Chapter #26: Goodbye

3.1K 205 33
                                    

Chapter #26: Goodbye

Nick P.O.V.

Dahan-dahan kaming naglakad. Walang tsinelas, walang sapatos. Walang ingay.

"I'm scared."

Hinawakan ko ang kamay ni Monique, at mariing hinagkan.

"I'm your man right? Man, at the same time your Superman."

Hinagkan ko ang buhok niya.

Bago niyakap siya patagilid.

"Guys, walang maghihiwa-hiwalay."

Tumango lang ako kay Kaizer na nasa unahan, kasama si Lily na alam ang lugar.

"Waaahhh--"

Napatingin kami kay Carla na takip-takip na ni Ken ang bibig.

"Look,"

Napatingin ako sa tinuro ni Monique habang nanginginig yung darili nito.

John's P.O.V.

Agad kong hinawakan si Rose sa kamay, bago kami sabay-sabay tumakbo.

Bakit ang dami agad?!

Bakit ba kasi sumigaw si Carla?!

Sinusundan lang namin si Kaizer na hawak hawak rin si Aby. At si Lily na nangunguna.

Naman oh! Bakit huminto?!

"Guys, tumakbo--"

"Were trap." Pinutol ni Lily 'yung sasabihin ni Ken.

Teka, ano?!

Napalingon ako sa kaliwa. Ang dami! Sa kanan naman may mangilan-ngilan. Sa likod naman may humahabol.

"This is it."

Napatingin ako kay Casper na nasa pinakalikod. Itinaas niya ang baril, bago pinaputukan ang ilan.

Letse! Hindi parin humihinto sa pagtakbo yung mga tinamaan niya!

Napalingon ako kay Ken na hawak si Carla. May hawak 'tong baseball bat. Mukhang nag-aantay na siya.

Itinaas ko ang hawak kong baril bago lumingon kay Rose.

"Tumabi ka lang sakin. Hindi kita bababayaan."

"Salamat, salamat John."

Napangiti ako.

Walang sinuman o anuman ang pwedeng dumampi sa balat ni Rose!

Aby's P.O.V.

Ano 'to?

Natatakot na 'ko. Takot na takot na 'ko. Gusto ko ng bumalik sa hotel. Ayaw ko dito.

"Waaahh!!"

Tinakpan ko agad ang bibig ko. Paano ba naman, akala ko ako na ang babarilin ni Kaizer. Yung nasa likid ko pala.

Umiling lang siya. Siguro kasi napahiya ako?--Shit! Bakit niya ako niyakap?!

"Don't move."

Nararamdaman ko nalang na bumabaril na siya.

Yakap yakap niya ako gamit ang kanang braso niya. Samantalang ang kaliwang kamay niya ay nakalaan para protektahan ako.

Pakiramdam ko, safe ako. Safe ako, kahit ang daming nasa paligid namin.

Pakiramdam ko safe ako kahit na ano mang oras, baka wala na kami.

Pakiramdam ko safe ako. Kasi yakap niya ako.

Virus ZDove le storie prendono vita. Scoprilo ora