Chapter #13: First Batch

4.5K 250 19
                                    

Chapter #13: First Batch

"So meaning 'di na 'ko kasali d'yan?" Tanong ni Ken.

Tumingin sa kaniya si Carla, bago sumagot.

"Di'ba nga we're not your listener, so what for?" Mataray na sagot nito.

Nagkibit balikat nalang si Ken bago sumandal sa sofa.

"Mag-ikot nalang tayo ng bottle!" Nagmamadaling suhestiyon ni Aby.

"Sus, kailangan pa ba 'nun?" Nakangising tanong ni Kaizer.

"Ang KJ mo! Syempre para may thrill."

"Teka, may bote sa dining area, kunin ko?"

Tumango lang si Abykay Rose.

"Samahan kita?" Tanong ni John kay Rose.

"Ayan na, dumidiskarte na si Boy Tenga!"

Agad na nakatanggap ng sama ng tingin si Casper.

Hindi niya alam kung dahil ba tinukso niya na naman si John kay Rose o tinukso niya si John na 'tenga'?

"Hoy Multong Singkit kung gusto mong may mapagtitripan, nandiyan si Carla!" Sigaw ni John, bago pumunta na sa dining area kasama si Rose.

"Teka bakit ako nadamay diyan?!" Naiinis na tanong na naman ni Carla.

"Maang-maangan pa. Kanina pa nandito eh. Ano kakarating lang?" Tukso ni Monique kay Carla.

"Papansin ka Monique ah." Naiinis na saad niya sa kaibigan.

"Paano nagpapapansin kay Nick niya." Nakangising komento ni Kaizer.

"Hey you! Hindi ahh." Mabilis niyang iling.

Nagulat nalang si Nick nang magpunta sa likuran niya si Casper.

"Hirap maging gwapo no? 'Wag kang mag-alala dinanas ko rin 'yan." Pampagaan loob na saad nito.

Bigla nalang naputol ang sasabihin nila, nang dumating si John kasama si Rose.

"Eto, ano laro na?"

Agad na tumayo si Carla.

"Game!"

"Upo nalang tayo here sa carpet." Suhestiyon ni Monique.

Sumunod naman ang iba. Si Aby, sa kanan nito si Lily na katabi si Casper, katabi naman nito si Nick na katabi si Monique at Carla, katabi si John na nasa kanan ni Rose at si Kaizer na katabi ni Aby. Samantalang si Ken ay nakaupo lang sa sofa.

"Ako, mag-iikot ahh." Paalam ni Aby.

Wala ng sumagot at inantay kung sino ang tatapatan ng bote.

"Oh, John!" sabay turo ni Monique rito.

"Una ka." Saad pa ni Nick.

Napakamot naman si John sa batok. Bago, umupo ng maayos.

"Paano ba dapat?"

Tumingin muna siya sa mga kasama. Bago nagsimula.

"Ang mundo ko, 'di ganoon kaenteresado. Di kami mayaman, di kami ganoon kahirap. Isa lang akong ordinaryong tao. Hindi ako ganon kalapit sa mga magulang ko pero mahal ko sila." Tumango naman si Rose, bilang pangsang-ayon.

"Oo, nung una, ikinahiya ko yung pamilya ko, kasi naging kabit si Nanay. Saklap no? Yung magigising ka isang umaga, lahat ng mata nakatutok sa'yo. Lahat ng bulungan pakiramdam mo kasali ka." Lalong naging interesado ang bawat isa, ganoon rin si Rose.

"Ilang araw ako na nagsorry kina Rose. Umaasa na mapatawad nila si Nanay. Di ko alam kung bakit pero, di ko magawang magalit sa kaniya kahit na alam ko, kahit na alam na alam ko na kami ang nasa mali. Siguro mahal ko siya. Sapat na rason." Bumabalik ang ala-ala ng kaniyang ina at kapatid.

Virus ZWhere stories live. Discover now