Chapter #48: Couple Trouble

2.4K 151 22
                                    

Chapter #48: Couple Trouble



Nang maihinto na ang kanilang sasakyan sa harapan ng building, ay kaagad na inikot ni Monique ang kaniyang paningin sa paligid.



"Guys... b-bakit ang dami?" Nanginginig ang boses nito nang hindi inaalis ang tingin sa mga infected na naka-coat ng kulay puting may pahid ng kulay pulang likido.



"Kaya 'yan!" Sigaw naman ni Aby na nakataas pa ang isang kamao.



Sa paligid ng van ay may mga infected na makikita, layo-layo pero grupo grupo, gulo-gulo ang buhok, at madudungis na'rin, bali na ang leeg, at pawang lasing kung lumakad.



"Paano malalaman kung stage ten na?" Tanong ni John sa kanila.



"Kapag siguro, parang may isip na sila, 'yung tipong pati kauri nilang zombie eh, kakainin na nila. Ganon. Tapos kapag ano rin, 'yung nanghahabol na sila at kumakain ng utak." Sagot ni Aby na pinagmamasdan ang mga nasa paligid.



"Tingin ko, stage ten na sila." Bulong ni John.



Kaagad na nanlaki ang mata nila, at tiningnan kaagad si John, pero si John ay nakatulala lamang sa labas.



"Ano bang--" Naputol ang sasabihin ni Carla nang biglang may itinuro si Monique.



Ang itinuturo nito ay ang mga infected na kanina pa tinitingnan ni John. Ang grupo ng mga infected na patakbo na papunta sa kanila!



"Takbo na!" Sigaw ni Nick, bago mabilis na lumabas sa passenger seat.



Kaagad na naalerto ang mga kasama nito, kaagad na sumunod si Kaizer na nasa pasenger seat rin, at nang makalabas ito ay saka nito inislide ang pinto na nasa gilid nina Aby.



"Bilisan niyo!" Maawtoridad na utos ni Kaizer at kaaagad nitong hinila si Aby na muntikan pang madapa.



Sumunod na lumabas sina Carla at John dala-dala ang mga shotgun at ilang armas.



"Monique tara na!"



Nauna nang tumakbo ang apat papasok sa building, nahuli naman si Nick na hinihintay si Monique.



"Monique tara na!" Sigaw niya.



"N..Nick, natatakot ako. Sorry." Hindi parin ito lumabas, kaya napasabunot si Nick sa buhok niya, at lalong gumuhit ang pagkairita sa mukha niya nang makita ang mga infected na pabilis nang pabilis ang pagtakbo.



Pumasok ito sa Van at agarang hinila si Monique.



"'Wag kang matakot, proprotektahan naman kita." Bulong nito, bago sila lumabas ng Van at nagmamadaling tumakbo papasok sa building.



"Nick, sandali..." Kaagad na inawat ni Monique si Nick at sandaling huminto sa pagtakbo.



"Monique--" Naputol ang sasabihin niya nang may ituro ito.



"May nakapaskil doon!" Turo niya sa isa sa mga bintana sa taas ng building.



Kaagad ring nasulyapan ni Nick ang isang papel na nakasabit sa bintana.



Dahil sa laki nito ay nabasa nila ang nakasulat.



[ Solution For A Virus Z. HERE.]


-Prof. XanDer



John's P.O.V.



Saan dito?!



Pagkapasok namin, ang plano ay tuloy tuloy na ang pagtakbo. Pero eto kami sabay sabay na nakahinto.

Virus ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon