Epilogue

3.6K 49 22
                                    

Cielle's POV

Maaga akong nagising ngayon at kasalukuyan ko na isinusuot ang damit na kinuha ko mula sa loob ng wardrobe rito sa kwarto. Isang puting longsleeve na pinatungan ko ng itim na coat saka ko pinaresan ito ng itim din na jeans.

Hindi ko alam pero pagkagising ko kanina'y nakaramdam na ako ng matinding pagbabago sa buo kong pagkatao. Matapos kong malaman ang lahat-lahat. Mula sa sulat ni Itay hanggang sa mga ikinuwento sakin nina Blaise at Miria. Sa una, hindi ko talaga aakalain dahil napakahirap tanggapin lahat. Hindi mo aakalain na magiging ganito ang buhay ko. Sa isang iglap nagbago ang lahat.

Pagkatapos noon naisip ko na kailangan kong maging matatag para harapin ang mga kasalukuyang nangyayari ngayon. Kasi wala rin namang mangyayari kung hindi ako kikilos.

Pagkatapos kong isuot ang kulay itim na doll shoes ay tumingin ako sa mahabang salamin at pinagmasdan ang aking kabuuan. Pansin na ang pamamayat ng aking katawan at kitang kita ang itim sa ilalim ng mga mata ko. Ilang mga araw na pighati ang naranasan ko sa mga nakaraang buwan. Madalas din ay wala talaga ako sa aking sarili noon bago ako maging maayos and it's almost 5 months simula noong mangyari ang madilim na bangungot sa aming mga buhay.

Sinuklay ko ang itim at mahabang buhok ko. Pagkatapos ay biglang narinig ko ang pagkatok sa may pintuan at binuksan ito.

"Nakahanda na po ang lahat, Miss Graecielle. Inaantay na po kayo nina Master Blaise at Miss Miria." Magalang na wika ni Nerissa habang nakayuko ito. Binigyan ko ito ng ngiti.

"Salamat, Nerissa. Lalabas na rin ako."

Pagkasabi ko noon ay yumuko ito saka isinara muli ang pintuan.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago sumulyap muli sa aking repleksyon.

"Ito na ang pinakahihintay mo, Cielle. Makikilala mo na ang tunay mong pamilya." Saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Pababa na ako ng hagdan at nakita sina Blaise at Miria na inaabangan ako sa ibaba habang nakatingin ang mga ito saakin.

Nang makaabot ako sa dulo ay agad yumuko ang mga ito saakin na hinding-hindi ko talaga kahit kailan makakasanayan sakanila.

"Seryoso ba kayo? Umayos nga kayo. 'Di ako sanay." Natatawa kong sabi sakanilang dalawa. Nang umayos sila ng tayo ay napapailing pa ang mga ito.

"Pwes masanay na po kayo, Miss Graecielle." Wika ni Miria bago nito iangat ang ulo saka ito ngumiti saakin.

"This is the day that you'll finally return to where you really belong." Seryosong wika naman ni Blaise na kahit makikita mong ganyan siya ay panatag na rin ang loob ko sakanya dahil sa mga nakaraang buwan na nakasama ko silang dalawa.

Sila ang nagsilbing sandalan ko noong mga panahong gulung-gulo ako, noong panahong hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa dahil na rin sa mga nasaksihan at nalaman ko. Sila ang gumising saakin at tumulong na bumangon ako muli, kaya naging mahalaga na sila para saakin. Pinagkakatiwalaan ko sila simula noong ipagkatiwala nila ang mga totoong katauhan nila saakin.

Tinignan ko silang dalawa at sabay rin nila akong tinanguan.

"Are you ready, Cielle?" Tanong sakin ni Blaise at kaagad ko itong tinanguan.

Natawa naman ako nang bigla siyang sikuhin ni Miria.

"Pwede bang umayos ka't magbigay naman ng galang sakanya. Hindi porke't close kayo pwede na iyong ganyan lang kung tawagin mo siya. Tss!" Inis na sabi nito kay Blaise na inirapan lang din siya. Kahit kailan talaga itong dalawang 'to. Hindi na ako magtataka kung magkakatuluyan silang dalawa pagdating ng panahon.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now