Chapter XXX

1.8K 44 2
                                    

Someone's POV

"Master, lumabas na po ang mga resulta. Kumpirmado nga po. Nagsisimula na ulit pong makabangon ang Esmerald at ang Tempest."

Pagbabalita saakin ng aking tauhan. Nag-igting ang bagang ko nang marinig iyon. Ikinuyom ko kaagad ang aking kamao.

No, this can't be!

"Sinasabi na nga ba! Hindi parin talaga nabubura sa kasaysayan ang mga pamilyang iyon!"

Nanggigigil ako! This can't be happening. Kailangan malaman niya agad ito.

"Where are the sources!? Sabihin mong bumalik na sila rito at iulat ang lahat ng kanilang mga natuklasan." Utos ko rito at mabilis niyang sinunod ako saka lumabas.

Napaupo ako sa aking swivel chair saka humarap sa bintana. Hinimas ko ang aking sintido.

"No! I won't allow this. Isinakripisyo ko ang lahat para lang sa kagustuhan niya. Para lang maging masaya siya. At ngayon, malalaman kong hindi pala ako nagtagumpay na burahin ang mga sagabal saamin?"

Dahil doon kaya nagpasya akong kunin ang aking phone para ipaalam na iyon sakanya. Kailangan niya itong malaman sa lalong madaling panahon.

Sigurado akong na-massacre ang lahat ng parte ng pamilyang iyon lalung-lalo na ang pinuno nila.

Tatawag na sana ako nang may mahagilap ang mga mata ko. Natuon kaagad ang atensyon ko sa mga papeles na nakalapag sa aking mesa. Ito ay ang mga ibinigay saakin ng tauhan kong mga impormasyon mula sa dalawang pamilya na iyon.

Kumunot naman ang noo ko nang may makita sa mga iyon.

"Oo nga naman. Bakit 'di ko kaagad naisip iyon?" Suddenly, a smirk formed on my lips. Hinawakan ko ang isang papel kung saan nakalagay ang profile ng isang dalaga at ng isang binata. Magkahawig ang dalawa kaya napangisi lalo ako.

"Akalain mo nga naman at nagawa mo palang iligtas ang kambal mo."

Binasa ko ang mga nilalaman ng mga profiles nila at napansing magkaiba ang surnames ng dalawa. So they were separated. Ang isa ay nasa totoong pamilya habang ang isa ay nakahiwalay. How sad that they were raised in a world full of lies.

"Until now, you're still full of surprises, Ysabelle." Usal ko.

Malalim akong nag-iisip sa maaaring plano ni Ysabelle. Batid kong bago pa ito mamatay ay sinigurado na niya ang kaligtasan ng pamilya niya. Ano nga ba ang aasahan sa isang tulad niyang napakahusay na pinuno? Kahit nga si Leonardo ay hindi niya magawang patumbahin ang pamilyang iyon kung hindi lang dahil sa mga tumulong sakanya na hanggang sa mamatay siya ay hindi parin niya nalaman kung sino ang mga iyon.

I was in deep thought until one of my assassins barged into my office and I immediately noticed the hysterical look on his face. I have a bad feeling about this.

"What is it? What's happening?" Nanatili lang akong kalmado.

Lumunok pa ito bago magsalita. Halata ang panginginig nito.

"M-Master, nandito na po si Master Leandros. Kalahati na po ng mga kasamahan ko ang napaslang niya a-at papunta na po siya rito."

Sa sinabi niyang iyon ay ni hindi ako nakaramdam man lang ng takot. Sa halip ay sumenyas ako sakanya.

"Go directly to the secret passage. You need to escape and tell her what's happening here. I'll be the one to handle the Heartless Demon. That would be my final order."

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now