Special Chapter

2.3K 38 0
                                    

A/n: Hindi po ito continuation ng last chapter.

Sana magustuhan niyo...

Cielle's POV

Dumaan ako sa isang panaderya at bumili ng paboritong malunggay pandesal ni Itay. Dumadaan talaga ako sa panaderya na ito sa tuwing umuuwi ako galing sa part-time job ko.

Matapos ay naglakad na rin ako para makauwi na rin. Marami rin akong nakikitang mga naglalakad sa ganitong oras kaya okay lang na maglakad ako. Tatawid na sana ako sa may kabilang kanto nang may pumigil saakin at bigla akong hatakin pabalik. Nagulat ako nang may mabilis na sasakyan ang lumagpas mula sa kinatatayuan ko kanina. Gawa ng pagkagulat ay hindi ako kaagad nakakilos at tila ba'y na-hysterical na ako sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko naman iyong kamay na nakahawak sa may braso ko kaya napatingin ako sa kung sino man ang nagligtas saakin.

Hindi ko ulit inaasahan ito dahil ang taong nagligtas lang naman saakin, walang iba kundi si Glaire. Oo nga pala, ngayon ko na lang ulit siya nakita. Pansin kong may nagbago sakanya, siguro ay dahil hindi na siya nakasuot ng salamin ngayon. Tapos mukhang wala siyang tulog. Huling kita ko sakanya ay noong makita ko siyang nakatayo sa tapat ng poste malapit saamin. Alalang-alala ko pa iyong nakatingin siya.

At ngayon, tulad ng dati ay seryoso ang itsura niya. Mariin din siyang nakatingin saakin.

"How many times do I have to save you from your own clumsiness?" Nabigla ako sa sinabi niya. Masyadong seryoso, pero sanay naman na kaming makita siyang ganyan.

Hay, pero salamat parin sa ginawa niya. Ang totoo ay nahihiya na ako sakanya dahil parang namimihasa na ako sa palaging pagligtas niya saakin mula sa kapahamakan. 'Di pa ako nakapag-pasalamat noon sakaanya. Ewan ko ba kasi bakit lapitin ako ng kamalasan at sa tuwing nangyayari ang mga ganitong hindi inaasahan ay nakakabigla lang dahil palagi siyang nandoon.

Paano kaya kung wala siya tapos umiral ang katangahan ko. Hay! Malamang matagal na akong pinaglalamayan.

Hindi tuloy ako makatingin sakanya ng diretso at sa halip ay napatingin ako sa nakahawak parin niyang kamay saaking braso. Mukhang napansin niya ang pagtingin ko rito kaya naman ay agad-agad ay binitawan niya ako dahil doon kaya napatingin ako sa kanya. Napangiti ako dahil tutal 'di naman siya nakatingin sakin.

Nilakasan ko ang loob ko saka sinabing...

"Salamat, Glaire dahil palagi kang nandiyan para iligtas ako sa kamalasan ko." Natatawa kong sabi pero mukhang hindi niya iyon inasahan. Napangiti lalo ako kasi lumambot ang features ng mukha niya. Bahagyang nawala iyong pagka-cold niya. Feel ko lang naman.

Gusto ko pa sana siyang maka-usap dahil marami akong gustong itanong sakanya kaso kailangan ko nang umuwi dahil idadala ko pa ito kay Itay kaya naman nagpasya na akong magpaalam sakanya.

"Mauuna na muna akong umuwi. Kita na lang tayo sa susunod. Nga pala, pumasok ka na. Ang dami mo nang absent. Paalis na rin si Che papuntang Italy, hindi ka man lang niya raw nakita." Natatawa kong sabi bago ako tumalikod na.

Siniguro ko muna ang tatawiran saka mabilis na tumakbo papunta sa kabilang kalsada. Tapos agad siyang binalikan ng tingin.

Nakatingin siya saakin at hindi ko ulit sigurado pero parang may sumilay na ngiti mula sa kanyang labi pero napakabilis lang. Kinawayan ko na lang siya bago ako tumalikod.

Nang tumalikod ako ay bahagyang may naramdaman akong bigat sa dibdib ko. Bakit naman kaya?

Pagkatapos ay parang may nagsasabing lumingon ako ulit kaya naman ginawa ko nga. Pero pagkalingon ko ay wala na siya. Lalo namang bumigat ang pakiramdam ko. Ano ba naman 'to?

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now