Chapter #47: Too Late To Regret

2.6K 160 30
                                    

Chapter #47: Too Late To Regret

"Actually Aby, naiintindihan naman kita. Pero ang sa akin lang, masyado ng nakakatakot sa labas..." Napalingon sila kay Monique, na tahimik lang na nakasandal kay Nick.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Nag-aalalang tanong ni Aby rito.

"Look Aby, paano kung mali rin 'yun? Paano kung walang talab 'yung solution? Nakakadala na. Kung may huli man akong card, siguro hindi ko muna pipiliing isugal 'to. Mas mabuti pang mabulok nalang 'to sa bulsa ko, kaysa sa mawala at makitang napapahamak." Dahan-dahang paliwanag ni Monique.

"Hindi ako marunong magsugal, hindi ako sugarela, sorry." Dugtong nito.

Napalingon sa kanila si John at dahan-dahan itong sumilip sa may pinto na kinandado nila.

"Mamili tayo ngayon, magtatago tayo habang buhay sa mga zombies 'yung tipong araw-araw dapat may hawak tayong baril, dapat alerto, dapat hindi paeasy-easy, o susugal ulit tayo para sa solution, para mabuhay ng normal, sa paligid ng mga abnormal?" Tanong ni John na sumandal na sa may pinto.

Hindi sumagot si Monique, sa halip napalunok na lamang.

"I don't know, pero kung ako, lalaban na ako sa kasiguraduhan. Ayokong mabuhay ng ganito 'yung matatakot nalang at sa mga public toilets magtatago? Nah. This is not my style." Tumayo si Carla at pinagpagan ang hita niya.

Napalingon si Monique ng pisilin ng mahina ni Nick ang kaniyang palad, para makuha ang atensyon nito. Nagtatanong na tiningnan na lamang siya ni Monique.

"Kung saan ka, doon ako. Kung pipiliin mong magpahinga, sasamahan kita, kung pipiliin mo namang lumaban pa, proprotektahan kita." Nakangiting bulong nito kay Monique.

Napakagat labi si Monique at muling tumingin sa mga kasama. Si Carla naman ay dahan-dahang lumapit sa kaniya.

"Monique, simula bata magkasama na tayo. Hanggang ngayon naman magkasama parin tayo at kilalang-kilala na natin ang isa't isa. Kung gusto mong maiwan, fine. Pero tulad ng sinabi ko kilala kita, alam kong emosyon mo lang ang pinapairal mo, ang takot mo lang. Isipin mo ng mabuti 'to, baka magsisi ka sa huli." Hinawakan pa ni Carla ang kamay ng dalaga.

"Kaibigan kita, ayokong maiiwan ka." Dugtong nito.

Isang mabigat na paghinga lang ang ginawa ni Monique bago dahan-dahang tumango, matapos bitawan ang kamay ng kaibigan.

"Sigurado ka?" Mahinang tanong ni Nick sa tainga nito.

"All right! Ayos na? Pumayag na siya. Ano ng plano?" Tanong ni Aby, samantalang sunod-sunod na paghinga na lang ang ginawa ni Monique habang nakakapit sa bisig ni Nick.

---

Gabi na, at ngayon, nasa loob sila ng isang sasakyan, na nakita nila kanina na nakapark sa gas station, kung saan nandoroon sila sa public toilet kanina. Tahimik na natutulog ang bawat isa, makakapal ang salamin ng sasakyan, isang family size na van, kulay puti na namarkahan na ng pulang likido.

Lahat ay nagpapahinga, pwera kay Monique na nakatulala lang sa labas ng sasakyan. Malalim ang iniisip, katabi nito si Carla. Kanina pa sila nakabiyahe, walang sinayang na oras, at ngayon kung gustuhin man niyang bumalik o balikan ang naunang desisyon, ay hindi na maaari, magiging kumplikado lang ang buhay ng lahat kung hihingi siya ng pabor. At isa pa, masyado nang huli para magsisi.

Monique's P.O.V.

Pinunasan ko 'yung luha ko. Bago tumingin sa likuran namin, sa likuran natutulog ang tatlong lalaki, kabilang si Nick. Napabuntunghininga ako.

Virus ZUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum