Chapter #50: Game Over

2.8K 137 10
                                    

Chapter #50: Game Over



"T..teka? Papaano bubuksan 'to? Wala naman 'tong door knob, sure ako na de-code 'to or pattern." Nag-aalalang tanong ni Carla na parang walang pakealam sa insidente kanina.



Walang nagsasalita, pero umabante na si Kaizer bago pinalakol ang pinto, at doon palang ay nasira na ito.



"Kaizer!!!"



Ngunit, sa pagkasira nito kaagad na may lumabas na isang matandang lalaking infected at biglang dumampa kay Kaizer. Dahilan para magpanic si Aby.



Napahiga si Kaizer dahil sa biglaang sugod ng lalaki. Patuloy na iniaabot ng lalaki na nakacoat si Kaizer para kagatin pero ipinagitan ni Kaizer ang hawak niyang palakol sa kanilang dalawa.



"Tara na Aby, hayaan na natin sila!" Hinila ni Carla si Aby, pero kaagad na nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Aby at kaagad na itinulak si Carla.



"Mag-isa mo."



Kaagad na itinaas ni Aby ang hawak na tubo at saka buong pwersa itong itinarak sa likuran ng infected na nasa taas ni Kaizer.


Kaagad na tumalsik ang dugo ng infected sa mukha ni Kaizer. At saka nito naalala sina Nick at John kanina, kanina lang silang dalawa ang natalsikan ng dugo pero ngayon siya na lang. Kanina lang anim pa sila, pero ngayon tatlo nalang.



Kaagad na itinulak ni Kaizer ang infected saka tumayo at niyakap si Aby.



"Tara na!" Singit ni Carla na nakatayo mula sa pagkakatulak ni Aby. "Ah!" Pero kaagad na napaluhod nang makaramdam ng iba sa kaniyang binti. Nakahawak rito ang infected na kanina lang ay nasa taas ni Kaizer. Buhay pa 'to!



Kaagad na nagkatinginan sina Kaizer at Aby, bago pinalakol ni Kaizer ang ulo ng infected palayo kay Carla.



"Ayos ka lang?" Tanong ni Aby.



Pero wala sa sariling tango lang ang naging tugon nito.



"Tara na. Bilis." Kaagad silang pumasok sa loob ng kwarto, at doon nakita ang malaking papel na nakapaskil sa bintana.



"So, meaning ang napatay natin ay ang nag-imbento ng solution?" Dahan-dahang tanong ni Aby bago lumingon kay Kaizer, na sa ngayon ay hinaharangan ang winasak na pinto.



"Ganon na nga." Tugon ni Kaizer bago lumapit kay Aby matapos.



"'Yung... solution. Dalian na natin, please." Kaagad na napakunot ng noo si Aby sa tono ng boses ni Carla.



Parang may iba rito.



"Ayos ka lang ba talaga Carla?" Paninigurado nito.



Pumuwesto si Carla sa sulok ng silid bago umupo at yumuko.



Lalapit pa sana rito si Aby ngunit kaagad naman itong sumigaw.



"'Yung solution! Hanapin niyo na!" Kaagad na napaatras si Aby at hinanap ang dapat hanapin.



Ang silid na ito ay hindi ganon kalawak, isang pang-office ang tema nito may mahabang lamesang kulay pula na pinagpapatungan ng basag na screen ng computer, at ng mga papel na may bakas ng dugo at gulo-gulong nakahanay.



Sa gitna ng kwarto may isang couch sa gilid at lamesa naman sa tapat nito. May isang tasa pa ng inumin ang nasa ibabaw ng mesa.



"Wala rito." Anunsyo ni Kaizer na naghahanap sa mga drawer.



Dahan-dahang nagtungo si Aby sa isang mini refrigerator nitong silid, bago inilapat ang palad sa handle, at sumenyas kay Kaizer.



"Eto na ata." Nanginginig na anunsyo ni Aby.

Virus ZWhere stories live. Discover now