Chapter VIII

2.7K 56 0
                                    

Hay, isang magandang umaga nanaman ang blessing saamin ng Diyos. Mabuti naman at sabado ngayon. Malaya rin ako sa mga nakakainis na mga pangyayari sa school.

Hindi ko rin makikita iyong pangit na Glaire na iyon.

Hindi ko rin makakasalubong si Lucifer.

Hindi ako makakabangga ng grupo ni Yria.

Yehey!

Akalain mo ba naman kasi buong week na-torture ako sa mga pangyayari doon sa school. Buti na lang may back-up ako para kay Lucia dahil nandyan si Cheyenne. Pero kapag nambara na iyong si Glaire, ayun I'm all alone again. Tss. At eto pa ah! Iyong Yria na iyon? Banggain ba naman ako? Saka isisigaw sayong "Tatanga-tanga kasi e!" Oh diba? Papansin lang ang peg?

At ngayon naman, I'm FREE!

Kaya ito, maaga akong gumising para kumayod. May part-time job kasi ako ngayon doon sa isang coffee shop na in-applyan ko. First day ko rin kasi ngayon kaya naman inayos ko na iyong higaan ko, tapos saka ako nag-ayos ng sarili at lumabas na rin ng kwarto para makapagluto na rin ng agahan. Pero bago iyon pumunta muna ako kay tatay. Mahimbing pa siyang natutulog kaya lumabas na ako at nagluto.

Matapos noon ay nagising na rin si tatay saka ko siya tinulungang kumain Nung matapos siya saka na rin ako kumain at naghugas ng plato.

Nag-prepare na ako para sa trabaho at nagpaalam sakanya.

Paglabas ko sa bahay ay naglakad na ako papunta sa parkingan ng jeep papunta doon sa trabaho ko at nakasakay din naman ako kaagad.

After 30 minutes...

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa tapat nitong coffee shop. Mukhang pangmayaman itong pag-tattrabahuan ko a. Buti wala pa masyadong tao, kaya pumasok na rin ako saka bumati ako ng 'Good Morning' kaya napatingin naman saakin iyong mga tao sa loob at mukhang busy pa sila. Nilapitan naman ako ng isang magandang babae at nakangiti siya saakin.

"Hello, ako ang Manager dito. I am Sylvia Santos. Ikaw ba si Miss Graecielle Crisanto?" Sabi niya kaya tumango naman ako.

"Yes po. Ako nga."

"Okay. Nice to meet you, Graecielle. Okay, just follow me, para maturuan na kita kung paano ang magiging trabaho mo rito." Kaya sumunod na ako. Itinuro niya kung anong gagawin ko. Ako lang naman yung magseserve dun sa mga oorder. Kaya okay naman saakin yun.

Mga ilang oras lang ay nagbukas na rin kami at WOW! Dahil ang daming taong pumasok. Gaano ba kasikat ang coffee shop na ito?

Nag-serve na rin ako ng mga orders sa kanya kanyang mga nagorder sa kanilang mga seats.

Ilang oras naman na ang lumipas at marami na rin akong na-serve. Pinuri nga din ako ni Ma'am Sylvia at pati na rin yung mga ibang customers. Ehem! Huwag masyadong feeling Cielle. Mabuti at may mga naging kaibigan naman na ako dito dahil sa sobrang mababait sila.

"Cielle, ready to serve na itong two cafelatte, sa may table number eight." Tawag saakin ni Mel. Oh diba may kakilala na ako agad. Siya si Mellisa Cruz at siya ang tiga-gawa ng mga kape at iba't iba pang mga drinks dito sa shop.

"Sige papunta na ako. " Saka ko kinuha yung dalawang kape at ipinunta sa may-ari ng mga yun.

Hmmm... Table number eight. Ayun nahanap ko rin.

Wait! Teka, bakit andito yan?!

Guess niyo kung sino ang nakikita ko? Walang iba kundi si Lucifer at ang kanyang bagong jowa na mukha naman ngayong palaka.

Jusko! Kalat na sa buong school na bago nanaman ang jowa niya. My gosh! Hindi na siya iyong butiki. Joke!

Pero habang papalapit ako sa mesa nila ay nagpapanic nanaman ako.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang