Chapter #17: Listen

3.4K 235 10
                                    

Chapter #17: Listen

Lily's P.O.V.

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

Napatingin ako kay Nick na nakatayo na at nakayukom yung palad, agad naman siyang inawat nina Casper at John.

"Nanloloko ka ba?! Kung nanloloko ka! Pwes panalo ka!"

"Nick..." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kung ano ang dapat sabihin. O dapat bang magsalita pa ako.

Pakiramdam ko maiiyak ako ano mang oras. Pero nangako ako. Hindi na ko iiyak.

"Nick patapusin mo muna siya. Please lang!" Napatingin ako kay Monique, matapos kay Nick ulit.

"Patapusin Monique? Patapusin? Pare-parehas tayong nawalan dito! Ay teka, ginusto mo pala 'yun, di'ba? Huh! Nawala ang nanay ko. At ikaw! Ikaw! Sasabihin mo na ikaw may kasalanan nito?!"

Umatras ako, at nakita ko si Ken sa likuran ko. Yakap ako.

"Hindi niya kasalanan kung namatay yung nanay mo. Ikaw na ang may sabi pinatay mo yung nanay mo!"

Hinawakan ko si Ken sa braso niya.

Sandaling napatigil si Nick.

"Nick!!!"

Sinuntok niya si Ken sa likuran ko. Ang bilis, dahilan para maiwan akong nakatayo.

"Nick tama na!!! Natatakot na kami sayo!"

Tinignan ko sina Aby na umiiyak na at nakatayo. Hawak-hawak naman ni Kaizer si Ken sa likuran ko.

"Sakin ka pa natatakot ngayon! Dito! Dito sa demonyong 'to!"-Nick

Napabagsak ako. At narinig ko na tumahimik sila.

"Sana pakinggan mo muna ako. Sana makinig ka muna. Kasi ako sawang-sawa na ako na husgahan kahit wala pa kong ginagawa."

Dahan-dahan pero seryoso kong sinabi sa kaniya. Bago tumayo at umalis.

†-†-†

Dumiretso ako sa kwarto na tinuluyan namin. Kailangan ko nang umalis rito. Kailangan ko 'tong gawin mag-isa. Sabi na nga ba walang dapat pagkatiwalaan. Ang tanga ko at sumugal pa ako.

Tumingin ako sa bintana, okay wala namang masyadong infected. Kaya ko 'to! Kinuha ko sa ilalim ng mesa ang bag ko, at nilagyan yun ng damit. Damit na nasa closet. Bahal na kung sino ang gumamit rito. Wala na akong pakialam.

Nakapaligtas na'rin naman ako. Ayos na'yun. Bahala na.

Lalabas na sana ako ng bigla ko silang nakita nakatayo, mukhang ako ang pinunta nila dito. Lahat silang siyam nakatingin sa bag na dala ko. Tumingin ako kay Nick. Nice, nakatingin ng diretso sa mata ko.

Nagbow ako sa kanila. "Sorry."

Aalis na sana ako ng hindi ako makadaan, nasa harapan sila.

"Makikinig na kami." Sabi ni Aby.

Napatingin ako sa mga mata nila.

"Makikinig na ako." Napalingon ako kay Nick.

Anong gagawin ko? Siguro nga dapat, tapusin ko 'to. Binigyan ko sila ng tanong kaya responsibilidad kong sagutin 'yon kung ayaw kong mag-iba ang tingin nila sakin.

Kailangan kong sabihin 'to bago umalis.

Virus ZKde žijí příběhy. Začni objevovat