Chapter XIV

2.2K 49 0
                                    

Cielle's POV

Isang napakaboring nanaman na araw.

Naku! Hindi dapat ako nakamukmok dito, at sana nagtatrabaho ako ngayon kung 'di dahil dun sa dalawang OA na yun. Kaasar!!Ganito kasi yun. Ehem...Mic Test...

Flashback....

Nakarating na kami ni Cheyenne sa bahay at masaya kong sinalubing si Itay sa kanyang kwarto.

"Itay, nakauwi na po ako." Masayang bati ko.

"E ano naman ngayon kung nandito ka na, ah?" Sarkastikong wika ni Itay. Wow ha! Ano nanaman kayang problems in life nitong si Tatay?

"Oy Tay! Ano nanaman yang dina-drama mo diyan, ah?" Nakangiting wika ko habang sinusundot ko yung ilong ni Itay.

"Hay! Ikaw bata ka, tigilan mo nga yan. Ikaw ah Cielle, ano nanaman bang nangyayare saiyo? Diyos ko! Alam mo namang hindi ka marunong lumangoy e na-excite ka nanamang magswimming." Hindi makapaniwalang wika niya. Teka ang akala ba niya ay na-excite ako magswimming kaya ako nalunod? Nilingon ko naman si Che na sumisipol-sipol pa habang nakatingin sa taas. Parang tanga lang? Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga 'tong babae na ito. Galing magsabi ng kung anu-ano ke Itay e.

"Ah e opo tay. Gustong-gusto ko na kasing matuto e kaya ayun, pagkatalon ko hindi ko akalaing malalim pala yung babagsakan ko." Mukha man akong timang na sakyan na lang yung sinabi ni Che para lang hindi na mag-alala pa ng bongga si Itay.

"Kaya nga sa susunod anak, huwag kang tatanga-tanga, maliwanag ba? Tsaka wag masyadong padalos-dalos." Nakataas ang kilay na ani nito. Napabuntong hininga na lang ako.

"At dahil diyan sa nangyari sayo, hindi ka na muna pwedeng magtrabaho ng buong linggo. Tanging pag-aaral muna ang aatupagin mo, kuha mo?" Wika ni Itay habang naka-pameywang pa. Ano?! Hindi pwede iyon!

"Tay, hindi pwede. Paano na po yan kailangan natin ng pera? Yung gastos pa po dun sa ospital na binayaran ng mga magulang ni Che. Utang ko po yun sakanila. Kailangan ko pong kumayod." Paliwanag ko. Tumingin naman ako kay Che para tulungan ako kay Itay.

"Awww Cielle, huwag mo nang alalahanin pa yun. Tulong na namin sayo iyon. Diba we're BFFs? At tsaka tama si Tito baka tatanga-tanga ka nanaman diyan e baka sa manhole ka naman mahulog sa susunod. Huwag naman sana." Natatawang sabi niya. Inirapan ko naman siya. Isa pa to e no? Kaasar talaga. Hindi ako sanay ng walang ginagawa..

"P-Pero---

"Wala ng pero pero, dito ka lang bukas!" Utos ni itay. Waah! Paano na 'to? My Gums!!

End of Flashback....

At ayun nga ang history kung bakit buong magdamag ay NGANGA ako.

Tss. Ay ano ba yan? Tumingin naman ako sa orasan ko at 6:35 pm na. Wow! akalain mo nakayanan kong nganga lang? Another record!

Kaya naman tumayo ako para ipaghanda nalang si Itay ng makakain.

"Tay, magluluto na ako ng hapunan, ah?" Ani ko paglabas ko ng kwarto. Sumilip naman ako sa kwarto niya dahil magkatabi lang naman yung kwarto namin. Inihawi ko naman yung kurtina para tignan siya.

Mukhang mahimbing ng natutulog si Itay dahil rinig ko pa yung hilik niya. Hahaha. Lumapit naman ako pero dumapo yung tingin ko doon sa kamay niya. May hawak siyang litrato ata yun? Kaya na-curious ako at kinuha iyon.

Saan naman nakuha ni Itay 'to?

Isa kasi itong lumang litrato. Tatlo sila rito. Yung background parang malaking hardin. Tapos halatang si Tatay itong lalaking masayang nakangiti. Siguro mga Mid-40's na siya rito. Nakasuot pa siya ng white na polo at slocks tsak akong uniporme niya 'to, dahil may kotse sa likuran nila. Malamang driver siya dati. Mukhang mamahalin ito noong mga panahong iyon.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now