Chapter XXI

1.9K 46 0
                                    

Glaire's POV

Bumubuhos ang ulan na tila ba'y sinasabayan nito ang aking nalulungkot na damdamin.

Isang kalungkutan na kahit kailan hindi manlang nawala.

Pinagmamasdan ko lang ang puntod ng namayapang taong importante saakin na walang iba kundi ang aking Ina.

Pilit na nagpapakita sa aking isipan ang nangyari noong araw na iyon. Kung saan huli ko siyang nasilayan.

Kasabay noon ang pagbagsak ng matagal ko ng pinipigilang mga luha.

Pero naramdaman ko ang paglapit ng isang tao at walang anu-ano'y isinilong ako nito sakanyang payong. Hindi ko alam pero kaagad gumaan ang pakiramdam ko. Ang presensya niyang nakakapagpa-kumportable sa pakiramdam ko lalo na nang sabihin niya ang pangalan ko.

"Glaire." Ang boses niyang maamo ang nakapagpanumbalik saakin sa realidad at mabilis na nilingon siya. Nakita ko ang mukha niyang nababalot ng pagtataka.

"A-Ayos ka lang ba? Mukhang nilalamig ka na ata?" Medyo naiilang na wika niya at agad naman niyang iniiwas ang paningin niya.

Seryoso lang akong nakatingin sakanya dahil hindi ko akalaing naririto siya ngayon sa harap ko, at sa oras pa na ito.

"Hindi ako nilalamig. Nagsesenti ako rito at panira ka talaga kahit kailan." Hindi ko naiwasang mapangisi sa sinabi ko at lalo na ang naging reaksyon niya.

Napangiwi siya at awtomatikong napangiti ako sakanya. Bigla na lang din gumalaw ang dalawang kamay ko at humarap ako sakanya saka ko kinurot ang dalawang pisngi niya na dahilan para ikagulat niya.

O_o <---- Ganyan yung mukha niya ngayon.

Nabigla ito at mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa paglalaro sa pisngi niya.

"Trip mo talaga akong asarin, e, no? Ginagawa mo rito?" Wika niya saka itinaas nito ang kanyang isang kilay. Inirapan pa niya ako nang hindi ko siya sinagot saka tatalikod na sana siya nang mabilis kong hawakan ang kamay niya at hilain palapit saakin. Laking gulat naman niya nang may mabilis na bagay ang tumama sa lupa. Isang punyal. Napatingin kaagad ako sa buong paligid at hinanap kung kanino ito nanggaling. Pati talaga dito!

"S-Saan yan nanggaling?" Kinakabahang wika niya. Tss. Bakit kasi nandito siya?

"Aalis na muna kami. Bibisita ako ulit." Wika ko sa puntod. Matapos noon ay mabilis kong hinila 'tong babae na ito patakbo and I immediately sensed that someone's still following us. Sigurado akong siya nanaman ito.

"T-Teka s-sandali lang!" Wika niya pero hindi ko na muna siya pinansin.

Talagang walang pinipiling lugar ang taong iyon. Nakakainis!

"Hoy! Ano bang nangyayari? Huhu... bro yung payong ko bumaliktad na!" Sigaw ulit nitong kasama ko pero lumingon ako mula sa likuran at may mga punyal nanaman ang paparating, kaya mabilis ko siyang hinila para dumapa kaya nailagan namin ito.

Pansin kong nanginginig na itong si Daydreamer nang hawakan ko ang ulo niya kanina para makadapa kami. Ramdam ko na rin ang takot niya at naiinis na ako ngayon dahil naidala ko nanaman siya sa sitwasyong ito. Hindi na dapat siya madamay pa, walang kahit na sinuman ang kailangang madamay nang dahil lang sakin.

Sumeryoso ako kaagad na nakakuha ako ng isang dagger na nakatusok sa lupa mula doon sa ibinato niya kanina sa direksyon namin at pinakiramdaman kung nasaan ito nagtatago ngayon. Tumayo ako at hinayaan ko itong si Daydreamer sa likuran ko para maprotektahan siya.

Pumikit ako at naging mas sensitibo na ang pakiramdam ko kaya narinig ko ang pagkilos ng kalaban at palipat-lipat na ito sa bawat sanga ng mga puno sa paligid. Naramdaman ko ang naging paghinto niya at ang pagpapakawala niya ng kanyang mga punyal.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now