Chapter XXXIV

1.7K 37 0
                                    

Cielle's POV

"Thank you, Miss Crisanto. Maaari mo nalang ilapag iyang mga folders sa may table ko. You can go home now." Nakangiting wika saakin ni Ma'am Cabalza at tulad nga ng sinabi niya ay inilapag ko ang mga folders sa may table niya. Matapos noon ay nagpaalam na ako sakanya at lumabas na rin ng Faculty Room.

Pagkalabas ko ay nagpakawala ako ng malalim na hininga at itinaas ko ang aking mga kamay at nag-stretch. Talagang nakakapagod. I feel so exhausted. Nalalapit na rin kasing matapos ang Second Semester at bakasyon muna bago mag-umpisa ang Summer Class, kaya naman puspusang ginagawa na namin ang mga requirements at maipasa sa mga dead lines nito and para mapirmahan na rin ang mga clearance namin.

At syempre matulungin ako kaya ako nandito. Chos! Ako kasi ang naatasang tulungan ang mga faculty. Ikaw ba naman, tignan ka ng sobrang sama ng mga classmate mo na parang sinasabi ng mga tingin nilang, ako lang ang fit na fit sa trabahong iyon. Asan ang hustisya?! Pero wala namang kaso saakin iyon e. Ang mahalaga naman ay makatulong tayo sa kapwa.

Itinuon ko na lang ang pansin sa paglalakad nang mapatingin ako sa bintana rito sa hallway at bahagya akong napahinto.

Palubog palang ang araw. Tumingin ako sa wristwatch ko at quarter to seven na pala. Malapit na nga ang summer. Kasi kapag summer na madalas mas matagal lumubog ang araw pagsapit ng hapon at medyo ramdam ko na rin ang init buong araw.

Tinuloy ko na ulit ang paglalakad pabalik sa may classroom namin at saka kinuha ang bag ko. Matapos ay isinara ko na rin ang pinto.

Habang kasalukuyan akong naglalakad na mag-isa ay hindi ko maiwasang maisip ang mga kaibigan ko. Tumingin ako sa tabi ko at malungkot na nagpakawala ng hininga. Naalala ko pa tuwing sabay-sabay kaming naglalakad dito sa hallway.

Mag-iisang linggo na rin noong huling pag-uusap namin ni Cheyenne, at sinabi niyang aalis na sila papuntang Italy. Matapos ng mga "Moments" ika nga na sinasabi ni Che ay hindi ko na rin siya madalas makita, dahil inaasikaso na raw kasi nila ang pag-alis.

Tumuloy na ako sa paglalakad habang naiisip sila. Naalala ko naman si Miria na hanggang ngayon ay hindi parin nagpaparamdam. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita.

Napakunot naman ang noo ko nang maalala pa ang isang taong hindi rin nagpaparamdam. Maalala lang iyong mukha niya naiinis na ako at hindi ko na nga rin makita ng malinaw ang mukha niya sa isip ko sa sobrang nakalimutan na siya ng panahon. Ang Glaire na iyon! Napaka misteryoso talaga niya. Kahit kailan hindi ko siya maintindihan. At saka ano naman ngayon kung ayaw niya ng magpakita ulit saamin? Wala naman na akonh magagawa doon. Una palang naman na makilala namin siya ni Che ganoon naman na talaga siya e. Siya iyong taong tinatawag na "Lulubog tapos biglang lilitaw" Napakagulo niya. Nagugulo ang isip ko sakanya! Hindi ko siya ma-gets.

Napatigil ako saglit at hindi ko namalayang nakalabas na pala ako ng building. Napapailing nalang ako saka tinuloy lang ang paglalakad. Napansin ko pa ang mangilan-ngilang estudyante pang nagkalat sa may Campus Quad. Hanggang sa nakalabas na rin naman ako ng school.

Dire-diretso lang ako habang tinatahak ang daan papuntang Bus Stop. Tahimik lang ang paligid. Well, ganoon naman talaga rito tahimik dahil walang sasakyan na dumaraan sa kalsada. Wala ring mga estudyanteng naglalakad, dahil ako lang. Lahat kasi ng estudyante rito sa Grand University ay may sariling sasakyan o kaya may mga sundo, ako lang talaga ang nagcocommute. Si Che, may kotse sila kaso mas gustong maglakad kasi kasama raw ako. Kaya pati siya ay nagb-bus na rin.

Habang naglalakad ay bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang maalala siya. Siya ang lagi kong kasabay dito. Nakakatawang isipin na dahil lang saakin kaya siya nags-stay dito. Nagpa-enroll siya sa Grand para samahan lang ako, pero plano naman talaga ng magulang niya na sa ibang bansa siya mag-aral noon. Naiisip ko palang ang marami niyang isinakripisyong magagandang opportunities dahil lang sa gusto niya akong kasama. At ngayon, sigurado naman na akong hindi na ulit masasayang iyon.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon