Chapter XX

2.2K 50 2
                                    

Glaire's POV

*BLAG!*

*KABLAG!*

*BOOOGSH!!*

I had been staying at the training room for more than 5 hours.

Ah! So boring! Matagal ng nangangating manapak ulit 'tong mga kamay ko. Tss!

Kakasuntok ko't sipa nitong punching bag ay nagkapira-piraso na ito. Actually, ito na ang pang sampung palit ko ng mga ito. Wala bang ititibay ang mga ito? Walang kwenta!

Habang sinusuntok ko parin ito ay biglang naalala ko ang mga sinabi ni Yria Tempest saakin kahapon.

FLASHBACK

Matapos ng klase namin sa Trigonometry ay tinawag ako ni Yria Tempest pagkalabas ko sa building. Agad ko siyang nilingon at nakitang hawak niya ang palapulsuhan ni Daydreamer bago ko ibalik ang tingin sakanya. Alam ko ang ibig sabihin niya sa pagtawag niya saakin. Gusto niyang makipag-usap kaya tumango na lang ako. Tss.

I still can't believe that he treated me as one of his friends back then. Napailing na lang ako nang maalala ko ang mga araw kung kailan naging magkakasama kami noong may misyon ako rito.

Pinagbigyan ko na lang siya at nagtungo na ako sa may rooftop ng school. Pinag-antay pa ako nito dahil napaka-tagal niya lang namang dumating. Tss!

Dumating ito pagkatapos ng bente minutos. Hindi ko siya nilingon at nanatili lang akong nakasampa sa may railings nitong rooftop habang nakatingin sa malawak na nakatirikan nitong University.

"Ang ayoko sa lahat ay iyong pinag-aantay ako." I said in a cold tone.

"Now, what do you want?" Tanong ko na hindi parin humaharap sakanya.

"Ibang-iba ka talaga kumpara dati." Pagsimula niya. Nakinig lang naman ako sa sasabihin niya. Rinig ko ang yapak niya pagkalapit sa tabi ko. Pinanatili niya ang maluwang na espasyo sa pagitan namin. Kita ko rin sa gilid ng mata ko ang pagpatong niya ng kanyang mga braso sa railings.

"Bakit ka bumalik dito? May misyon ka nanaman bang kailangang tapusin? Sino nanaman ang target no ngayon?" Sa sunud-sunod na mga tanong niya'y ni hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano. Hindi ko rin mababakas sa tono niya ang galit. Para bang casual lang siyang nagtatanong.

Humalumbaba lang ako habang nanatiling nakatingin parin ako sa kawalan. Kailangan bang sagutin ko pa ang mga walang kwentang tanong niya?

"Seriously, hindi ka talaga sasagot?" Halata ko ang pagka-bored sa boses niya. Even him, he's bored.

Rinig ko namang tumawa ito ng bahagya.

"I remembered those times that we're complete. Eventhough it was just a short period of time, that was one of the best memories I had cherished so far." Seryosong napatingin ako sakanya at hindi naalis ang ngiti niya sa kanyang labi. Napangisi naman ako.

"Those were mere fantasies. They're not real, so forget about them." I told frankly. Tinawag lang ba niya ako rito para alalahanin lang at ungkatin ang nakaraan? Tss. Waste of time.

"Go straight to the point, Tempest. I don't have much time listening to your retrospections." Seryosong sabi ko at nakatuon na rin ang tingin ko sakanya na kasalukuyan paring nakatingin sa malayo. But I saw his lips curved into smirked. Naging matalas ng bahagya ang mga mata niyang kulay berde pagkatingin niya saakin.

"Alam ko namang wala kang pake lalo na sa lahat-lahat. Wala kang pakealam at ang mahalaga lang sayo ay iyong pumaslang. Mali ba ako?" Seryosong wika niya. Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko sa tono ng pananalita niya. Hindi ako sumagot.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now