Chapter #36: Down

2.8K 155 19
                                    

Chapter #36: Down

Ken's P.O.V.

"Ken, alam mo ba 'yung pupuntahan natin?" Hindi ko na nilingon si Kaizer na katabi ko sa Pilot's Seat.

Dahan-dahan kong hinila ang throttle na nakakapit sa collective, ito ang nakapwesto sa kaliwang banda ng kinauupuan ko, sa paghila ko papalapit sa'kin ng throttle kasabay nito ang aming pag-angat.

Dahan-dahan ko silang nilingon sa passenger seats, nakatakip ang kamay nila sa tenga, ang dalawang lalaki naman ay nakasilip sa baba, ayos naman siguro sila, sana lang. Kaya tiningnan ko si Kaizer.

"Oo, marunong naman akong bumasa ng location detector, wala naman tayong magiging problema doon." Sagot ko, bago sinulyapan ang location detector na umiilaw.

"Ken!!! Ken, alam mo ba kung nasaan na tayo?!" Unti-unti kong nilingon si Carla, sumisigaw na ito, dahil sa ingay ng elisi.

Dalawang oras na siguro, simula nang makaangat ang helicopter, kinabahan ako sa una dahil, talagang nawala ako. I mean, hindi ako sigurado, biglang parang nawala 'yung pagkakaalala ko kung paano kontrolin itong helicopter. Kinabahan talaga ako. Nakakatakot kasi na baka, mamaya ako pa ang maging dahilan ng pagkamatay namin. Hindi ako pro pagdating sa pagpapalipad ng helicopter, kaya talagang hamon para sa'kin ang nangyayari ngayon.

Muli kong nilingon si Carla, hindi ko alam kung naiinip na siya o nabibingi, dahil sa pag-ikot ng elesi.

"Basta. Pero malapit na tayo, ilang oras na lang." Sagot ko, bago iniliko ang cyclic, ang nasa pagitan ng hita ko, bago kami nag-iba ng lipad, imbes na pakanan, kumaliwa kami.

"Ken, alam mo pa ba 'yung pupuntahan mo?!" Muli akong lumingon, si Aby.

Tumango lang ako sa kaniya, bago muling iniikot ang cyclic kasabay nang paglayo nitong helicopter sa makakapal na ulap.

John's P.O.V.

"Ayos ka lang ba?"

Hanggang ngayon, naaalala ko pa'rin ang duguang katawan ni Rose na nasa kanlungan ko. Para bang nakikita ko na naman 'yung imahe. 'Yung mata niya na nakapikit, pero 'yung labi niyang nakangiti, na may bakas pa ng dugo ang pisngi. Ang kamay niyang nakahawak sa tagiliran na siyang namamalipit. Naaalala ko na naman.

Kung hindi kaya ako sumama kina Casper, para makakuha ng first aid kit, kung naiwan kaya ako doon sa botique para bantayan sina Rose. Mawawala pa kaya siya? Maiiwan pa kaya niya ako? Makakasama ko pa'rin kaya siya?

Muli kong sinilip ang nasa baba, bago napalunok. Ang taas na namin, hindi ko man marinig ang sigawan sa baba, o ang kaguluhan sa baba, pero nararamdaman ko naman hanggang dito 'yung takot at kaba. Kung pwede lang na habambuhay na lang rito sa helicopter na 'to, para malayo sa baba, malayo sa panganib, malayo sa walang kasiguraduhan, ngalang hindi pupwede eh.

"Oy. Oy, John, ayos ka lang ba?" Napalingon ako sa nagtatanong sa'kin. Si Casper.

Ngumiti ako sa kaniya, bago tumango. "Pasensiya na, hindi kita narinig. Maingay eh."

"Kanina pa kita tinatanong eh, eto talagang Boy Tenga na 'to." Biro niya pa sa'kin.

"Pasensiya." Tipid kong sagot.

Umupo ako ng ayos at ipinikit ang aking mata.

"Rose... Mahal kita." Bulong ko.

Nasa kalangitan kami, at alam ko sa bait na taglay ni Rose, sa langit siya mapupunta. Kaya sana lang, marinig niya ang bulong ko. Sana lang.

Bigla kong naalala ang lagi niyang sinasabi. Sabi niya, lahat may dahilan. Pero ano naman 'yung dahilan na 'yun?! Napakagat ako sa ibabang labi ko, bago napapikit ng mariin.

Virus ZWhere stories live. Discover now