Chapter XVI

2.5K 66 1
                                    

Cielle's POV

Nitong mga nakaraang linggo may mga weird na pangyayaring nagaganap saakin. Umm...para lang naman saakin, kasi di ako sanay sa mga nangyayari.

Mula kasi noong hilain ako ng Headmaster papunta sa kung saan ay parang may nagbabago na.

At take note. Alam niyo ba kung saan ako ipinunta?

Bigla ba naman akong ipinasok sa magarang itim na sports car niya. At sobrang bilis niyang magpatakbo! Halos masukahahan ko pa nga yung loob ng sasakyan niya. Pero naisip kong baka magalit siya dahil nakakatakot pa man din siya kaya ayun nilunok ko na lang! Waaah! Kadiri lang.

Ipinunta ba naman ako sa isang Mall na sa tingin ko ay pag-mamay-ari nila. Wala kasing tao kundi kami lang.

At take note ulit. Pinamili ako ng mga damit na pambabae. Sinabi niya kasing mga panlalake ang mga isinusuot ko at ayaw niya raw iyon, mukha raw akong sanggano. Aba, e kung siya nga ang makapagsuot parang gangster pa nga.  At heto ako ngayon suot ko parin ang loose t-shirt at pants sabay vans shoes ko na class A lang sa divisoria. Hehe! Ayaw ko magbistida. Iyon kasi yung mga pinamili niya. Ewan ko kung bakit niya ginawa yun. Nakakahiya talaga. Pinakain niya rin ako kasi naman tong tiyan na'to pahamak that time. Kumulo ba naman at narinig ni Miss Lance.

Pinakain niya pa ako sa isang sikat ata na restaurant. Kasi naman pati tubig may bayad.

Nalaman ko rin na pinsan niya si Yria Tempest. At Lanceline ang complete name niya. Sadyang napapangitan lang daw siya at 'di raw kasi cool pakinggan kaya ginawa niyang Lance.

Medyo ilang din ako dahil panay titig niya saakin.

At yun nga hindi ako nakapasok sa class ko noon. Pero sinabi niyang excused raw ako.

"Hay." Napabuntong hininga na lang ako.

*lakad*

*lakad*

.....

.....

.....

Teka nasaan nga pala si Cheyenne?

Ilang araw na ring di ko siya nakakasama. Tss. Ni hindi man lang magtext.

At habang naglalakad naman ako, napansin ko sa may quadrangle nitong school na may nagaganap na kumpulan ng mga estudyante doon.

May gulo ba?

Pero nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita!

Ngayon ko lang napansin na yung quadrangle e napapalibutan ng maraming pulang rosas?

Tch! Ano namang klaseng pakulo 'to? Sensya na, ah di ako nainform.

Nanatili lang akong nakatingin doon sa kumpulan. Nang may dalawang babaeng naglalakad na mukhang katatapos makiusisa, 'di ko naman sinasadyang marinig ang usapan nila. Teka seryoso? Naka megaphone ba 'tong mga ito? Ba't ang lakas naman ata? Nananadya mge te?

"My God! She's so very lucky talaga! Akalain mo si Jake Veran ng BSBA mag-propopose dun sa freshman student?" Girl1.

Medyo napataas naman yung isang kilay ko. Jake Veran? Saan ko nga ba narinig yung lintek na pangalang iyon?

"Yeah! Sinabi mo pa. Pero infairness te! Match sila." Kilig na wika nung Girl2 na kulang na lang ay maihi ito.

"That girl, what's her name again?" Tanong ulit ni Girl2.

"Ummm.. I think it's Chayenne? Chelline? Ugh! Whatever basta may Che." Wow at dun na talaga lumabas yung eyeball ko at muntikan ko pang sinalo ang mga ito. Napatingin naman yung dalawang manang na tsismosa saakin. Naweirdohan ata?

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now