitiis 'yang pagkabossy, suplada at pagkabitch mo! Sana naman-" Naputol ang sasabihin ni Aby nang itulak siya si Carla, buti na lang at nasalo 'to ni Kaizer.

"Bossy? Suplada? Bitch?! Pare-parehas lang tayong gustong mabuhay! At ang sinabi ko lang naman ay tama si John! Tamang ioffer niya 'yung buhay niya para--" Ngayon naman ay si Aby na ang pumutol rito.

"Ano?! Para saan?! Para sa buhay mo? Bakit tingin mo ba 'yang buhay mo may kwenta, sa pinapakita mong attitude?! Yes, gusto kong mabuhay pare-parehas lang tayo kaya nga sumama ako dito di'ba, kaya nga sinusugal ko ang buhay ko di'ba? Kasi gusto ko pang mabuhay! Pero hindi ako desperada! Hindi ako tulad mo na ganon nalang kadali kung sabihin ‘yan kay John!" Habang tinuturo turo pa nito si Carla.

"'Wag ka ng bait-baitan please!" Sigaw nito, at handa na sanang sumugod, pero pumagitna si Kaizer.

"Both of you! Pwede ba?! Ikaw Carla! Kung walang lalabas na ayos sa bibig mo itikom mo 'yan kung ayaw mong ako ang magtahi niyan." Kaagad na natahimik ang dalaga sa sinabi ni Kaizer. At kaagad na inakbayan ni Kaizer si Aby at nauna na silang dalawang naglakad.

Si John naman ay napayuko, habang umiiling na siyang nahalata ni Carla at napasinghap nalang.

"And the award of being a kontrabida is going to me? Nice. Nice." Sarkastikong puna nito, bago nilampasan si John at nauna nang naglakad.

"Okay... Look, kung tumuntong tayo sa divider na 'to?" Tanong ni Kaizer.

"Tumuntong?" Tanong ni Carla rito.

"Kung gusyo mo umakyat ang term, tutal mukha ka namang unggoy." Sita ni Aby rito.

"Stop it." Pigil kaagad ni Kaizer.

"Hindi rin eepekto Kaizer, ayos na naman tayo sa unang suggestion ko di'ba?" Mahinahong tanong ni John.

"John. Alam mo naman ang pasya namin ni Kaizer di'ba? Ayaw. Hindi kami payag. Kapag iniangat mo 'yan maiiwan ka rito, may chance pa na pagpyestahan ka ng mga zombies, wala ka pa namang armas. So please, 'wag ka namang humiwalay sa'min." Mahinahon rin ang tono ni Aby.

"Aby. Tingnan mo 'to, ang misyon ko lang naman ay ang tulungan ang kaibigan ko. Iyon lang. Iyon lang ang pinanghawakan ko para mabuhay at sumama sa inyo, para protektahan kayo. Iyon lang ang sinabi ko nang mamatay si Rose. At tingin ko panahon na para gampanan ko 'yun. Isa pa tulad ng sinabi mo wala akong armas, kung hindi ako rito mamamatay ganon din 'yun mamamatay rin ako, saka hindi pa pala patay, OA kayo. Haha." Tumawa pa ito ng peke bago ngumiti.

"Isa pa, pagod na ko. Panahon na para magpahinga pero bago 'yun gusto kong maging si Batman. Pwede ba? Wala mang super powers, at least nakapagligtas. Hero pa din." Nakangiting sabi nito. Kaagad siyang hinawakan ni Kaizer sa balikat.

"Isa ka ng hero noon pa man, hindi mo kailangang mamatay para sa title na 'yan. At kung gusto mong magpahinga, antayin mong matapos 'to at sabay sabay tayong magpapahinga." Sabi ni Kaizer.

"Please John, para na kitang kuya, higit pa sa kaibigan." Kasabay ng luha ni Aby.

"Kung ganon hayaan mong maging kuya mo ko."

"John--" Naputol ang sasabihin ni Kaizer nang ngumiti si John at lumuhod sa harapan ng divider bago ito unti-untimg iniangat. Isang divider na gawa sa kahoy kaya hindi ito ganon kabigat, ngunit kumakalat ang apoy sa ibabaw nito.

"Desisyon ko 'to Kai, 'wag kang mag-alala." Nakangiti si John, bago sumenyas.

Wala silang nagawa kung hindi ang pikit matang lumusot rito sa iniaangat ni John at lampasan ito.

Nang makalusot na si Kaizer ay kaagad itong humarap kay John.

"Iiangat ko naman 'to, tapos lumusot ka'rin." Suhestiyon ni Kaizer.

Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Aby, gayundin si John.

Itinaas ni Kaizer ang divider--

"JOHN!!!"

Nagulat na lamang sila nang makarinig ng kalabog at bumagsak ang kisame at ang apoy nito sa pwesto ni John.

Nahuli sila. Nahuli si John.

Nakatulala sila, pati na si Kaizer.

"J...John." Napalunok sila, pero kaagad na hinila sila ni Carla.

"Dito!! Eto na ang kwarto!"

Nakita nila ito na nakatapat sa kwarto na may pangalan ni Prof. Xander.

Nanlalambot man sa nasaksihan ay tumalikod na sina Kaizer at Aby na may luha.

Virus ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon