Chapter XXXII

1.6K 38 1
                                    

Third Person's POV

Abala ang mga taong nakatira sa lugar nila Cielle sa kanilang mga gawain. Payapa rito kaya naman masaya lagi sa lugar na ito.

Sa bahay nila Cielle ay naiwan muna mag-isa ang kanyang ama dahil ang kaniyang tagapagalagang si Aling Choleng ay nagpaalam muna sandali para tignan ang kanyang mga apo sa kanilang tahanan. Si Cielle naman ay nasa school pa.

Kasalukuyang nasa kanyang kwarto at nakahiga sa kanyang kama si Mang Pedro, na ama ni Cielle.

Nakabukas ang kanyang mata na tila ba'y nakakakita pa lamang ito.

"Nararamdaman ko na. Nalalapit na ang mga pangyayaring makakapag-pabago sa buhay ng iyong anak, Ysay. Sa tingin ko'y handa na akong sabihin ang lahat sakanya bago mahuli ang lahat." Wika ng matanda na tila'y may kinakausap. Kumurap siya saglit at nagsalita muli.

"Sa tagal ng panahon na inalagaan namin siya ay alam ko ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na katotohanan, pero alam ko ring matatanggap niya rin ito. Alam mo rin ba'y malapit lang sakanya ang kalahati ng kanyang katauhan? Talaga namang masaya ako dahil doon. Hinihiling ko rin na sana ay maintindihan niya ang lahat-lahat pati na rin ang sakripisyo mo."

Huminga siya ng malalim dahil sa kanyang nararamdaman.

"Malapit na." Wika niya.

Sakto naman nang dumating si Aling Choleng na may dala na ring ulam para sakanya. Nang walang anu-ano'y agad niyang tinawag si Aling Choleng kaya mabilis na pinuntahan siya nito sa kanyang kwarto.

"Choleng, maraming salamat sa lahat-lahat. Lalo na sa pag-aalaga saamin ni Cielle. Maari bang kahit sa sandaling ito ay may huli akong ipapagawa saiyo?" Nakangiting wika ni Mang Pedro. Ngumiti naman si Aling Choleng.

"Hay naku, Pedro. Ano bang huling ipapagawa ang sinasabi mo? Syempre naman maari mo lang sabihin kung anong ipagagawa mo kahit anong oras. Ikaw naman. Nakakakaba naman iyang sinasabi mo na parang mamamaalam ka na, kumpare. Huwag ganoon. Paano na mamaya si Cielle. Naku! Naku!" Nag-aalalang wika ni Aling Choleng. Natawa na lang rin si Mang Pedro, pero sa loob looban ng matanda ay parang ganoon na nga ang kanyang ibig sabihin. Naisip niyang matanda na rin naman na siya kaya ito na rin ang tamang panahon.

"Basta kumare maraming salamat saiyo at sa lahat ng mga taong tumulong saamin dito sa Barangay." Wika niya. "

Tumango naman si Aling Choleng na napapunas pa sa gilid ng kanyang mata nang mapaluha ito.

"Hay! Ako nga ang dapat magpasalamat saiyo dahil kung hindi dahil sainyo ay matagal na akong baon sa utang, kumpare. Malaki ang utang na loob ko sainyo kaya naman handa akong tulungan kayo. Oh, ano ba iyong ipapagawa mo, kumpare?" Tanong ng matanda.

Bumuntong hininga muna si Mang Pedro saka ngumiti.

"Maaari mo bang isulat ang lahat ng aking sasabihin? Kailangan ko ng sabihin ang katotohanan."

****

Cielle's POV

Mabuti naman na at natapos na rin ang klase. Inayos ko na ang mga gamit ko saka lumabas na ng classroom.

Magme-meet kasi kami ni Cheyenne sa may gate dahil may sasabihin daw siya saakin. Mga ilang araw na rin kasi kaming 'di nagkita dahil hindi siya masyadong pumapasok.

Habang naglalakad ako ay naalala ko iyong nangyari noong isang araw pagkakita ko kay Miria. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok at hindi ko alam kung sa anong dahilan. Dahil doon kaya nag-aalala rin ako para sakanya. Ewan ko pero tulala lang talaga ako. Napakalaki niyang misteryo, pero alam ko namang napakabait niya.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now