Chapter #5: Stuck in that Room

6.5K 335 39
                                    

Chapter #5: Stuck in that Room

"Si Doc.Justine from Philippines, ay kumuha ng sample ng isang batang infected sa China. Kasama niyang pumunta sa China ay ang mga magigiting na sundalo." Isang panibagong report ang iniulat.

"Grabe! Totoo ba talaga 'to?" Tanong ni Carla. Isang high school student. Tulad niya, para pa'rin itong isang panaginip sa bawat tao.

Isang bangungot.

"Nakakatakot naman this, nagiging zombie yung mga tao. After that, paano sila mamamatay?" Si Monique isang high scool student katulad ni Carla.

Kapwa sila nag-aaral sa isang pribadong paaralan. Sa pagiging mayaman nilang dalawa, magigising ba ng pera ang bangungot na ito? Masasampal ba sila ng pera, para magising at maialis sa reyalidad?

"Zombie! Patay na yun. Buhay lang yung katawan!" Giit ni Carla, itinuon ang pansin sa katabi.

"What? Meaning wala silang brain?" Inosenteng tanong ni Monique.

"Syempre wala na, I mean nandoon parin naman yung utak nila 'di ngalang nagana."

"Really? Nakakatakot naman wala man lang nakaligtas?" Nagkunwari pa itong nanginginig.

"Kung ikaw nakakulong sa iisang bansa, kasama mo 'yung mga zombies, tapos ikaw lang ang tao, sa tingin mo makakaligtas ka?" Taas-kilay na tanong ni Carla.

"Errr... No."

"See?" Sabay irap ni Carla at muling tinuon ang pansinsa telebisyon.

"Para sa paunang balita babalik na sa bansa sina Doc. Justine. Aabangan sya ni President Rayn at ng iba pang senador."

"Doc. Justine? Who's that?" Tanong pa ni Monique

Sandaling napailing si Carla. Bago bumulong, "Magwawakas na nga ang mundo. Bobo ka pa rin."

†-†-†

Sa eroplano.

"Doc, nagawa natin!" Pagkasakay na pagkasakay sa eroplano, nagdiwang na ang ilang sundalong nakasaksi sa isang munting tagumpay.

"Sa ngayon, babalik na tayo." Seryoso 'man si Doc. Justine, hindi pa'rin matatanggi ang galak nito.

"Aye!" Saludo ng mga sundalo.

Masayang masaya sila nang makakuha ng sample ng dugo mula sa sanggol galing China. Buong akala nila na tulad ng iba, sila'y mabibigo. Pero hindi nila inaasahan na makakayanan nila.

†-†-†

Ilang oras din ang lumipas ng nagising sa pagkakatulog si Doc. Justine. Nasa eroplano sila ngayon at limampung magigiting na sundalo ang kasama niya.

"May problema po ba Doc?"

Tanong ng isang sundalong katabi ni Doc. Justine, ng mapansing gising ang Doktor.

"Wala, Magbabanyo lang ako. Excuse me."

Tinanguan lang siya ng sundalo at tumayo na si Doc. Justine at nagtungo sa banyo.

Sa tuwing maaalala ni Doc. Justine ang mga nangyari para makakuha ng isang sample ng dugo ng sanggol na infected ng virus, ay hindi niya maiwasang mapangiti. Nagtagumpay siya. Nagawa niya. Magkakaroon na ng solusyon. At maaaring dahil pa sa kaniya iyon. Isang karangalan para sa tulad niya.

Pagkatapat sa pinto ng comfort room ay dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Sa 'di inaasahan. Napalaki ang mata nito nang biglang may kumagat na infected sa kaniyang balikat. May zombie. May zombie sa eroplano.

"Paano?"-Doc.Justine

Paanong nakapasok ang zombie sa eroplano?

†-†-†

Nang bumaba ang eroplano sa China, sa isang liblib na parte ng China kung saan walang masyadong tao/zombie ay sumama ang 35 na sundalo kay Doc. Justine para maghanap ng batang zombie.

Nang muntik ng makagat si Heneral Jerico ng isang matandang babae na zombie ay napasigaw ito dahilan para umalis sa may paligid ng eroplano ang 15 na sundalo.

Ang dalawang piloto ay nasa loob lang ng eroplano, tumayo ang isang piloto at lumabas ng silid para magbanyo, matapos magbanyo ay bumalik ito sa lugar.

"Hoy, mamaya nakalimutan mo na namang isara 'yung pinto ng CR nakakahiya ka." Paalala ng isang pilotom

"Naisara ko na." Sagot naman nito, bago uupo na sana.

"Talaga?" Panghahamon nito.

Lumabas ang dalawang piloto at natanaw nila ang bukas na pinto ng CR.

"Nasarado?"

May asar sa boses nito, dahilan para tumungo ang pangalawang piloto sa may CR at inabot ng ang mga mata ay nakatutok sa kasama, saka isinara.

"Oh 'yan sarado na."

"Eh bakit yung pinto ng eroplano nakabukas sarado mo mamaya may pumasok dito sige ka ikaw rin."

Walang nagawa ang Piloto at sinarado ang pinto.

Ang 'di nila alam. Huli na. Isang kababayaan ang nangyari.

†-†-†

Pagkakagat ng zombie sa Doctor agad nagbago ang itsura nito.

"Doc?"

Tanong ng Heneral ng makarinig ng ungol. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng ungol at maya-maya may narinig na siyang paghampas sa pader. Lumakas ang kaba niya ng makapag-isip ng dahilan ng ingay. Zombie.

"Hindi maaari."-Heneral Jerico

Ipinikit niya ng mariin ang mata habang naglalakad, pagkabukas ng mata sabay ng paghinto sa paghakbang, ay nakakita siya ng isang mukha. Mukha ng Doktor na naging infected.

†-†-†

"Tulong!"

Sigaw ng sigaw si Kaizer nang iwan siya ng kaniyang step-father at ikinulong sa isang kuwarto ng bahay. Walang makakarinig sa kaniya. Walang makakapagligtas. Kung mayroon man, tiyak na maikukulong rin.

"Gago kayo. Ialis niyo ako rito!" Sabay suntok niya sa pinto, umaasa na magiba ito.

"Tulungan niyo ako!" Muli niyang sinuntok ang pinto.

"Bwiset." Wala siyang nagawa kung hindi ibuhos ang lakas niya sa pagsuntok sa pinto. Hanggang sa unti-unting napaupo ang binata, at nanggigigil na iniyukom ang kamao.

Isa lang siyang teenager na gustong paalisin ang step father niya, pero di niya magawa dahil mas marahas ito. Ang gusto niya lang naman ay maghiwalay na ang nanay at ang step-dad nito, gusto niya ng pamilya na ang mag-asawa ay ang nanay niya at totoong tatay. Pero imposible na dahil hiwalay na ang mga magulang niya.

Ngayon ang ikadalawang araw niya sa isang madilim na silid sa loob ng bahay nila. Nakulong siya. Mali, kinulong siya.

---
Votes and comments are highly appreciated. (:

Virus ZWhere stories live. Discover now