Chapter VII

2.8K 51 2
                                    

Let's go back to our protagonist, Cielle...

--------------------

~YAWN~

~(-_-)~

~(-o-)~

Hay. Nakakaantok na talaga itong night class na 'to. Akalain mo, whole day ba naman kami? Wala pa akong maayus-ayos man lang na tulog.

~(-_-)~

~YAWN~

Wala na. Anytime sasarado na 'tong talukap ng mga mata ko.

~(-o0)~

"Hey, do you need toothpicks?" Tanong saakin nitong katabi ko. Nga pala classmate ko sa night class itong si Miria Flores. Siya iyong tinulungan ko noong first day sa canteen. Iyong maraming dalang food. Nag-sorry tuloy siya sa nangyari. Pero hindi naman niya kasalanan iyon. Tss. Iyong mga ala-alang yun? Nevermind.

First Year din siya tulad ko at mayaman din sila dahil business tycoon ang mga magulang niya. Oh diba? Ako lang talaga ang namumulubi rito. BS in Nursing din siya tulad ko. Ayos lang daw na ganoon ang kunin niya dahil ang ate naman daw niya ang mag-tatake over sa business nila. Hindi din naman daw niya gusto.

Masasabi kong maganda siya kahit na may salamin ito. Mukha siyang nerd dahil kulot na mahaba ang buhok niya kaya siguro napagdiskitahan siya noong mga lalake noon.

Matapos ay tinignan ko naman siya nang nagtataka. Aanhin ko naman ang toothpick? Kaya naman tumalikod ako at chineck kung may tinga ba ako sa ngipin. Clear, okay naman. Iyong hininga naman. Hah.Hah.Hah.Clear, okay naman.

"Wala naman akong tinga, diba?" Tanong ko. Pero natawa naman siya.

"No, I mean inaantok ka yata, that's why I asked you if you want some toothpicks para ilagay mo dyan sa talukap ng mga mata mo." Mahinang sabi niya. Ah iyon naman pala.

"Ah akala ko kung ano na." Medyo natawa pa ako.

Medyo nawala na rin iyong antok ko dahil doon. Buti nandito kami sa likod, hindi kami masyadong pansin ng prof namin kaya naman nakinig na lang ako ulit.

Nang tumagal na ay tumingin ako roon sa wall clock ng room, 6:45pm pa lang may 45 minutes pa para mag 7:30pm. Hay! Ano be yen? Kumusta na kaya si itay sa bahay?Hay.

"Uy, alam mo ba iyong kwento-kwento rito tuwing mag-gagabi na?" Rinig kong tsismisan noong dalawang classmate naming babae.

"Hindi pa e. Ano ba iyon?" Sagot naman noong isa.

"Ito raw kasing building natin kung saan tayo nag-kaklase ay matagal na rin daw itong ipinatayo. Noon pa raw panahon ng World War II." Napa-isip naman ako doon sa narinig ko. Oo, luma na rin talaga itong building na ito pero maganda at maayos pa rin naman kahit papaano kaya naman nakinig pa rin ako sa kwentuhan nila.

"Tuwing ganitong mga oras na raw kasi ay may mga naririnig daw silang umiiyak, pati na rin mga yapak. Minsan pa nga raw noong may nagklase raw dito ay may nagparamdam daw sa kanila. Minsan pa nga raw may mga pugot ang ulo't mga duguang babae na nakikita riyan sa corridor. At minsan din daw diyan sa may---

"Are the both of you finished discussing already?" Masungit na tanong ng aming prof doon sa dalawang nag-chichikahan. Ehem... Nakatayo na kasi siya sa harap ng dalawa at naka-pameywang. Shocks, 'di ko napansin iyon ah. Cielle, minsan huwag din maging usisera ah. Medyo bad yan.

"Can you please discuss it infront?" Mariing wika ni Prof. Uh-oh. Natahimik naman silang dalawa kaya napabuntong hininga na lang si Prof.

"Next time, huwag niyo nang uulitin iyan ah? Lalo na't dito sa kwartong ito?" Seryosong sabi niya. Nagtaka naman ang lahat sa sinabi niya.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon