Chapter XXIX

1.9K 44 0
                                    

Someone's POV

"Kung ganoon ay ang mga litratong ito nga ang tanda na buhay pa si Leandros?" Wika ko habang mariing sinusuri ang mga litratong nakalatag sa aking mesa.

Tumango naman ang tauhan ko na nasa harapan ko't nakayuko. Pinagmasdan ko ang mga litrato at may napansin ako sa mga ito.

"Sino naman itong kasama niyang dalaga?" Tanong ko.

"Master, siya ay ka-mag-aaral niya sa Unibersidad na pinapasukan niya ngayon. " magalang na wika niya.

Napataas ang isa kong kilay sa isang nakita. Nakangiti lang naman si Lhian kasama ang babaeng iyon.

Hindi ako makapaniwala sa nakita. That Leandros will smile? Ibang klase ang binatang iyon.

"I think this girl is not just her classmate. Masasabi kong espesyal siya para sakanya." Napangisi ako sa sinabi ko.

Pero nanlaki ang mga mata ko sa isa pang litrato kung saan malinaw na nakuhanan ang buong itsura at kabuuan ng dalaga.

"Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ito maaari!" Napatayo ako sa kinauupuan ko.

Nagulat din ang tauhan ko sa inakto ko. Paano ito nangyari?

"Ang babaeng ito. Kumuha ka ng impormasyon tungkol sakanya! May kailangan akong siguraduhin. Kumilos ka na!" Utos ko at agad siyang tumango at yumuko bago nagmadaling lumabas sa aking opisina.

Posible kayang may natitira pa sa angkan na iyon?

Hindi ko mapigilang mapa-isip...

....

....

Miria's POV

Tss! Damn! Bakit kailangan ko pa kasing puntahan ang babaeng iyon? Nakita tuloy niya ako. Tss!

"Mukhang malalim ang iniisip mo kaya nakakunot iyang noo mo, ah?" Dinig kong sabi nitong katabi ko.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa tuktok ng isang Department Store.

"Tss! Shut up! Bakit ka pa ba kasi nandito? Sinabi ko na ngang kaya ko nang tapusin mag-isa ang misyon." Inis na wika ko sakanya. Lalo akong nainis nang ngumisi siya.

"Siguro dati kaya mo. Pero ngayon? I doubt." Napapailing niyang sabi habang nakangisi.

"What do you mean? Na mahina ako? F*ck! Baka gusto mong unahin kita ngayon din mismo, Alexander!?" Nag-igting ang bagang ko. Naiinis na talaga ako.

"Huminahon ka nga, pero kahit na anong sabihin mo ngayon wala na akong pake." Seryosong sabi niya kaya galit na tinitigan ko pa rin siya.

"Mukhang lumalambot na ang puso mo, Gaia. Kilala kita at alam kong kayang kaya mong tapusin agad iyang misyon mo. Pero ngayon mukhang natatagalan ka na. Let me tell you baka nakakalimutan mong kaya kang patayin ni Lory sa kahit na anong oras na gustuhin niya sa oras na magkamali ka ng galaw mo." He said coldly. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kung ganoon alam nito ang mga pinaplano ko.

"You knew?"

"Matagal na."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit hindi mo pa rin ako pinapatay?"

Hindi siya umimik sa tanong ko. Kaya kumunot ang noo ko.

"Pinapunta ako ni Lory dito para tulungan ka sa misyon mo hindi para patayin ka. Sabihin na lang natin na masuwerte ka dahil sumusunod lang ako sa ibinigay na utos saakin."

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now