Chapter II

3.7K 70 0
                                    

"Next time don't daydream when your walking." Cold na sabi niya. Tinignan niya lang ako ng walang gana at sandali lang ay Saka na niya ako tinalikuran at naglakad papalayo.

Naiwan akong nakanganga.

Nang maka-recover ako sa nangyari ay saka ko naramdamang pinagtitinginan na pala ako ng mga estudyante rito.

Kaasar yun ah! Napakabastos! Layasan ba naman ako at ni hindi man lang ako tinulungan. BUSET!

Nagulat naman ako nang may nag-abot saakin ng kamay at tinignan ko naman kung sino iyon at isang mala-anghel na mukha ng isang lalake ang bumugad saakin.

Tinanggap ko naman kaagad ang kamay niya at infairness, ang lambot. Kasabay nun ay hinila niya ako patayo saka niya ibinigay ang binder ko na nabitawan ko kanina kaya tinanggap ko naman iyon sakanya agad.

Nakangiti siyang nakatingin saakin at bigla siyang nagsalita.

"Miss, are you alright? Pasensya ka na doon, ah. Noon siguro nagbiyaya ang Diyos ng pagiging gentleman e baka tulog ang isang iyon kaya siya ganoon umasta." Nakangiting ani nito. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ah e okay lang yun. Salamat nga pala." Nakangiting sabi ko. Napansin ko naman ang paligid na parang naging center of attraction na kami rito at pansin kong ang sama-sama na kasi ng tingin nung mga babae. Ewan ko ba kung bakit. Hinarap ko ulit siya at nakangiti pa rin ito. Hay, bakit ba ganito 'to wala bang alam gawin kundi ngumiti?

"Ah salamat ulit. Ano na nga palang oras?" Tanong ko.

" It's already 7:30." Sabi niya habang nakatingin pa sa wrist watch niyang mukhang mamahalin.

"SHIT!" Naiusal ko. Late na ako kaya agad akong napatakbo. Pasensya na kailangan ko na talagang umalis hindi na ako nakapag paalam doon sa lalake.

Nang makalayo na ako ay may isinigaw yung lalake, pero hindi ko naintindihan. Ano raw? Bra--Brace?Lace? Ah ewan!

After 30 minutes....

Sa wakas nasa harap na rin ako ng classroom ko kaya naman ingat-ingat kong binuksan ang pinto at wow! Center of attraction again.

Napatingin naman saakin iyong teacher namin. Akala ko magagalit na siya pero nagulat ako nang ngumiti siya.

"Oh, are you from this class? If yes, please come in." Nakangiting sabi niya at pumasok naman na ako. Noong nasa harapan na ako ay may nahagilap ako.

"Kindly introduce us yourself please."

Bakit naging classmate ko pa iyang buset na lalakeng yan? Kung minamalas ka nga naman.

"Excuse me, Miss?"

Yang lalaking iyan gusto ko tuloy siyang tirisin. Nakakahiya talaga iyong nangyari kanina.

"Miss, you may sit down if you're not interested to introduce yourself." Nagulat ako nang marining na may sinasabi pala si Ma'am kaya ayun nagtawanan ang lahat ng kaklase ko pwera lang doon sa lalake kanina. Nakita kong umiling ito. Grabe kahiya.

"Ma'am, I'm so sorry." Paghingi ko ng paumanhin. "Ako nga po pala si Graecielle Jane Crisanto." Magalang na pakilala ko sa lahat. Tumango naman siya.

"What a nice name, Graecielle. By the way, your eyes are so nice. Sige na. Maari ka nang maupo." Nakangiting sabi niya at tumango naman ako. Nga pala nakalimutan kong sabihin. Isa nga pala sa hindi ko akalain sa aking itsura na kahit papaano ay biniyayaan din ako ng maayos na pagmumukha. Shoulder length lang ang buhok ko. Fair complexion naman ako. Sakto lang din ang height ko pati na rin ang weight ko.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now