Chapter XXV

1.9K 50 0
                                    

Sa ospital na pagmamay-ari ng pamilyang Tempest ay kasalukuyang naka-confine muna ang dalagang si Cielle dahil tatlong araw na rin itong hindi gumigising.

Nalaman na rin ng ama ni Cielle ang nangyari sakanya dahil kay Cheyenne na pinagsabihan ni Yria. Kaya tatlong araw na ring nagbabantay ang mga ito sa dalaga. Bakas sa mga ito ang sobrang pag-aalala. Si Cheyenne ay namumugto na rin ang kanyang mga mata. Habang ang ama ni Cielle ay kalmado lang.

"T-Tito, bakit hindi man lang magising-gising si Cielle? " Umiiyak na wika ni Cheyenne sa ama ni Cielle.

"Tahan na hija. Alam kong magigising din siya. Magdasal na lang tayo sa Diyos." Nakangiting sagot ng matanda sa dalaga. Tumango na lang ito kahit alam niyang 'di siya nakikita ng matanda.

Palaging nagdadasal ang ama ni Cielle na sana ay magising na ang anak. Hindi niya gustong mas maunang mamatay ang kanyang anak bago siya dahil nangako siya sa isang importanteng tao.

Naisip ng matanda na kailangang masabi niya na ang kanyang sikretong matagal niya nang itinatago at dahil matanda na rin siya. Kailangan niya nang masabi ito sa lalong madaling panahon.

Pero hindi niya alam kung papaano niya sisimulan. Alam niyang masasaktan si Cielle ng sobra. Lalo pa't hindi pala ang buhay na kinagisnan niya ang nararapat sakanya. Ang mabuhay sa kahirapan.

....

....

....

Lance's POV

I am walking in the hallway here in the school because I'm looking for a certain someone right now, and that's Yria!

The truth is I was hurt for what he had said to his sister Lia. Akalain mo ba naman pagsabihan siya ng masasakit na salita! My God!

Kakarating ko palang noon sa mansyon at excited pa akong makita silang magkakasamang tatlo for that dinner. Kaya nga lang hindi ko in-expect na ganun ang mangyayari.

Bakit kailangan niya pang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon? Ugh! Kaya ayun na nga at nagkasagutan kaming dalawa. Hindi ko rin napigilang sampalin siya sa mukha. Dahil doon sa nangyaring iyon kaya nasira ang lahat. 'Di na rin natuloy ang dinner dahil nagwalk-out siya.

I know that it was my fault. Na dapat hindi ko siya sinaktan. Pero hindi ko napigilan ang galit ko. Ayoko ng ganoon. Dapat maging grateful siya dahil may kapatid pa siya. E ako...

Hay! Nasaan na ba kasi iyong batang iyon?

Napansin ko namang pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Problema nila?

"What are you looking at? Magsipasok nga kayo sa mga klase niyo!" Sigaw ko kaya naman nagtanguan ang mga ito saka nagmadaling pumasok sa kani-kanilang mga klase. Tss! I'm not in the mood right now!

Kaagad naman may nahagip ang mga mata ko. Namukhaan ko ang mga ito dahil madalas kasama ni Yria ang mga 'to. Pero in-expect kong kasama nila siya kaso mukhang ni anino talaga niya ngayon ay wala. Napansin ko rin ang pag-iwas nila saakin kaya naman tumaas ang isang kilay ko sa iniasta ng mga bugok na mga ito.

"Hoy, tatlong itlog! Where's Yria?" Seryosong tawag ko sakanila at parang nanigas naman sila sa kinatatayuan nila. Tss. I knew it! Mukha ngang tinatago nila si Yria.

"Answer.Me.Where.Is.That.Damn.Friend.of.Yours?" Nag-igting ang bagang ko and I clenched my fist. Ipapa-torture ko talaga ang mga ito kapag 'di nila ako sasagutin ng maayos.

Nilingon naman ako ni umm...I think his Shane? Ugh! Whatever.

"Hindi mo pa ba alam?" Seryosong wika niya at tumaas ang isang kilay ko.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon