Chapter XXII

1.9K 51 0
                                    

Miria's POV

Ugh! That bloody bastard! I will never forgive him! I swear I'm going to kill him!

Dapat mas binilisan ko pa ang naging pagkilos ko. That freak!? Hindi ko akalaing ganoon parin siya kabilis kumilos. Fuck, Miria! What do you expect? Masyado akong naging padalus-dalos.

Sinusundan ko lang naman kanina ang Leandros na iyon pero bigla na lang din dumating si Cielle. Naisip ko na iyon na ang mainam na oras para ipakita sakanila ang aking sorpresa. Ngunit maling mali talaga ako dahil hindi ko inasahang magagawa niyang protektahan ng ganoon ang babaeng iyon! I mean, that's not Leandros. It was never his style to protect someone who has nothing to do with him. Tch!

At dahil naman sa naging engkwentro kanina ay paika-ika ako ngayon kung kumilos. Hindi ko rin inasahan na hanggang ngayon ay gamay parin niya ang mga kilos ko lalo na ang kahinaan ko.

Kung 'di lang dahil sa nangyari ilang taon nang nakararaan ay hindi magiging ganito ang kundisyon nitong isa kong braso. At sadyang naiinis ako sa aking sarili sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko parin magamit ito ng maayos.

Kasalukuyan kong tinatalon ang isang napakataas na sanga ng puno at maayos na nakalapag ako rito habang nakasuporta ang isang kamay ko sa duguan kong braso.

Nang natatanaw ko na ang secret mansion ay mas binilisan ko pa ang naging pagkilos. Narating ko na ito at mabilis na pumasok sa loob at sinalubong naman ako ng nag-aalalang mukha ng mga tagapaglingkod pati na rin si Caesar matapos makita ang kundisyon ko.

"Miss Gaia, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Caesar habang nakatingin sa kabilang braso.

"Call Professor Geuseppè and tell him he needs to fix this again." Seryosong wika ko at mabilis na sumunod naman sila.

Wala akong pakialam kung nasa Italy man ang propesor na iyon basta ang gusto ko ay maayos niya sa lalong madaling panahon ang walang kwentang kamay na ito.

Nagtungo agad ako sa may kwarto ko at maingat kong tinanggal ang pekeng kanang braso ko. Yes, tama kayo ng narinig. Sa kanang kamay ko pataas sa bisig ko hanggang sa siko ay tanging maneuverable prosthetic arm na gawa sa metal na lamang ang ginagamit ko.

At simula noon ay ito na ang naging kahinaan ko bilang isang assassin.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ko. Nakikita ko ang kakulangan sa parte ng aking katawan.

Tandang-tanda ko pa noong unang beses na may misyon ako kasama si Lhian. Isang Class S assassin na siya noon habang ako ay nasa Class D pa lamang. Masyado akong naging pabaya.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang nagpadanas saakin ng ganitong kundisyon! Halos malagutan ako ng hininga noon nang putulin ng taong iyon ang braso ko. As usual, Lhian doesn't care about what happened to me that time. Pinanuod lang niya akong mahirapan habang kinakalaban ko ang taong yun.

Tss! Isang baliw ang taong iyon at ang hindi ko pa matanggap ay nagmula siya sa isang allied family ng Salvatore.

Isa siya sa pinaka brutal na assassin na nakilala ko. Mas hindi ko matanggap na kababata pa siya ni Lhian.

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pananakit ng sugat na ginawa ni Lhian kanina.

Kapag nagkaharap kami ulit ng halimaw na alalay na iyon ni Lhian. Sisiguraduhin kong tatapusin ko na siya.

Habang nakatingin ako sa salamin ay may kumatok na sa pinto at pumasok ang babaeng tagapagsilbi.

"Miss Gaia, paparating na po ang Propesor. Maari na po kayong sumama sa laboratoryo." Magalang na wika niya. Tinanguan ko lang siya saka inayos ang lahat.

Heiress(Part One:COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz