Chapter #33: Bloody Rose

2.7K 172 12
                                    

Chapter #33: Bloody Rose

John's P.O.V.

Hawak hawak ko lang 'yung dala kanina ni Casper, nagreklamo eh, pagod na raw.

Sa tingin ko mga nasa 11 o 12 na ng tanghali. Medyo tahimik rin kami, dahil nga sa mga nag-iingat kami.

Tiningnan ko si Kaizer na nasa unahan, kasama niya si Nick, nasa likod naman nila kaming tatlo ni Ken at Casper.

"Shit."

Napakasa ako bigla sa baril ng magmura si Kaizer at huminto sa paglakad.

"Problema?"

Napakunot ang noo ko at pilit tinitingnan kung ano mang nakita ni Kaizer, nang hindi 'to sumagot kay Ken. Lalo kong inabot ng paningin ang tinitingnan ni Kaizer, pero hindi ko makita.

"Aby. Lily."

Napalunok ako ng banggitin ni Kaizer yung pangalan ng dalawang babae.

Lilingon pa sana ako, nang bigla nalang tumakbo sina Casper at Nick. Ano bang nangyayari?! Ano ba--

Tangina.

Third Person's P.O.V.

Pagkatakbo ni Casper at Nick, sumunod naman ang tatlo, sina Ken, Kaizer at si John.

Papunta sila sa botique na pinagtataguan ng mga babae. Ang botique, nakabukas.

"Bilisan niyo!"

Sa dami ng nangyari sa kanila, kahit kaunting lukot lang hindi nila maiiwasang hindi mag-react. Hindi nila maiiwasang hindi maging OA. Bakit? Buhay nila ang nakataya. Buhay ng mga mahal nila.

Hindi naman sila gaano kalayo, pero para sa kanila na mga tumatakbo, napakabagal ng oras, pero napakabilis ng pangyayari.

"Rose!!!"

'Tila sandaling napahinto si John, ng marinig na sumigaw si Monique. Pero maya-maya lang kaagad na nilang binilisan lalo ang pagtakbo.

"Rose... Rose!"

Mahal ni John si Rose. Mahal na mahal. Sila ang uri ng partner na maka-Pilipino talaga. Si Rose, tahimik, mahinhin, samantalang si John matapang, simple, torpe nga lang. Hindi man sila masyadong pansinin, sa istoryang ito, pero napakalaki ng naitulong nila.

"Lily!!"

Napasigaw si Casper na unang nakapunta at nakapasok sa loob ng botique. Hindi mahagilap ng singkit na mata ni Casper si Lily. Lalo siyang kinabahan.

Sandali niyang inikot ang paningin. Magulo ang loob. Magulong magulo. Ang mga damit nasa lapag, ang mga nakasabit na mga damit nagsitaob, ang mga mannequin putol na at sira. Ang mga ilang upuan hindi na nakaayos. May mga dugo 'ring nakakalat. Dahilan para manginig si Casper.

"Li--"

Hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin ng biglang may sumulpot sa harapan niya na infected. May nakapasok nga sa loob ng botique!

Parang huminto ngayon ang pagtibok ng puso ni Casper dahil sa kaba. Kinakabahan sya.

"Aahh!!"

Ganon na lamang ang tili niya, kahit lalaki, nang bigla payakap na bumagsak sa kaniya ang infected.

Pero nakakapagtaka na hindi siya kinagat, hindi rin gumalaw ang infected.

"Casper..."

Napalingon siya sa nasa likod ng infected, na bumagsak sa kaniya, ang bumaril sa muntikan ng pumatay sa kaniya.

Si Carla.

"Casper, ayos ka lang?"

"Nasaan si Lily?"

Hindi kaagad nakasagot si Carla, bago tumayo si Casper at kinasa ang kaniyang baril. Hindi nakapagpasalamat si Casper sa pagligtas ni Carla sa kaniyang buhay, bagkos, muli niyang binanggit ang pangalan ni Lily.

"Casper..." Nagtatakang tinawag siya ni Carla, ngunit hindi niya ito binigyan pansin.

Patakbong sumunod sina Kaizer at Nick. Si Nick, napahinto pa ng makapasok.

"Anong nangyari rito?"

Bakas sa mukha niya ang kalituhan at naguguluhan pa. Si Kaizer naman ay iniwan siya, para libutin ang kabuuan ng botique.

Ginagala lang niya ang kaniyang paningin nang biglang may patakbong yumakap sa kaniya, si Monique, dahilan para mapaluha siya. Umiyak na naman ang isang makisig na lalaki.

"Akala ko 'di na kayo darating, I'm so takot Nick. I'm so takot."

Napangiti ng mapait si Nick bago hinagkan ito sa buhok.

"Mahal kita, kaya hindi ko magagawang iwanan ka."

Nakangiting kumalas ng yakap si Monique bago, umiiyak na nagsalita.

"Nick, si Rose..."

Sandaling natigilan na naman si Nick nang nanginginig na magsalita si Monique, bago siya napalunok.

Pagkapasok ni John agad nitong binitawan ang dala-dala niyang mga first aid kit, na sinalo naman ng nanlalaki ang mga mata na si Ken. Nagulat ito sa ayos ng loob, o sa gulo ng loob.

"Rose!!!"

Napuno ng malaking tinig ng lalaki ang store. Boses ni John, si Ken naman sinarado kaagad ang pinto at hinarangan ng mga upuan nang sumenyas si Kaizer na wala ng infected sa loob non, habang yakap yakap pa ni Kaizer si Aby.

"Nasan si Rose?!"

Walang nagsalita, walang umimik. Pero lahat takot. Natakot sila sa nangyari kanina. Natakot sila sa pagsigaw ni John.

Galit na sinuntok ni John yung dingding sa counter ng walang sumagot bago tumakbo palibot sa botique. Napahinto siya ng makita si Lily, na yakap yakap yung mga tuhod at umiiyak, si Casper nakayakap kay Lily. Pero mas nagulat siya ng makita ang dahilan ng kinaiiyakan ni Lily. Si Rose.

Si Rose na nakangiting nakahiga habang nakahawak sa tagiliran. Habang pinapaliguan ng sariling dugo.

"Rose..."

"Rose!!!"

Virus ZWhere stories live. Discover now