Chapter XV

2.2K 44 0
                                    

Yria's POV

Mabilis akong naglalakad lakad sa school  dahil kailangang may makumpirma ako.

Matapos ng mga nakaraang nangyari.

FLASHBACK...

"Young Master, may bisita po kayo." Magalang na wika saakin ng aming katulong. Agad ko naman itong tinignan. Then, sinenyasan ko siyang umalis na.

"Young Master." Wika niya. Saka siya yumuko. Si Thalia. Siya ang pinagkakatiwalaan ng pamilya naming jeweler. Ipinatingin ko sakanya iyong necklace na nakuha ko at dito malalaman kung iyon nga ang tunay na kapares nitong hikaw ko.

"Anong balita?" Wika ko.

"Young Master, it's positive! Ito nga iyong matagal ng hinahanap na kwintas na pamana ng inyong Ina. Nag-iisa lang ito dahil ginawa pa ito ng great great grandfather ko para sa pamilya ninyo." Masayang sabi niya. At isang ngiti ang nabuo sa aking labi.

"Please, keep it a secret first. I'll be the one who will tell everything to my Dad. Sa ngayon kailangan ko na munang mahanap kung sino ang nag mamay-ari nito." I said in a serious voice.  Tumangu-tango naman siya saka ibinigay ang isang maliit na black box kung saan nakalagay ang kwintas.

"Masusunod po, Young Master." She said. At saka lumabas na siya ng kwarto.

I must find out who's the owner.

Then I remember someone. That Lucie, she's the one who left this, but before that, I remember that girl whom I left in the hospital. Kumusta na kaya siya?

Hindi ko nalang namalayang nagmamaneho na ako papunta sa ospital. Tss. Bigla kasing kumikilos 'tong katawang ito e basta sa babaeng iyon. Tss.

Ilang araw na rin akong 'di pumasok kaka-isip lang din sa kwintas.

Tinanong ko sa nurse station kung nasaan na yung babaeng dinala ko noon dito. Pero hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. Asar! Sinabi ko na lang na yung babaeng nalunod bago ito tumango at nakuha ang sinasabi ko.

"Umm...Sir, Si Miss Graecielle Jane Crisanto po ang tinutukoy ninyo. Nasa Room 107 po siya naka-confine." Wika niya. So, Graecielle pala ang pangalan niya. Ngayon alam ko na. Tumango naman ako sa nurse at ngumiti ito.

Mabilis kong narating ang kwarto niya at nasa harap na ako ng pinto. Nakalagay naman ang patient's name sa pinto. At siya nga. Naririnig ko pa ang pag-uusap nila sa loob. Tss, napakalakas naman ng boses ng kasama niya. Bahagya ko naman itong binuksan ng kaunti para masilip ang loob. Napangiti naman ako ng makita siyang maayos na at mukhang nakahanda nang uuwi.

Pero bigla siyang napahawak sa leeg niya at parang nag-alala naman ang mukha niya.

"Sandali lang, Che! Yung kwintas ko nakita mo ba?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

Anong sinabi niya?

Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko.

Hawak ito nung Lucie noon at biglang nabitawan niya. Galing din noon yung Lucie sa may pool area at basang-basa. Hindi kaya siya ang may kagagawan ng mga pangyayari? Kinuha niya lang ito sakanya?

Nang biglang papalapit na sila sa pinto ay mabilis akong umalis...

End Of FLASHBACK...

Tss! Where is she? hinahanap ko pa rin siya pero wala. Ngunit may bigla akong naisip. Sa swimming area ay maaring nandoon siya dahil baka hinahanap din niya ang kwintas kung totoo nga talagang siya ang may-ari nun.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now